Naghanda ng isang bridal shower para sa akin ang mga hipag ko, kasama si Maia na younger sister ni Tristan. Nag-rent sila ng room sa isang hotel para sa maliit kong party at nag-imbita ng ilang close friends. Hinatid ako ni Tristan sa lugar bago naman siya pumunta sa sariling stag party kasama ang mga kaibigan niya. Sa lobby ng hotel ay sinalubong ako ni Maia at sabay na kaming umakyat sa kinuhang hotel room. Naroon na ang lahat nang dumating ako. Napuno ang kuwarto ng mga hugis hotdog na balloons. May mga inumin at pagkain. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi nang palapit sa akin si Betsy dala ang bilugang cake na may nakapatong na hugis ano ng lalake sa ibabaw nito. Halos mapatakip ako sa mukha. Nagsimulang magtawanan ang mga kasama namin sa silid. Nag-enjoy ako sa hinanda