KABANATA 25: RIX POINT OF VIEW: "A-ate, susunduin kita ngayon sa trabaho," iyon ang bungad sa akin ni Sixto sa akin matapos kong sagutin ang tawag. Alas onse na ng gabi kaya nagtaka ako kung bakit siya biglang napatawag. Ramdam kong may problema lalo na sa tono ng pananalita niya. "Bakit? May problema ba? Baka kasi sunduin ako ni-" Nahinto ako sa pagsasalita nang hindi ako patapusin ni Sixto. "Damn, don't ever mention his name. Just change your uniform and I will pick you up right now!" inis na sabi niya pagkatapos ay pinatayan na ako ng tawag. Bahagya akong natulala dahil doon. Kinabahan ako sa inasta ni Sixto. Halos hindi pa iyon nag-sink in sa utak ko hanggang sa bigla kong naalala si Denzel. . . Napalunok ako at unt-unting nanlamig ang buong katawan. Hindi kaya. . . Kaagad kong

