CHAPTER 11

1271 Words
"Grabe ka beshy ang galing mo naman! Halos lahat ng subject naipasa mo, iba ka talaga! Puri naman ni kian ng maibigay na sa'min ang result ng exam namin. "Kailangan ko talaga makapasa para naman hindi mawala sa'kin ang scholarship ko, yun na lang kasi ang inaasahan ko eh. At saka para wala na din babayaran sila mama alam mo namang mahal ang tuition dito di ba? Malungkot kong wika kay kian, kasalukuyang palabas na kami ng campus nang makasalubong naman namin si chris. "Hi celestine, hi kian! Masayang bati niya sa'min. "Hello mr tantalizing eyes! Siniko ko naman si kian dahil sa bansag nito kay chris, tinawanan lang siya nito at pagkuway binalingan ako. "Uwi na kayo? "Oo eh" bakit? "Ah ganon ba? Yayain ko sana kayo magmall, "Sagot mo ba? Sabat ni kian na nakacross arms pa. "Oo naman libre ko kayo! Tutal tapos na naman ung exam eh, wala na naman siguro kayong gagawin? "Ay wala na naman kaming gagawin papa chris game kami ni cel, "Ha!? Tinignan ko naman si kian at nginitian lang ako ng nakakaloko. "Tara na beshy sumama na tayo tutal libre naman ni papa chris saka para mafreshen up naman yang utak mo! Nagiging makakalimutin ka na kasi eh. Sabagay tama nga si kian kailangan ko din naman magliwaliw paminsan minsan. "Sige na nga! "Ayon! Masayang napapalakpak pa sa ere ni kian pagkasabi niyang yun. Una kaming nagpunta sa mga arcade at naglaro saglit at ng mapagod ay niyaya naman kami ni chris kumain sa isang fast food chain. Si chris na ang umorder para sa'min at pumila. "Beshy anong status nio ni mr tantalizing eyes? Bulong ni kian na nakangisi sa'kin. "E di friends! Ano pa bang status gusto mo? "Sure? "Oo nga! Inis ko naman siyang tinignan na nakahalumbaba akong hinarap. "E kayo naman ni doctor wallace anong status niyo? "Wala, tipid kong sagot. "Weeeh?? "Anong weeeh ka dyan? Hinatid lang kailangan may status na? Mabuti na lang at bumalik na si chris dala ang order namin at natigil din si kian sa kakatanong niya. Kakatapos lang namin kumain at palabas na sana kami ng mall ng tumawag si kuya daren. "He__ "Cel pumunta ka ngayon dito sa ospital si papa inatake! Bungad kagad sakin ni kuya daren na ikinagulat ko "Saang ospital kuya? Napatingin naman sa'kin si kian at chris na nagtataka. Sinabi naman kaagad ni kuya kung saang ospital dinala si papa. "Ano nangyari beshy? Nag-aalalang tanong ni kian" "Aalis na muna ko pupuntahan ko si papa sa ospital" naiiyak kong wika. Ang totoo niyan kinakabahan ako kung ano na ang nangyari kay papa. "Sasamahan ka na namin cel" hindi na ko tumanggi sa alok ni chris at dali dali kaming tumungo sa ospital. Nang makapasok kami sa loob ay lakad takbo ang ginawa ko hanggang makarating kami sa ER kung saan nakahiga si papa. "Pa! Lapit ko kay papa na ngayon ay nakaupo na sa kama at may nakakabit na dextrose. Nandito din si kuya clarence kuya daren at mama. "Hija, bakit nandito ka? Nagtatakang tanong ni papa sa'kin "Tinawagan kasi ako ni kuya daren na dinala ka daw dito sa ospital kaya dumeretso na ko dito" tinignan naman ni papa si kuya daren ng makahulugan. "Hindi mo na sana tinawagan tong kapatid mo lalabas na rin naman ako eh". "Nataranta kasi kami pa" "Kaya ikaw hon wag ka ng magtrabaho okay? Baka mamaya hindi lang yan ang mangyari sayo eh" "Oo nga papa kami na ang bahala ni daren sa mga gastusin huminto ka na sa pagtatrabaho" wika ni kuya clarence "Pero mga anak" "Wala ng pero pero papa, sundin mo na lang sila kuya para din naman sayo yan eh".wala na rin nagawa si papa kundi ang sumunod. Medyo mahina na din si papa at isa pa ayaw na naming may mangyari pa sa kanya na hindi maganda. Palabas na kami sa ospital kasama ko sila kuya at dalawa kong kaibigan ng makasalubong namin si doc wallace kaya napahinto kami sa aming paglalakad. "Anong ginagawa niyo dito celestine? "Inatake kasi si papa eh, pero palabas na rin naman siya maya maya kasama niya si mama, mauuna lang kaming umuwi" kita ko naman ang matatalim na titig nila kuya kay doc wallace, tumikhim naman ako bago muling nagsalita. "S-sige po doc wallace mauna na kami" tumango naman siya. "Ah, celestine" tawag niya sa'kin kaya napalingon din kaming lahat sa kanya. "Pwede ka bang makausap saglit? Napanganga naman ako at hindi ko alam ang isasagot ko, siguro dahil kasama ko sila kuya. At alam ko naman na ayaw nila na lumalapit ako kay doc wallace. "Why you want to talk to her? Si kuya clarence na matalim ang titig sa kanya. "Sige na kuya mauna na kayo, ako ng bahala" magsasalita pa sana si kuya clarence ng pigilan ito ni kuya daren. "Hayaan na muna natin sila kuya clarence" tinignan muna ako ni kuya daren at asaka tinapik ako sa braso. Nang makaalis na sila ay saka ko hinarap si doc wallace. "Ano palang pag-uusapan natin? s**t ang dibdib ko doble doble ang kabog. "Ahhm… kumusta ka na? Si papa mo kumusta? "Okay lang naman siya doc wallace, need lang niya ng konting pahinga” "About sa nangyari__ "Ah yon ba? Wala yon, magaling na naman tong pisngi ko eh, putol ko sa kanyang sasabihin, at ngumiti lang siya sa'kin. "S-sige po doctor wallace mauna na ko ah baka kasi naghihintay na sila eh. "Ah sige ingat kayo" tumalikod na din ako pagkasabi niyang yon. * * Who's that pretty lady wallace? Tanong sakin ni marco ng makalapit siya sa'kin at nakatingin kay celestine na papalayo. "She's just a college student" "And then? Napahinto naman ako sa paglalakad dahil kakaiba ang tanong ni marco, alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. "And then what? "I mean what is the relationship between you two? Tinawanan ko lang siya, eto na nga ba sinasabi ko. Masyadong observer tong pinsan kong to, hindi ka titigilan hanggat hindio sinasabi ang totoo. "There's nothing between us okay? Saka ko siya tinalikuran at nagpatuloy sa aking paglalakad papunta sa opisina ko. At eto na naman siya kinulit ako ng kinulit hanggang sa opisina ko, simula ng maging sila ni mace naging madaldal at naging pakialamero na din tong si marco sa lovelife ko. "Malay mo naman wallace siya na pala ang the one mo? At magpapabago sayo" pinamulagatan ko naman siya. Magpapabago sa'kin? Hindi ko pa nga alam kung ano tong nararamdaman ko eh, bulong ko sa aking isipan. "Alam mo ba marco yang sinasabi mo? "Why? Ano namang masama sa sinabi ko? "Ang layo ng agwat ng edad namin! Pero ang totoo niyan wala naman sakin kung malaki ang agwat ng edad namin, yon lang ang lagi kong sinasabi kay mama para tigilan niya ko. Kahit anong tanggi ko nangingibabaw pa rin ang pagkagusto ko sa kanya. "How old is she? "Well, she's ano aaahm.. "What wallace? "11 years ang age gap namin can you believe that!? Kunwari'y nainis ako para hindi na niya ko kulitin. "E ano naman ngayon? Hindi ka na makakasuhan ng child abuse niyan. Tumawa naman siya at sinamaan ko ng tingin. "She's innocent hindi ko type yung mga ganong klaseng babae". Totoo nga ba? Kahit ilang beses kong isigaw na hindi ko siya gusto iba naman ang sinisigaw ng isip ko. Baka tama nga sila kailangan ko ng buksan tong puso ko na matagal ko ng isinara. Natatakot lang ako na baka siya naman ang masaktan ko. Ayokong dumating ang araw na pagsisihin ko yon, ang gusto ko ay talagang sigurado na ko sa nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD