KABANATA 7: ITO NA NGA BA ANG SINASABI KO, pagkatapos kong magpakalasing kasama si Denzel kagabi, ito at masakit ang ulo ko. Wala akong matandaan sa kung anong nangyari kagabi bago ako malasing, at wala akong pakialam doon dahil hindi ko naman naaalala. Panay ang iling ni Denzel habang nagluluto siya ng noodles. Sobrang kapal na talaga ng pagmumukha ko, alam ko. Pero pagkatapos nito sisiguruhin kong hindi na magtatagpo ang mga landas naming dalawa. Gagawa ako ng paraan para hindi na kami magkasalubong pa. "Ano ba kasing nagawa ko kagabi at panay ang iling mo r'yan?" inis na tanong ko kasi kanina pa nga siya panay ang iling. Panay rin naman ang sagot niya ng wala. Ewan ko ba naman sa lalaking iyan, magyayaya ng inuman tapos hindi naman yata inasahan na malalasing ako. Palibhasa yata e,