Pakiramdam ko parang may kamay na humihimas sa buong katawan ko, pinipilit kong idilat ang mga mata ko pero hindi ko magawa hanggang sa dumako na ang kanyang mga kamay sa ibabang bahagi ko. Ramdam kong unti unting nagigising ang alaga kong sawa at anumang oras ay manunuklaw na ito. Napapaungol ako ng bahagya dahil sa sensasyong ginagawa niya sa’kin,akala ko ay panaginip lamang pero alam kong hindi dahil ramdam ko ang sarap ng kanyang ginagawa. Pinipilit kong idilat ang mga mata ko, nakahubad na ko at tanging pajama lang ang aking suot. Unti unti kong naaaninag ang isang bulto, pero bakit ganon? Hindi pangbabae ang kanyang katawan. Pumikit ako ng mariin saka muling idinilat ang aking mga mata. Sa aking pagdilat nakita ko ang dalawang siraulo kong kaibigan na si roco at jake na silang humihimas sa aking katawan kaya napabalikwas ako kaagad at napatayo sa aking pagkakahiga.
“Mga putang ina! Anong ginagawa niyo dito!? Sabay tawa ng dalawa, imbes na sagutin ako walang humpay ang tawa nila na umalingawngaw sa buong kwarto.
“Manyak ka talaga wal! Si jake na walang tigil kakatawa.
“Hindi mo alam na inuwi ka namin dito sa condo mo?
“H-hindi, lasing na lasing na ko kagabi eh” sagot ko kay roco
“Ano bang nangyari sayo bakit bigla bigla ka naman naglasing? Umayos naman ako ng pagkakaupo sa kama bago sagutin si roco.
“Hindi ko rin alam basta nalasing na lang ako”
“last time na nakita ka namin nalasing yung nagbreak kayo ni arriane, don’t tell me wal hindi ka pa nakaka move on sa kanya?
“what the f**k jake! Matagal na panahon na ko naka move on sa kanya”
“Are you sure? Si roco na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto ko.
“Hundred percent sure! Tumayo naman ako at tinungo ang walkin closet ko para kumuha ng t-shirt, sumunod naman sa'kin ang dalawang ugok kong kaibigan.
“infairness wal hindi pala kabute yan kundi kamote pala sa laki! Kaya naman ang dami palang nababaliw dyan sa kamote mo! Sinamaan ko naman siya jake ng tingin at hinarap siya ng nakapamewang.
“Kasalanan niyo to! Pinasakit niyo puson ko mga walang hiya kayo!
“wallace may banyo dun mo na lang ilabas yan! Pang-aalaska naman ni roco.
“Wala akong magagawa kundi manyakin ang sarili ko” naiiling naman akong lumabas ng closet ko at nagtungo sa kusina. Nagtimpla naman ako ng kape dahil parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Gaano ba kadami ang nainom ko kagabi? Napabuntong hininga na lang ako. Nagtungo ako sa salas pagkatapos kong magtimpla ng kape at nakita kong prente ng nakaupo ang dalawa. Umupo naman ako sa pang isahang upuan.
“Siyanga pala wal may medical mission kayo sa southville ngayon” seryosong saad sa'kin ni jake.
“kailan naman yan? Humigop muna ko ng kape at muntik ko ng maibuga ito dahil sa sinabi ni jake.
“What!? Today na agad!? Bakit walang announcement? Sunod sunod kong tanong sa kanya.
“yung isang doctor sana ang pupunta ang kaso may biglang naka schedule siya ng surgery ngayon kaya ikaw na lang daw” napasandal naman ako at napapikit.
“Maraming chikababes don wallace! Nakangising wika ni roco.
“Ayoko ng bata, wala pang alam yun, irap ko naman dito.
“Hindi lahat ng bata walang alam”
“saka malay mo naman wal dun mo mahanap ang the one mo?
“Wala akong balak okay! Sagot ko sa dalawa. Hindi ko alam kung kailan ulit ako magmamahal at kung bubuksan ko pa bang muli ang puso ko. Aaminin ko hanggang ngayon tumatak pa rin sa'kin ang ginawang panloloko ni arriane kaya nawalan na rin ako ng gana magmahal muli.
“Sus wal sinasabi mo lang yan! Aminin mo na kasi na hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan si arriane kaya ayaw mo pa rin subukang magmahal ganon lang yon”
“Magsilayas na nga kayo! Sawang sawa na ko marinig na puro na lang ang lovelife ko pinag-uusapan natin.
“O siya bilisan mo ng kumilos kasi may medical mission ka pang dadalohan” sabay tapik sakin ni roco sa balikat. Tumayo na silang pareho at sabay ng lumabas ng condo ko. Naka move on na nga ba talaga ko kay arriane? Matagal na panahon na ang masalimuot na nangyari sa'kin kaya sigurado akong nakalimutan ko na siya.
Tanghali na ko dumating sa southville at tinungo ang auditorium kung saan isasagawa ang medical mission. Nakita kong marami na ang nakapilang estudyante doon. Umupo na ko sa aking pwesto at sinimulang ilabas ang mga gagamitin ko.
“bakit ngayon ka lang? Tanong sakin ng katabi kong doctor na si drew.
“Kanina lang kasi ko nasabihan eh”
“kagabi ka pa raw kasi tinatawagan hindi ka naman daw sumasagot”
“Nasa bar kasi kami kagabi nila jake kaya hindi ko namalayan” mgtatanong pa sana siya ng bigla ng may umupong estudyante sa aking harapan. Napatulala naman ako ng maalala kung sino ito. Siya yung babaeng nakita ko sa bar ni roco kagabi. Napalunok akong bigla dahil ngayon ko natitigan kung gaano siya kaganda, maamo at napaka inosente ng kanyang itsura. Ngumiti naman siya ng malapad at saka bumati.
“Good afternoon po doc! Bati niya ng hindi pa rin naaalis ang kanyang pagkakangiti.
“G-good afternoon din” s**t! Bakit ba ko nauutal? Hindi naman ako ganito sa iba. “Kunin ko vitals mo ha?
“Okay po doc! Habang chinecheck ko siya ay mataman naman siyang nakatitig sa'kin.
“okay na normal naman ang lahat” sabi ko sa kanya.
“Anong pangalan mo doc? Nakangiting tanong niya sa’kin.
“I’m doctor wallace miller!
“Ang gwapo niyo po doc! Napaawang naman ako sa kanyang sinabi.
“Bakit parang nagulat ka doc wallace? Ngayon ka lang ba sinabihan ng gwapo?
“Tss! Marami ng nagsabi sa'kin niyan.
“marami na rin yang nakafling kaya ingat ka! Sabat naman ni drew na katabi ko lang kaya rinig niya ang usapan namin.
“oh? Mukha nga po kasi gwapo eh kaya hindi malabong mangyari, by the way doc wallace I’m celestine ordoñez, inilahad naman niya ang kanyang kamay sa'kin, at tinanggap ko naman ito.
“nice meeting you celestine”
“Sige po doc salamat po! nakangiti naman niyang saad sa'kin at saka tumayo na sa kanyang kinauupuan. Habang papalayo siya ay hindi ko naman maalis ang titig ko sa kanya kahit na nakatalikod na siya.
“Naku doc wallace mukhang tinamaan ka ah! Biro ni drew
“Hindi ko siya type at hindi siya pupwede sa'kin, naiiling ko namang sagot sa kanya.
“Kita ko yung titig mo sa kanya eh,
“nagandahan lang ako sa kanya yun lang yon!
“okay sabi mo eh!
*
*
“Aba cel napaka ganda ata ng ngiti mo ngayon ah! Kakaiba, sabi ng kaibigan kong si kian habang kumakain kami dito sa canteen.
“Ang gwapo niya! Wika ko habang nakahalumbaba ako at malayo ang tingin.
“Sino?
“Si doctor wallace”
“At sino naman yon? Nakita ko pa ang pagtaas ng isang kilay ng bakla kong kaibigan.
“Yung kanina sa auditorium! Isa lang naman ang gwapo dun eh”
“Ay naku cel mukhang tinamaan ka ata ah!
“nagwapuhan lang ako sa kanya kian” nakanguso kong saad sa kanya
“Anong kian ka dyan! My name is kiana okay!! K I A N A!! inispell niya pa sa'kin ang pangalan niya na ikinairap ko.
“Don’t tell me na love at first sight ka sa doctor na yon?
“Love agad? Hindi ba pwedeng crush lang!?
“Sows! Dun din ang punta non”
“Kaso mukhang playboy eh”
“ay nako cel wala ng matinong lalaki ngayon no! Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi.