bc

I FELL IN LOVE WITH THE BADBOY (2nd GENERATION)

book_age18+
1.6K
FOLLOW
32.0K
READ
gangster
drama
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lahat ng babae pinapangarap ang magkaroon ng isang maayos na relasyon lalong-lalo na kung nasa tamang lalaki ka. Paano naman kung kabaligtaran ang binigay sa’yo ng tadhana? Isang lalaking walang ginawa kun’di makipag-away at higit sa lahat ay isang playboy ang magugustuhan mo?

Jeremy Villafuerte is such a playboy, a badboy, but despite of his personality he is a campus heartrob in their scbool. Ang lalaking kinaiinisan ni Madeline ay siya namang magugustuhan ni Jeremy at mamahalin siya ng sobra.

Pero hanggang saan kayang ibigay ni Jeremy ang pagmamahal niya kay Madeline kung si Jeremy na ang mismong sumuko dahil sa isang pagkakamali na dumating sa hindi inaasahang pagkakataon? Would he rather fight for his love or give up because it’s for the sake of Madeline.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Gabi na nang makarating ako sa bahay at naabutan kong naghahanda na ng hapunan si mommy. First day of school pa lang ay marami na kaagad pinagawa sa’min ang professor kaya heto ginabi ako nang uwi kasi nagresearch pa kami ng mga kaibigan ko na siyang kaklase ko rin ngayon. I’m taking up Business Administration dahil pangarap ko rin magkaroon ng sariling business like my mom. I really envy her because of her hard work lalo na kung paano niya kami palakihing apat na magkakapatid. My dad is a surgeon and a busy doctor. Pero kahit na ganoon ay hindi siya nagkulang sa’min at lalo na hindi siya nawalan ng time lalo na kay mommy. Kahit nagka-edad na sila ay hindi pa rin nawawala ang sweetness nila sa isa’t-isa at nakikita ko ang pagmamahal nila. Pangarap ko rin magkaroon ng isang pamilya na katulad nila at makahanap ng isang katulad ni daddy na kahit na masungit minsan ay hindi nawawala ang pagmamahal niya sa’min. They said that Jk and I both inherited from our father whose being rugged also. But there are others who say that I also got something from my mom, and that is being a jolly. Humalik ako sa kaniyang pisngi at naupo na sa aking puwesto. Pababa naman si daddy at may kausap siya sa kaniyang telepono at naupo na rin sa kaniyang puwesto. “Hi dad!” masayang bati ko sa kaniya pagkatapos niyang makipag-usap sa telepono. “How’s your school baby?” “Okay lang po dad, actually marami na rin naman akong nakilalang friends pero wala pa ring tatalo kina Ellaine at Nina,” nakangiting turan ko. “How about boys?” “Meron din naman po akong nakilala dad, mga classmates ko” “You’re not allowed to have a boyfriend Madeline,” may halong banta na wika sa akin ni daddy. “Babe dalaga na ‘yang anak mo, at saka kita mo naman ang ganda-ganda niya imposibleng walang manliligaw diyan,” saad naman ni mommy habang sinasandukan niya ng pagkain si daddy. “She’s only turning eighteen next month babe at ayokong may umaaligid muna sa baby ko” “Dad! I’m not a baby anymore! Sina Margaux at Mavi na lang ang baby mo,” naiinis ko namang sagot sa kaniya. He’s like that, parati niya kaming bine-baby kahit na ang laki-laki na namin. My dad is a sweet person at masasabi kong napaka-swerte ko dahil nagkaroon ako ng parents na katulad nila. “Oo nga pala nasaan ang kambal? At si Jk bakit wala pa?” takang tanong ni daddy kay mommy. “Nandoon sa bahay nila daddy pinasundo nila dahil namimiss na raw ang apo nila. Si Jk naman nagpaalam na male-late raw ang uwi dahil may tatapusin lang daw silang presentation.” Tumango lang si daddy at nagpatuloy sa kaniyang pagkain. Kinabukasan ay maaga naman akong pumasok at hindi na sumabay kay daddy dahil may dadaanan pa raw siya. Si Jk naman ay mamaya pang tanghali ang pasok niya kaya mag-isa lang akong pumasok at nagpahatid na lang sa driver ni mommy. Pagkapasok ko sa gate ay nabungaran ko na kaagad ang dalawa kong kaibigan na si Ellaine at Nina. Kumaway pa sila sa’kin at patakbo naman nila akong sinalubong. “Nasaan ang kambal mo?” Nagpalinga-linga pa si Nina nang hindi niya makitang kasama ko ang kapatid ko. “Mamaya pang tanghali ang pasok no’n magkaiba kami ng schedule” “Ah ganoon ba?” may halong lungkot naman sa mukha ni Nina. “Hoy Nina! Huwag ka nang umasa kay Jk dahil hindi ka niya papatulan,” mapang-asar naman na wika ni Ellaine sa kaniya. “Malay mo naman mapansin na niya ang beauty ko.” Naiiling na lang ako dahil sa dalawang kaibigan ko. Naglalakad na kami papunta sa klase namin nang makasalubong ko naman si Akira. Nagtaka naman ako kung ano ang ginagawa niya rito sa building namin gayong malayo ang building ng elementary dito sa’min. Pansin ko naman na tila may hinahanap siya at mukhang kilala ko na kung sino ‘yon. Napangiti na lang ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagkagusto niya sa kapatid kong si Jk. “Aki!” tawag ko sa kaniya. Dumako naman ang tingin niya sa’kin at lumapad ang kaniyang ngiti. She’s very beautiful and she got it from her mom. Patakbo siyang lumapit sa’kin at tumingin muna saglit sa dalawang kaibigan ko bago niya ako binalingan. “Hi Ate Madel,” bati niya sa’kin. “What are you doing here? Wala ka pa bang klase?” “Fifteen minutes pa ate bago ang unang klase ko. S-si Jk p-po pala ate?” nahihiya niyang turan at kinagat niya pa ang ibabang labi niya. “Mamaya pang tanghali ang first class niya eh. Bakit mo siya hinahanap?” “K-kasi po a-ano eh__” “Okay Aki give that to me ako na ang magbibigay sa kan’ya no’n,” sabay lahad ko ng palad sa kaniya. Nagningning naman ang mga mata niya pagkasabi kong iyon. Kaagad niyang kinuha sa bag niya ang box ng cookies na alam kong siya ang nagbake noon. Parati niyang pinadadalhan si Jk noon pero hindi naman niya kinakain kaya nakakapagsinungaling ako kay Aki na nagustuhan ni Jk para lang hindi siya masaktan. “Salamat po ate! Sige po mauuna na ako.” Tumango lang ako sa kaniya at umalis na rin siya sa harapan namin. “Madz sino ‘yon? Aagawan pa yata ako sa labs kong si Jk ah! At saka ang bata niya pa, ilang taon na ba ‘yon?” nakataas ang kilay na saad sa’kin ni Nina. “She’s Akira diehard fan ni Jk” “What?! My gosh ha! Ako nga nahihirapan paamuhin ‘yang kapatid mong ‘yan siya pa kaya? At saka baka gusto niyang sampulan ko siya ‘wag siyang paloko-loko sa’kin” “Talaga lang ha? What if kung sabihin kong anak siya ng Mafia?” Pansin ko na natigilan siya at umawang ang kaniyang labi. Muntik na kaming matawa ni Ellaine sa itsura niya at iniwan na lang namin siyang nakatulala. Naghiwalay na muna kami ni Ellaine at Nina dahil magkaiba kami ng subject. Pagbukas ko ng pinto ay napaatras pa ako ng bahagya nang makita ko si daddy na nasa harapan ng board at nakahalukipkip habang nakasandal sa lamesa. “D-dad?!” gulat kong wika sa kaniya. Tumingin naman sa’kin ang ilang mga estudyante roon at napansin ko ang isang pamilyar sa’kin na nakaupo malapit sa may bintana. Napalunok akong bigla at gulat ko siyang tinitigan nang makilala siya. Titig na titig din siya sa’kin na halos hindi man lang kumukurap at naka krus pa ang kaniyang mga braso. Nag-iwas ako nang tingin at muling hinarap si daddy. Lumapit naman ako sa harap at umupo roon kung saan ako naka-puwesto. “Okay class I’m your temporary prof for physics in two days. Tinawagan ako mismo ng school kung puwede raw ba akong magturo sa inyo temporarily,” ani ni daddy na hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso. “And please eyes on me not on my daughter! And stop staring at her,” masungit niyang wika. Nagpalinga-linga naman ako at umiwas naman nang tingin ang ilang lalaking estudyante at muling napabaling na naman ang tingin ko kay Jeremy. Mabilis akong nag-iwas sa kaniya nang tingin dahil mukhang wala siyang balak alisin ang pagkakatitig sa’kin. Nang mapadako ang tingin ko kay daddy ay nagtaka ako kung bakit ganoon na lamang tingin niya kay Jeremy. Panigurado ako ay nakita niya kung paano niya ako titigan kanina. Nang matapos na ang klase namin ay hinarap ko naman si daddy na nagliligpit na ng kaniyang gamit. “Dad, why you didn’t tell me na magtuturo ka rito? At saka doctor ka dad hindi ka prof” “Baby Madie tumawag sa’kin ang school nakiusap na baka puwede raw muna ako magturo kahit two days lang dahil parating pa lang daw ang bagong prof niyo sa physics.” Pinanliitan ko siya ng mata at inakbayan naman ako palabas ng silid. “Okay, actually ako ang nakiusap sa kanila” “What?! But why?” taka kong tanong sa kaniya. Huminto kami sa aming paglalakad at hinarap siya nang nakahalukipkip. “It’s just, you know baby__” “Dad I told you na wala pa akong balak magka-boyfriend.” Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kanang kamay ko. “Ayoko lang na lokohin ka ng kahit na sino anak, I’m afraid that you might get hurt” “Don’t worry dad that could never happen okay?” Ngumiti siya sa’kin at hinalikan ako sa aking noo. Pagkatapos ko namang magbreak ay naisipan ko namang magtungo sa library para humiram ng ilang libro na kakailanganin namin sa reasearch. Tinext ko naman sina Ellaine at Nina na puntahan na lang ako rito pagkatapos ng huling klase nila. Nakita ko naman ang isang libro na kailangan ko na nasa bandang itaas ng shelf. Pilit ko itong inaabot ngunit hindi ko ito maabot nang biglang may isang kamay na kumuha nito. Pumihit ako paharap at nagulat ako nang makita siya at napaka-lapit ng katawan niya sa akin. Dahil may katangkaran siya ay nakayuko naman siya sa’kin at nakatingala ako sa kaniya. Ang isang kamay niya ay nakatukod sa shelf kaya tila nakulong ako sa kaniya. Nagpalinga-linga pa ako dahil baka may magawi rito at pag-isipan pa kami na may ginagawang milagro sa loob ng library. “A-anong g-ginagawa mo?” nauutal kong wika sa kaniya. “Your book.” Kukunin ko na sana ito nang itaas niya ang libro at sinamaan ko naman siya nang tingin. “Ano bang gusto mo?” may diin kong tanong sa kaniya. “You” “What?” “Let’s have a date then.” Bahagya ko siyang tinulak at bumuga pa sa hangin. “What do you think of me? An easy to get? Kumuha ka ng babae na kaya mong paikutin, don’t me Jeremy,” sabay irap ko sa kaniya. “So, you still remember my name huh” “Yes I still remember you, dahil ikaw lang naman ang pinaka bastos na nakilala ko rito.” Lumapit siya sa’kin kaya naman napasandal ako sa shelf. “I like your attitude Baby Madie” “Fuck,” mahinang mura ko sa kan’ya. “Don’t curse or else I’m gonna kiss you here or maybe it’s a french kiss what do you think?” Namilog ang mga mata ko at nakita ko naman sa ‘di kalayuan sina Ellaine at Nina na tila hinahanap ako. Aalis na sana ako nang hapitin niya ako sa aking baywang na mas lalo kong ikinagulat. Nagpupumiglas ako ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Napansin din niya ang dalawa kong kaibigan kaya inilayo niya ako at dinala sa pinaka dulo at isinandal sa pader. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya pigil na pigil ang aking paghinga. Hindi ko naman malaman kung ano ang problema ng taong ito at kung bakit ako pa ang napagtripan niya sa dami ng mga babae rito. “What do you want?” galit kong saad sa kaniya. “I said date me” “No.” Ngumisi siya sa’kin at hinawakan ang aking pisngi. Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi at muli akong binalingan. Kinakabahan na ako sa mga oras na ito at tiyak kung may makakakita sa amin ay iisipan na may ginagawa kami rito. “Should I kiss you then?” Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ko sa likuran niya ang dalawa kong kaibigan. “Okay fine, let’s have a date so please leave.” Bahagya siyang lumayo sa’kin at ngumisi. “I’ll catch up with you later.” Bago pa siya umalis ay inilapit niya ang mukha niya sa’kin kaya napapikit na lang ako nang mariin. Ilang minuto pa ay dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at nakita kong nakatitig siya sa aking mga labi at isang maling galaw ko lang ay magdidikit na ang mga ito. “G-get out,” bulong ko sa kaniya. “I’m gonna bite your lips someday Baby Madie.” Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na niya ako at naiwan naman akong tulala. Hindi ko alam kung ilang minuto ako na nasa ganoong ayos nang dumating naman ang dalawa kong kaibigan na ikinapitlag ko. Gulat silang nakatitig sa akin at tinaasan pa ‘ko ng kilay ni Ellaine. “Hoy Madeline Mendez, anong nangyari sa’yo para kang nagahasa sa itsura mong ‘yan?” aniya ni Ellaine. “H-ha? A-ano k-kasi m-may n-nakita kong ipis, o-oo ipis, nakausap ko pa nga eh” “What? Ipis nakakausap? Madeline malala ka na magpa check-up ka nga sa daddy mo, sanhi ‘yan ng no boyfriend since birth,” wika naman ni Nina. “Wow nagsalita ang nagka boyfriend na,” saad sa kaniya ni Ellaine. “Malapit na at si Jk ‘yon.” Hindi ko na lang pinansin ang asaran nila at nauna na ako maglakad sa kanila palayo. Ang lalaking inaayawan ko at iniiwasan ko ay pilit naman akong ginugulo at binubwisit. Hindi siya ang tipo ng lalaking magugustuhan ko kahit na siya ang pinaka guwapo rito sa buong campus. He’s rude, he’s a badboy at higit sa lahat a player. Sana naman after this ay hindi na niya ako guluhin pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook