KABANATA 29: MARTES NGAYON AT DAY-OFF KO, ito iyong araw na iniiwasan ko kasi magiging mag-isa na naman ako sa loob ng bahay ni Sixto. Hindi rin naman ako makaalis dahil nakabantay pa rin sa labas ng bahay ang pulis na nagbabantay sa akin. Wala akong ibang magawa sa loob ng bahay kundi ang manuod ng T.V. In-advise-an ako ni Nena na manuod raw ng series sa Netflix o kaya ng movie, ang dami niyang isinuggest na pwedeng panuorin pero kahit na nanunuod na ako ay lutang pa rin ang isip ko. Wala akong maintindihan. Humilig ako sa kinauupuan kong couch at saka pumikit. Sa mga ganitong pagkakataon, namimiss ko si Denzel. Namimiss ko iyong ipinagluluto niya ako. Nakakamiss iyong mga araw na magkayakap lang kami habang nagkukwentuhan at nag-aasaran pa nga. Mahirap talaga kapag nasanay kang kasama

