CHAPTER 4

1349 Words
“O anak nandyan ka na pala, halika na umupo ka na dito at kumain ka na” yaya sa'kin ni mama. Kakarating ko lang galing school at naabutan ko silang naghahapunan, umupo naman ako at sinandukan ako ng pagkain. “Hows our princess? Tanong sa'kin ni papa. “Okay lang naman po pa” “Galing dito si chris yung masugid mong manliligaw na banlag! Pang-aasar ni kuya clarence ang panganay kong kapatid. “Hindi mo pa ba binabasted yon? Si kuya daren naman ang nagtanong ang pangalawa kong kuya. “Matagal ko ng binasted yon kuya ang kaso ang kulit talaga niya. “gusto mo kami na ni kuya clarence ang bumasted para sayo? “magsitigil nga kayo ha! Alam kong binabalak niyong dalawa kayo! Saway ni mama sa dalawa kong kuya na natahimik bigla. “Kausapin mo na lng anak ng maayos, at saka mukha namang mabait yung tao” “I know mama, kaso hindi ko talaga siya gusto kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya at alam naman niya yun eh. Mabait si chris gwapo din naman at matalino ayun mga lang may pagka banlag kaya naman lagi siyang inaasar nila kuya, classmate ko din siya sa isang subject kaya bihira lang din kami magkita sa school. “Ipaliwanag mo na lang sa kanya ng mabuti anak tyak maiintindihan niya yun, nakangiti namang sabi sa'kin ni papa. Pagkatapos naming maghapunan ay dumeretso na ko kagad sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Pagkuway humiga na ko sa aking kama at kinuha ang aking cellphone. Naisipan ko namang isearch si doctor wallace sa social media. “Ang gwapo naman niya, bulong ko sa aking sarili. Sino kaya tong kasama niya? Ang gwapo din, pero para sakin mas gwapo si doctor wallace, masyado kasing seryoso tong kasama niya sa picture. “celestine? Tawag ni kuya clarence sa labas ng kwarto ko. “Yes kuya? “Pwedeng pumasok? “sige kuya pasok ka” umayos naman ako ng pagkakaupo sa aking kama ng makapasok na si kuya clarence, umupo ito sa gilid ng kama ko. “siyanga pala maaga daw tayong aalis bukas birthday daw kasi nong kaibigan ni mama inimbitahan tayong pumunta sa kanila” “Sinong kaibigan kuya? “Si tita shayne, saka gusto ka din daw niyang makita” “Sinong tita shayne? Takang tanong ko kay kuya. Kita ko ang pagkakunot ng noo niya at tinitigan ako ng seryoso “si tita shayne yung bestfriend ni mama, lagi kaya siyang kinukwento ni mama sa'tin” “ah, o-oo nga pala s-sorry medyo nakalimutan ko din kasi eh” napakamot na lang ako ng aking ulo saka ngumiti sa kanya. “Napapansin ko lang sayo bunso parang nagiging makakalimutin ka ata nitong mga nakaraang araw ah, “Sorry kuya siguro masyado lang akong stress sa studies ko kaya siguro ang dami kong nakakalimutan” “wag ka masyadong magpakapagod okay? Baka mamaya magkasakit ka niyan” “opo kuya, kailangan ko kasi mag-aral ng mabuti para hindi mawala sa'kin yung scholarship ko”. “Pasensya ka na bunso ah, pati ikaw nahihirapan. Kailangan mo pa magsunog ng kilay” “okay lang kuya, para din naman sa inyo tong ginagawa ko eh, para pag nakatapos na ko at nagkaron ng magandang trabaho ako naman ang tutulong sa inyo”. “Hindi mo kailangan gawin yun bunso, makita lang namin na nagsusumikap ka masaya na kami para sayo” “salamat kuya” ngumiti naman ako ng matamis kay kuya clarence, “sige na magpahinga ka na kasi maaga tayong aalis bukas” pagkasabi niyang yon ay lumabas na si kuya clarence sa aking kwarto. Maaga kaming umalis ng bahay dahil pupunta daw kami sa birthday ni tita shayne ang bestfriend ni mama. Isang oras din ang binyahe namin bago kami nakarating sa bahay nila. Pagkababa namin ng sasakyan ay namangha kaming lahat dahil sa laki ng bahay nila. Wala pa sa kalahati ng bahay namin ang bahay ni tita shayne. Sinalubong naman kami ng isa sa mga kasambahay nila at iginiya kami sa dining area. Mas lalo pa akong namangha dahil ang daming pagkaing nakahayin sa lamesa at ibat ibang putahe. Maya maya ay dumating naman ang isang magandang babae na hindi mapaghahalataang may edad na. Ito na siguro si tita shayne “Celicia! Bati ni tita shayne sa aking ina at niyakap niya ito ng mahigpit. “Buti naman at nakarating kayo? “oo naman shayne ikaw pa! Malakas ka saken eh! Happy birthday bespren! Masayang bati nila sa isa't isa. “Siyanga pala mga anak ko, si clarence ang panganay ko, si daren naman ang pangalawa kong anak at ito namang si cel___ hindi na natapos ni mama ang kanyang sasabihin ng bigla akong yakapin ni tita shayne na ikinagulat naming lahat. “hello hija! Kumalas naman siya ng pagkakayakap at hinarap ako ng may ngiti sa labi. “he-hello po po ti-tita shayne” nauutal kong bati sa kanya. “Ang ganda ganda mo hija, mas maganda ka pala sa personal” “ah s-salamat po” “Hala sige maupo na kayo, Okay lang bang antayin muna natin ang anak ko? Pero bababa na rin naman yon. “Walang problema shayne” wika ni mama. Masaya kaming nagkukwentuhan ng marinig namin ang pagtawag ng isang lalaki. “Ma! “Andito kami anak sa dining area! Lumapit naman ang anak ni tita shayne at humalik sa pisngi nito, sabay pa kaming nagulat ng magkatitigan kami. “ikaw? Sabay naming sabi na ikinagulat nilang lahat. “magkakilala kayo anak? Takang tanong ni tita shayne na nagpapalit palit ng tingin saming dalawa “Ah yes ma, may medical mission kasi kami sa southville dun ko siya nakilala. “ah talaga anak!? Well, hindi ko na pala siya kailangan ipakilala sayo” “why ma? “siya yung sinasabi ko na gusto kong ipakilala sayo! “really ma? Sabay sulyap nito sa'kin ng nakangiti. “bat ang gwapo niya pag nakangiti? Makalaglag panty susme!! “sige na hijo umupo ka na” umupo naman siya sa tabi ni tita shayne at mismong magkatapat lang kami. “Ang laki mo na wallace, at ang gwapo mo pa! Masayang turan ni mama sa kanya. “talaga ba tita? Nakangiti namang tanong ni doc wallace. “Abay oo naman! Noong last kasi kitang nakita buntis pa ko kay celestine nun. “Kaya sabi ko dito kay tita celicia mo na kapag babae ang magiging anak niya irereto ko siya sayo, “What!? Gulat na tanong ni doc wallace kahit ako ay napatingin din kay tita shayne. “ilang taon ka na hija? Nakangiting baling sa'kin ni tita shayne. “T-twenty po” “Well, itong si wallace thirty one na pero age doesn't matter naman hindi ba celicia? Napabaling naman kaming lahat kay mama na ngayon ay abot tenga din ang ngiti. Masayang nagkukwentuhan sina mama at tita shayne at panaka naka naman akong tumitingin kay doctor wallace. Ang gwapo niya talaga, lagi pa siyang nakangiti. Ilang oras din ang nilagi namin sa kanila at nagpasya kaming magpaalam na hinatid naman kami nito sa may gate nila kung nasan ang aming sasakyan. “Salamat shayne ha? Mauuna na rin kami “sige celicia mag-iingat kayo sa byahe, sige na anak magpaalam ka na sa kanila” baling naman ni tita shayne kay doctor wallace. “Ingat po kayo tita, sa inyo din clarence, daren” napasulyap naman bigla sa'kin si doc wallace at ngumiti. Oh s**t ang dibdib ko! Feeling ko hindi ako makahinga. Napalunok akong bigla sa klase ng titig niya. “And you also celestine” sabay kindat nito sa'kin na ikinaawang ng aking mga labi. Tumikhim naman si kuya clarence at saka nagsalita. “Lets go cel pasok ka na sa loob ng kotse. “o-okay kuya” sinulyapan kong muli si doc wallace na mataman din nakatingin sa'kin. “O siya shayne mauuna na kami ha? Kita na lang ulit tayo sa susunod” sabay beso naman ni mama kay tita shayne. Kumaway pa ito sa'min bago kami tuluyang makaalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD