WALLACE POV
Pagkatapos ng duty namin ni jake ay pumunta na kaagad kami sa bar ni roco, dun pa rin kami sa dati naming pwesto kapag nagagawi kami dito. Sa di kalayuan sa pwesto namin ay nakita ko ang kaibigan ni celestine na pababa ng hagdan, baka nandito din siya kaya naman nagpalinga linga ako baka sakaling makita ko siya. Hindi nga ko ngkamali nakita ko siya sa bandang itaas, dahil kita mula rito sa pwesto namin, at nakaupo naman sila sa bandang dulo na wala masyadong nakapwesto. Pansin ko din na kasama din pala niya yung lalaking kasama niya nung minsang nakita ko siyang hinatid nito at sa ospital. Nakatingin lang ako sa kanila mula sa itaas. Nakita ko pang inakbayan ito nung lalaki kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila. Hindi ko kayang tignan na meron ng umaangkin sa kanya. Inisang lagok ko naman ang alak na nasa baso ko at muli ko silang sinulyapan sa itaas. Pero nagtaka ako kung bakit pilit na umiiwas si celestine parang may mali. Hanggang sa pinipilit na siya nitong halikan na siyang pagtayo ko sa aking kinauupuan, napakuyom naman ako ng palad at hinarap si jake at roco na nagtataka na rin sa kilos ko.
"Rocs papuntahin mo sa itaas yung dalawang bouncer mo ngayon na! Hindi ko na siya inantay na magsalita at dali dali akong umakyat sa itaas para puntahan si celestine. Makakapatay ako ng di oras kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Halos magdilim ang paningin ko ng makita kong nagmamakaawa si celestine at walang magawa. Hindi ako nagdalawang isip na sugurin yung hayop na lalaki at sinuntok ito kaagad. Walang awa ko siyang sinuntok dahil sa sobrang galit ko, natigil lang ng awatin ako ng dalawang bouncer na pinapunta ko kay roco. Binalingan ko naman si celestine na ngayon ay yakap yakap ang sarili at umiiyak. Hinubad ko naman ang suot kong jacket at ibinalot sa kanya. Inalalayan ko siyang makatayo at inalis na palayo don. Nakasalubong pa namin si jake na nag-aalalang nakatitig kay celestine.
"Hey is she okay? tanong ni roco Sinulyapan ko muna si celestine na ngayon ay akbay ko at nakayuko.
"She's not". Nang makalabas na kami ng bar ay doon na siya humagulgol at niyakap ko naman siya, hindi ko hahayaang may mangyari ulit sa kanyang masama. At ito ang sinisiguro ko, alam ko na kung ano ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya, sigurado na ko. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko mapigilang mapahawak ng mahigpit sa manibela, panaka naka ko namang sinusulyapan si celestine at nahuli ko pa itong pinunasan ang kanyang luha. Nakarating kami sa kanila ng malayo pa rin ang tingin nito. Bago pa siya makababa ay pinigilan ko na ito, ayokong makita siya ng pamilya niya sa ganong itsura, kaya nagpasya akong iuwi muna siya sa bahay, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila bukas. Balak ko din kausapin ang pamilya niya dahil sa binabalak kong panliligaw kay celestine, desidido at sigurado na ko sa nararamdaman ko. Ayawan man nila ko gagawin ko naman ang lahat para magustuhan nila ko at magtiwala sa'kin.
Nakarating na kami sa bahay ay agad naman akong lumabas ng sasakyan ko at pinagbuksan siya ng pintuan at inalalayang makababa. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa nangyari sa kanya kanina. Hinatid ko naman siya sa guest room para makapagpahinga na, pinahiram ko muna siya ng damit ni mama.
"Ayos ka lang ba dito?
"A-ayos na ko dito salamat" nakayuko niyang sabi na tila nahihiya
"Tatawagan ko na lang si tita celicia para malaman na nandito ka, tumango lang siya sakin bilang tugon. Nasa pinto na ko para lumabas nang tawagin niya ko.
"Doc wallace"
"Yes celestine?
"Salamat ulit" ngumiti ako sa kanya.
"Sige na magpahinga ka na, bukas ihahatid kita sa inyo"
Nang makapasok na ko sa kwarto ko ay kinuha ko kagad sa bulsa ng pantalon ko ang aking cellphone at tinawagan si tita celicia
"Hello?
"Hello tita celicia, its me wallace.
"Oh hijo napatawag ka?
"Im sorry tita kung napatawag ako ng late na. May gusto lang po kasi akong sabihin sa inyo"
"Ano yun wallace? Bago ko magsalita ay huminga muna ko ng malalim at sinimulang sabihin ang nangyari kay celestine kung bakit siya naririto ngayon sa bahay.
"What!? How is she? Garalgal na wika ng mama ni celestine.
"She's fine tita, ako na po ang bahalang maghatid sa kanya bukas, wag na po kayong mag-alala"
"Salamat hijo, mabuti na lamang talaga at nandun ka, baka kung ano na ang nangyari kay celestine.
"At may gusto din po sana akong sabihin sa inyo bukas.
"Sige hijo" pagkatapos naming mag-usap ay pabagsak naman akong nahiga sa aking kama at matamang nakatitig sa kisame. Bahala na bukas kung anong sasabihin ng mga kuya ni celestine dahil alam kong sila ang unang tututol, pero wala akong pakialam kaya kong patunayan sa kanila na seryoso na ko sa kapatid nila.
Kinabukasan habang nag-aalmusal kami ay naikwento ko naman kay mama na andito sa bahay si celestine at kung ano ang nangyari sa kanya kagabi, laking gulat nila at hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Totoo ba yan hijo? Si celestine kumusta siya? Bago pa ko makapagsalita ay nakita ko na si celestine na papalapit sa'min, kaya tumayo ako at nilapitan ko ito.
"H-hello po tita" tumayo naman si mama at niyakap si celestine.
"How are you hija? Nabalitaan ko ang nangyari sayo"
"Okay na po ako tita salamat po"
"Halika kumain ka na muna para maihatid ka na ni wallace tyak nag-aalala na ang mama mo" nang matapos na kami kumain ay inihatid ko kaagad si celestine sa bahay nila. Nakita kong nakaabang na sa labas ng gate ang mama at papa niya. Kaagad naman kaming lumabas ng sasakyan. Nilapitan kagad nila tita celicia si celestine at niyakap ng mahigpit.
"Anak I'm glad you're okay"
"Im so sorry ma! Umiiyak na sabi ni celestine.
"No anak wala kang kasalanan"
"Kasalanan ko ma kasi hindi ko sinabi yong totoo"
"Ang mahalaga anak ay walang masamang nangyari sayo at nailigtas ka ni wallace" tinignan naman ako ni celestine na puno ng luha ang kanyang mga mata. s**t ayokong makita siyang umiiyak. Hinding hindi ko palalagpasin ang ginawa ng hayop na yon! Sigaw ko sa aking isipan.
"Tita gusto ko po sana kayong makausap" kunot noo naman akong tinitigan ni celestine.
"Sige hijo halika sa loob". Nang makapasok na kami sa kanilang bahay ay sinalubong naman kagad si celestine ng dalawa niyang kapatid.
"Cel! Are you okay!? May himig na pag-aalalang turan ng dalawa niyang kapatid. Pagkuway binalingan nila ako.
"Salamat sa ginawa mo sa kapatid ko, mahinahong sabi ni clarence.
"Actually kaya din ako nandito dahil may importante akong sasabihin sa inyo". Seryoso naman nila akong tinitigan.
"My princess halika muna sa kwarto mo para makapagpahinga, yaya ng papa niya dahil sinabi ko sa kanila na sila muna ang kakausapin ko at ayoko munang malaman ito ni celestine dahil sa kalagayan niya ngayon, ayoko siyang biglain.
"Anong sasabihin mo? Seryosong tanong ni daren.
"I like celestine" lahat sila ay nagulat sa aking sinabi.
"Y-you like our sister?
"You heared me daren" I like her!