CHARTER 32 "Gising na mama." panggigising ni Nathaniel Craig sa kanilang ina. "NC hindi ganyan ang panggigising ganito oh." aniya ni Nathalie Janelle. Lumapit ito sa stereo at pinagana ito. Itinudo ang volume nito at muling sumampa sa higaan nilang mag iina. "Halika na kambal gisingin natin si mama." aniya nito sa kakambal. Napangiti ang limang taong gulang na si Nathaniel Craig dahil alam na niya ang ibig ipahiwatig ng kambal niya. Agad siyang sumampa sa higaan at hawak kamay silang magkambal na nagsasayaw , nagtatalon sa tabi ng kanilang ina habang umaawit kasabay sa tugtog galing sa stereo. Samantalang sinadya ni Dennise ang late gumising dahil linggo at walang pasok. Pero ang balak niyang matulog muna ay hindi na natuloy dahil naalimpungatan siya sa ingay at paggalaw galaw