Isang araw ay maaga si Tristan sa amin. Nagulat pa nga ako nang bagong gising at kakalabas ko lang ng kwarto ay naroon na siya. Niyakap niya ako habang napag-isa kami sa sala. "I love you..." parang wala sa sariling aniya. Hindi ko alam kung ano ang i-r-react. Madalang lamang kami magsabi ng mga katagang 'yan sa isa't isa. "I love you, too," sa huli ay nasabi ko. Sa amin na siya nag-almusal at ihahatid na rin niya ako sa escuelahan. "Sorry, hindi na kita nasundo noong bridal shower mo." aniya. "Ayos lang, sinundo naman ako nila Troy at hinatid rito sa bahay." Tumango si Tristan. Napaliwanag siya sa akin na na-lowbat nga raw siya nang gabing 'yon. At gaya ng sinabi ni Troy ay hinatid nga niya ang lasing noong si Louie sa kanila. "Nakapag-usap kami ni Troy," masaya kong pinaalam