KABANATA 20: ALAS ONSE NA NG GABI nang umalis si Sixto sa restobar. Sinabihan ko siyang umuwi na para bukas ay nasa kondisyon siya kapag pupunta kami kay mama. Hiningi ko na rin ang cellphone number niya para matawagan ko siya. Nakalimutan ko iyong hingiin n'ong huli kaming nagkita, pero sinubukan ko siyang i-search sa f*******: kaya na-add ko na siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit parang hindi naman siya nagbubukas ng f*******: account dahil ilang linggo na ay hindi pa rin niya ina-accept. Sinundo ako ni Denzel nang matapos ang trabaho ko. Sinabi ko na rin sa kaniya na aalis ako para puntahan si mama kasama si Sixto. Pumayag naman siya pero kailangan daw ay i-update ko siya sa mga gagawin namin. Ewan ko ba naman sa lalaking 'to, sabi niya magtiwala ako sa kaniya pero sa akin naman p

