CHAPTER 12

1468 Words
Tatlong bwan ang nakalipas ng bigla akong tawagan ng kuya ni celestine na si daren. Kinausap ako nito na wag nang lalapitan si celestine at magbabalak na ligawan ito, alam ko naman na hindi nila ako gusto para sa kapatid niya dahil nakita ako nito sa bar na may kahalikang babae. Gusto ni mama si celestine para sakin at ganon din ang mama nila. Pero tinutulan naman ito ng mga kapatid niya bagay na naiintindihan ko. Ganon din naman ako ayokong masaktan siya, kaya simula non ay hindi na rin nagkrus ang landas namin ni celestine. Gusto ko munang ayusin ang sarili ko at gusto ko ding pag humarap ako sa kanya ay sigurado na ko sa nararamdaman ko. "Jake! Bungad ko pagkapasok na pagkapasok ko ng opisina niya. Naabutan ko pa ang girlfriend niya na si april at halatang galit na naman ito. "Wal, walang ganang sabi ni jake. Oh oh! Sige jake balik na lang ako mukhang seryoso ata pinag-uusapan niyo eh" isasara ko na sana ang pinto ng magsalita si april. "Hindi na wallace aalis na rin ako, sabay tayo at derederetso ng lumabas ng opisina ni jake. Naupo naman ako sa katapat na upuan niya at hinintay lang siyang magsalita. Nanatili lang siyang tahimik at nakayuko. Pagkuwa'y siya na din ang bumasag ng katahimikan. "Busy ka ba ngayon? "kaya nga ako nandito ngayon kasi wala na kong pasyente" "Lets go to rocos bar later" alam ko na kagad ang dahilan pag ganitong nagyaya na si jake. "Okay basta sagot mo ah! Biro ko sa kanya na ikinatawa niya. "So musta ka naman ngayon? Mukhang wala na kong nababalitaang nakakadate mo ah nagsawa ka na ba? "Actually pinag-iisipan ko pa kung magseseryoso na ko sa isang relasyon" napaayos naman ng upo si jake at seryoso akong tinitigan. "For the first time narinig ko na din ang mga salitang yan, bakit nagiging sensitive na ba yang kamote mo? "Siraulo! Natawa naman siya na halatang pilit lang. "Sino yung malas na babaeng napupusuan mo? "Sa tingin mo ba malas pa siya once na nakita na niya tong kamote na sinasabi mo? Nakangisi kong sabi. "Sino nga? Yung nirereto sayo ng mama mo? Napaiwas naman ako ng tingin kay jake at napapalatak naman siya. "I knew it! Kala ko ba ayaw mo sa bata? You always said to us na "shes innocent blah blah blah!! What happened wal? "Hindi ko rin alam jake, ngayon ko na lang ulit to naramdaman na hindi ko naman nararamdaman sa ibang nakakadate ko" "Correction! Naiikama mo! Inirapan ko lang siya. "So, anong balak mo? Nagkibit balikat ako "ayaw sakin ng mga kuya niya noong una pa lang" napayuko naman ako pagkasabi non. Ang totoo niyan gusto ko na ulit makita si celestine kahit isang sulyap lang. "Panong hindi ka aayawan kasi nga babaero ka! "Wala na kong babae ngayon" "E di mas maganda! Isang malaking himala yan ah! Totoo talagang magseseryoso ka na! Hindi makapaniwalang turan ni jake "Takot lang ako masaktan ulit at baka ako ang makasakit sa kanya kaya__ "Kaya pilit mong isinasara yang puso mo? Ang pagmamahal wal parang sugal lang yan, may nananalo may natatalo. Kaya piliin mo yung taong mamahalin mo, at patunayan mo sa mga kuya niya na hindi ka na babaero, iniaalay mo na lang sa iisang babae yang kamote mo" "Tang-ina ka talaga jake! Binato ko naman siya ng throw pillow at iniwasan naman niya ito habang tinatawanan ako. "Tara na kasi beshy, saglit lang tayo dun! Saka kasama naman natin si chris oh! Pilit sakin ni kian na may pagpapa cute pa sa harapan ko. Nasa canteen kami ngayon at nasa harapan ko naman si chris at kian na mataman na nakatingin sakin at hinihintay ang pagpayag ko. "Oo na sige na! Pero saglit lang tayo ah, at hindi ako masyadong iinom dahil tyak pagagalitan ako nila kuya" "Yehey! Oo saglit lang tayo! Gusto ko lang makita yung gwapong bouncer dun" kinikilig na turan ni kian at kami naman ni chris ay natatawa sa kinikilos niya. Maaga pa lang ay sinundo na ko nila chris at kian pero ang paalam ko ay may dadaluhan lang kaming birthday ng isang kaibigan dahil kapag sinabi kong sa bar kami pupunta ay tyak hindi ako papayagan lalo na ang mga kuya ko. Sa dulo kami pumwesto para solo namin nila kian at hindi masyadong crowded. Umorder naman si chris ng vodka at kay kian naman ay tequila, nag beer na lang ako dahil hindi ako pwedeng uminom ng marami ngayon kaya dalawang bote lang ang sa'kin. Medyo lumalalim na din sa gabi at halatang may tama na din ang dalawa kaya naisipan ko namang yayain na silang umuwe. "Huy kiana uwi na tayo, medyo gabi na din kasi eh, "Maya lang konti hindi ko pa nakikita si papa bouncer eh" ungot naman niya at inirapan lang ako. "Pagbigyan mo na si kian, maya maya hatid ko na rin kayo" "Salamat chris ah" "Wait lang punta muna kong CR ah, paalam ni kian "Samahan na kita" "Dyusko beshy hindi pa ko lasing no! Deretso pa ko maglakad! Dito ka na lang para may kakwentuhan si chris sandali lang naman ako. "Sige bilisan mo! Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako kumportable kasama si chris pag kami lang dalawa, naiilang pa rin ako. May mga time kasi na parang nagpapahaging siya pero hindi ko na lamang ito pinapansin at binabewala ko na lamang. Maya maya ay tumabi ito sa'kin at umusog naman ako ng bahagya. "Gusto mo pa ba ng maiinom? Ioorder pa kita? "H-hindi na ayos na ko, hindi din kasi ko pwedeng uminom ng marami eh. "Okay sige" maya maya ay nararamdaman ko ang mga kamay niya sa likod ko na nakasandal sa upuan kaya medyo umusog ako paharap. Hindi nagtagal ay umakbay na ito sa'kin at hinaplos ang aking balikat na siyang ikinapitlag ko sa gulat. "Ah c-chris l-lasing ka na" pilit kong tinatanggal ang kanyang kamay pero hindi ito natinag kaya naisipan ko munang tumayo at puntahan si kian sa banyo, ngunit ng akmang tatayo na ko ay pinigilan nito ang braso ko kaya napaupo ulit ako. Hinaklit niya ang braso ko at pilit na hinahalikan. "Chris ano ba! Tinutulak ko siya ngunit masyado siyang malakas. Isang tulak lang nito sakin ay agad akong napahiga. Nahahalikan na nito ang aking leeg, at pilit akong nagmamakaawa sa kanya ngunit hindi ako nito pinakinggan. Walang nakakarinig sa'min dahil medyo malayo ang pwesto namin at madilim. Mas lalo kong ikinaguat ng biglang punitin niya ang blouse na suot ko kaya tumambad ang suot kong puting bra. Hindi siya ang kilala kong chris, anong nangyari sa kanya? Naiiyak na ko dahil hindi niya pinakikinggan ang pakiusap ko. "Chris tama na! Maawa ka sa'kin! Iyak ako ng iyak habang nagmamakaawa ako sa kanya. Nawawalan na din ako ng lakas kakatulak sa kanya. Hanggang sa bigla na lang siyang natumba sa sahig at tumayo akong bigla at tinakpan ang nakabukas ko ng blouse. Kita ko pa kung paano suntukin noong lalaki si chris. Dumating namang bigla ang dalawang bouncer para umawat, hindi ko naman masyadong maaninag ang itsura nung lalaking bumugbog kay chris dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha. Naramdaman ko na lang ang paglagay niya ng jacket sa aking katawan at itinayo ako para makalabas na sa loob ng bar. "hey is she okay? Tanong ng isang lalaki na nakasalubong namin habang akay akay niya ako. "Shes not" rinig kong sabi niya, pero parang pamilyar ang boses niya. Hindi ko na muna siya nagawang titigan dahil sa takot na nangyari sa'kin kanina. Nang makalabas na kami ng bar ay hindi ko na napigilan pa ang humagulgol, niyakap naman niya ko at hinaplos ang aking buhok. Nang medyo nahimasmasan na ko ay don ko na siya hinarap. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng hindi ko inaasahan na magkikita pa kami sa ganitong sitwasyon. "D-doctor wallace? "Are you feeling better now? Napayuko ako at unti unting tumango. "Lets go, ihahatid na kita. Inalalayan naman niya ko makasakay sa kanyang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang bumabyahe kami, iniisip .ko ang nangyari samin kanina ni chris. Hindi ko akalain na magagawa niya sa'kin ang mga bagay na yon. Nagsisimula na namang pumatak ang mga luha ko na siyang pinunasan ko kaagad. "We're here, napabalik lang ako sa huwisyo ng magsalita si doc wallace at napatingin ako sa kanya. "S-salamat", tipid kong wika sa kanya. Bababa na sana ko ng pigilan niya ko sa braso na ikinataka ko, kaya napatingin akong bigla sa kanya. "Hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan ang itsura mo, iuuwi muna kita sa bahay ako na ang bahala kay tita celicia" pagkasabi niyang yon ay pinaandar na niyang muli ang kanyang sasakyan at hindi na niya ako hinintay pa na magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD