KABANATA 22: THIRD PERSON POINT OF VIEW: "LINTEK! TATLONG BUWAN NA iyang kaso nyo pero hanggang ngayon hindi nyo pa rin natatapos? Nagagalit na sa akin si hepe! Wala pa ring usad ang kaso nyo!" reklamo ni deputy chief police Galicia. Kaagad nagsitayuan ang mga pulis na nasa loob ng investigation team. Natakot sila dahil para nang bubuga ng apoy ang deputy chief dahil sa galit. Halatang galit na ito at ramdam ng buong investigation unit ang galit na awra nito. "Ano pa lang ba ang hawak nyo hanggang ngayon? Iyan pa ring nakita nyong kutsilyo sa isang motel? E baka nga hindi pa iyan ang ginamit ng killer!" galit na dagdag niya pa. Hindi makapagsalita ang mga pulis. Maging si Police Lieutenant Tolledo na namumuno sa imbestigasyon ay hindi na makasagot dahil maski siya ay nahihirapan na sa

