CHARTER 31 Dumiretso si Rey sa Camp Villamor pagkalabas niya sa silid o kuwarto ng dalaga sa hospital. "Hindi talaga siguro tayo para sa isa't isa. Sa hinaba-haba ng panahong nasayang sa pagitan natin hanggang ngayun hindi pa rin tayo. Magpakaganun pa man ikaw ang tangi kong iibigin Dennise. Kahit anu man ang mangyari ikaw at ikaw ang aking pakamamahalin. God will make a way for us to be happy. At ang makita kang masaya ay masaya na rin ako." mapait na aniya ng binata habang titig na titig sa wall paper ng kanyang cellphone. Pero bago makarating kong saan-saan ang pag eemote niya ay tuluyan na siyang pumasok sa gate ng kampo. "Welcome back sir." halos sabayang bati sa kanya ng mga nakakasalubong niya. "Thank you. " tipid na sagot niya sa mga ito na siya namang labis na ipinagtataka