Agad napansin ni Nanay ang nararamdaman kong pagkahilo. Bumaling siya sa mga panauhin at nagsalita. "Mawalang galang na pero, siguro ay sa ibang araw nalang natin ipagpatuloy ito. Medyo hindi mabuti ang kalagayan ng anak ko ngayon." "Bakit po? Is she alright? Kailangan ba natin siyang ibalik sa hospital?" Hindi ko binalingan ng tingin si Troy kahit saglit. Naririnig ko ang labis na pag-aalala at halos pagpa-panic sa kanya. "Hindi. Kailangan lang niya ng pahinga." halos pormal lang na sagot ni Nanay. Natahimik ang lahat. Naunang tumayo si Nanay upang akayin ako pabalik sa aking kuwarto. Masyado akong nahihilo para balingan pa ang mga taong naiwan namin sa sala. Pinahiga muna ako sa kama habang kumuha ito ng makakain ko sa kusina. Nang makabalik si Nanay ay may dala na siyang mainit