Nagbihis ako pagkatapos makapag-almusal. Tatawagan ko pa sana si Nanay para magpasama ngunit naisip ko rin lagi ko na pala itong naaabala sa mga nauna kong pagpunta sa Doktor. Bumuntong-hininga ako. Hindi na nga yata maiiwasan pa ito. Lumabas ako ng kuwarto at naabutan ang paghihintay sa akin ni Troy sa living room. "Alis po muna kami, Manang." paalam niya sa kasambahay nang makita ako. Tumango ang matanda at nginitian ako. Hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako pabalik ngunit sa huli ay sinuklian ko nalang ang ngiti nito. Nagpatiuna si Troy sa paglabas ng unit at sumunod naman ako. Tahimik kami sa loob ng lift hanggang sa biyahe. Pinanatili ko lang ang mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Nang makarating ay naghintay pa kami ng ilang sandali bago tinawag at pinapasok ng Doktor. G