KABANATA 23: HABANG KUMAKAIN KAMI NI DENZEL, hindi ko maiwasang mapasulyap sa kaniya nang ilang beses. Kinakabahan ako sa sasabihin niya, kinakabahan ako na baka tama nga ang mga pulis at ako na lang ang natatanging walang alam sa kung anong klaseng tao ang boyfriend ko. Pero sa kabilang banda, gusto ko pa ring maniwala na mabuting tao si Denzel, na hindi niya kayang gawin ang karumaldumal na bagay na 'yon dahil siya si Denzel. Si Denzel na inosente at tahimik kung titingnan. Tahimik kami habang kumakain, ni hindi siya nagsalita kahit na minsan ilang beses ko siyang sinubukang kausapin. Nasasaktan ako na hindi niya ako kinikibo pero sa kabilang banda, natatakot naman akong magsalita siya at may aminin. "Wala silang matibay na ebidensya," ani Denzel habang magkatabi kaming nanunuod ng T.

