KABANATA 28: THIRD PERSON POINT OF VIEW: HINDI MAPAKALI SI EUSEBIO sa kaiisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin. Ngayong alam na ni Denzel ang posibleng pumatay sa mga magulang niya, alam niyang hindi ito mag-aatubiling puntahan ang pareho nitong Uncle para alamin kung sino ang totoong pumatay. Hindi niya lubos na maisip kung paano napunta sa ganitong sitwasyon ang lahat. Alam niyang kasalanan niya ang mga nangyayari, kasalanan niya kung bakit humantong sa ganoon ang nangyari sa mga anak niya. . . . Unang naging magkasintahan si Denise at Miguelito noong nasa highschool pa lamang ang mga ito. Si Denise Montes ay anak ng isa sa pinakamalaking kumpanya ng restaurant at fast food chain sa bansa. Noong una'y wala namang pakialam si Eusebio sa mga karelasyon ng kaniyang mga anak lalo n

