CHAPTER 2

2561 Words
Tulala ako habang tinatahak ang daan patungo sa susunod kong subject at nasa unahan ko naman ang dalawa kong kaibigan na kanina pa nagkukulitan. Napahinto ako sandali at mariing pumikit dahil sa pagkainis sa lalaking ubod ng yabang na si Jeremy. Hindi ko lubos maisip kung bakit ginagawa niya sa’kin ang mga bagay na ‘yon. Unang pagkikita pa lang namin ay labis na ang pagkainis ko sa kaniya na akala mo’y lahat ng babae ay kaya niyang makuha. Puwes, hindi ako magpapauto sa kaniya. Hindi siya ang tipo ng lalaki na gugustuhin ko kahit na sa panaginip pa, masyado siyang bastos at mayabang. Kaya lang naman ako pumayag sa gusto niya ay para tigilan na niya ako. Iyon naman talaga ang gusto niya ay mai-date niya kung sino man ang gustuhin niyang babae pero never niya akong makukuha. Huminga muna ako nang malalim at sabay sigaw ko nang malakas sa sobrang bwisit ko sa lalaking iyon habang iniisip ko ang ginawa niya sa’kin kanina sa library. “Bwisit ka talaga!” Taas-baba naman ang aking paghinga na animo’y tumakbo ako nang mabilis. Isinuklay ko pa ang mga daliri ko sa mahaba kong alun-alon na buhok at bumuga pa nang malakas sa hangin. Wala namang estudyante sa hallway kaya malaya akong sumigaw. Taka naman akong tinitigan ng dalawa kong kaibigan at lumapit sa aking kinaroroonan. “Hoy Mads ano bang ginawa namin sa’yo bakit naging bwisit na kami?” Kunot-noo namang tanong sa’kin ni Ellaine at sa kabilang gilid ko naman si Nina. “Hindi kayo okay! Kun’di ‘yong ipis na nakausap ko sa library kanina. Sarap niyang apakan ng pino tapos durugin ng ganito!” Nagpapadyak pa ‘ko at diniinan ko pa na para bang mapupudpod na ang suot kong sandals. “Sino ba kasi ‘yong ipis na tinutukoy mo Mads? Pangit siguro ‘yon kaya ganiyan na lang ang galit mo sa kaniya.” Mabilis akong napatingin kay Nina at napalunok pa ako. Hindi ko puwedeng sabihin sa kanila kung sino ang tinutukoy ko dahil tiyak aasarin ako ng dalawang ito oras na sabihin ko sa kanila na kinukulit ako ni Jeremy. Ayokong kumalat pa sa buong campus dahil I’m sure pagpipiyestahan ako ng madla at maraming malalanding babae ang maiinis. So, what kung mainis pa sila sa’kin wala naman akong pakialam dahil in the first place hindi naman siya attractive para sa’kin at hinding-hindi ako magkakagusto sa isang ipis na katulad niya. Oo nga guwapo siya, pero mas guwapo pa rin sa’kin ang isang lalaki kung sa ugali mo titingnan at hindi sa isang bastos at walang modong katulad niya. Nangako ako sa sarili ko na kung magmamahal man ako ay ang gusto ko katulad ni daddy o ‘di kaya noong kinukuwento ni mommy na bestfriend niya noong college sila. I never met him or saw him even in the pictures before. Ang sabi lang ni mommy ay bigla na lang daw siyang umalis ng hindi niya nalalaman after her heart surgery. Kahit na ganoon pa man ay madalas niya itong ikuwento sa amin ni Jk noong mga bata pa kami at kung gaano ito kabuti sa kaniya. Jk is his name also same as my brother dahil ganoon na lamang ito kahalaga sa kaniya kaya pati pangalan ng bestfriend niya ay ipinangalan din niya sa kapatid ko. “Yes, you’re right Nina! He’s ugly and has no respect for others. I can’t imagine na may ganoong klase palang lalaki rito.” I rolled my eyes after I said that to her. “Talaga may pangit dito sa school natin? Mukhang wala naman akong nakikita na sing-pangit ng ipis na sinasabi mo” “Sino ba kasi ‘yang ipis na ‘yan at ako na mismo ang titiris sa kaniya at nasisira lang ang beauty mo dahil sa kagagawan niyang hinayupak na ‘yan!” Magsasalita pa sana ako nang may biglang lumabas na isang matangkad na lalaki sa isa sa mga silid sa ‘di kalayuan sa kinatatayuan namin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makilala kung sino ang taong iyon. Kahit saan talaga ay pinagtatagpo kami at mukhang hindi madali ang umiwas sa kaniya kahit na malaki naman itong campus. Mabilis akong tumalikod at lakad-takbo pa ang ginawa ko palayo sa lugar na ‘yon. Narinig ko pa ang pagtawag sa’kin noong dalawa kong kaibigan pero hindi ko na sila nilingon pa dahil oras na lumingon ako tiyak makikita na naman niya ako. Nakakita ako ng isang bukas na pintuan at mabilis naman akong pumasok doon at isinara iyon. Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa pagkahingal para lang makalayo sa lalaking ayaw kong makita. Nakayuko ako at hawak pa rin ang seradura ng pintuan ng may biglang lumapit sa akin. Napapitlag ako at taka rin siyang nakatitig sa’kin. Naka-topless siya at bumaba pa ang tingin ko sa may bandang baywang niya at nakatakip lang ito ng puting tuwalya. “Aaaah!” sigaw ko at sabay takip pa sa dalawang mata ko. Napaatras pa ako at may bigla namang humawak sa magkabilang balikat ko kaya kaagad akong napatingin sa aking likuran. Mas ikinagulat ko pa ito dahil hindi lang ito nakahubad kun’di nakasuot lang ito na kulay itim na brief. Napaawang ang mga labi ko sa labis na pagkagulat at hindi ko alam na nakapasok pala ako sa locker room ng mga lalaki. Bubuksan ko na sana ang pintuan para lumabas na sa kuwartong ito ng bigla namang bumukas ang pinto at mas lalong nanlaki ang mga mata ko na para bang nakakita ako ng isang multo. Taka siyang nakatitig sa’kin at nakataas pa ang isang kilay nito. Dahil sa kakaiwas ko sa kaniya ay napunta ako sa sitwasyong ito at baka isipin pa ng mga lalaking ito na sinisilipan ko sila. Bigla akong napaatras at nawalan ng balanse. Mabuti na lamang at maagap niya akong hinila at hinapit sa aking baywang kaya nagkalapit ang aming mga katawan. Napasinghap ako at mariing napahawak sa magkabilang braso niya. Napapikit pa ako at marahan siyang tiningala. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napatulala noong magtama ang aming mga mata. Ang mga mata niya ay tila nang-aakit at ngayon ko lamang ito natitigan sa malapitan. He has a big doe eyes and naturally brown eyes. Umiwas ako nang tingin sa kaniya at itutulak ko na sana siya palayo ngunit mas lalo niya pa akong inilapit sa kaniya kaya naman sinamaan ko siya nang tingin. Ngumisi pa siya sa’kin at inilapit pa ang kaniyang mukha kaya naman nakaramdam ako bigla nang kaba. Tatlong lalaki ang kasama ko rito sa locker room at ang dalawa ay tila nakahubad pa at itong lalaking ito naman ay mukhang walang balak na bitawan ako. Kapag may ginawa talaga siyang hindi maganda ay sisipain ko siya sa parteng mapapaluhod siya sa harap ko. “So, you’re avoiding me huh,” bulong niya sa’kin. “Hi-hindi ah. Ano kasi eh, m-may hinahanap l-lang ako tapos bigla akong naligaw,” nauutal ko pang sagot sa kaniya. “It’s me that you’re looking for pretty lady?” Napatingin ako sa kung sino ang nagsalita at hindi ko maiwasang mapadako nang tingin sa kaniyang ibaba. Nagulat ako dahil halata doon ang nakabukol niya kaya sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Jeremy dahil sa pagkapahiya. Halos mayakap ko na siya at ang dibdib ko ay tila tambol dahil sa sobrang kaba. “Oh Jeremy you have a new target huh!” Narinig kong wika niya habang ako naman ay nakasubsob pa rin sa kaniyang dibdib. Nagulat na lang ako ng bigla na lamang niya akong hilahin palayo sa kanila at dinala sa isang sulok ng locker room na ito. Isinandal niya ako sa pader at tinukod niya pa ang dalawang palad niya rito. Ilang lunok ang iginawad ko at hindi ako mapakali dahil naghalo na ang nerbiyos ko at kaba. Pero hindi ko ito pinahalata sa kaniya at tinitigan pa siya ng masama. Pero bakit ganito? Sa tuwing napapatingin ako sa mga mata niya ay bigla naman ako nanghihina ng hindi ko maintindihan. “Stop staring at me baby Madie, what are you doing here and why you’re avoiding me?” mahinang saad nito sa’kin. “Hindi ko kasalanan kung bakit ako napadpad dito at saka bakit ba kasi kung saan-saan ka sumusulpot?” “Malamang dito ako nag-aaral.” Bahagya siyang lumayo ng hindi inaalis ang pagkakatitig sa’kin. “When I look at you, I can say that you’re in the state of shock” “Sino ba namang hindi magugulat kapag nakakita ka ng nakabukol!” Natahimik akong bigla dahil sa sinabi ko at mariin na lang akong napapikit. “That’s not what I mean. What I mean is nagulat yata kita dahil hindi mo inaasahang makikita kita rito.” Tumaas bigla ang kilay ko dahil parang alam na niya na rito ako pumasok. Nagpipigil lang ako ng inis pero ang totoo ay kanina pa kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Kung puwede nga lang ay lumipat na ako ng school para lang hindi ko na siya makita pa. Isang date lang talaga at sana naman ay tigilan na niya ako sa pangungulit niya dahil baka maospital na ako kung lagi akong mahahighblood dahil sa kaniya. “I’m leaving may klase pa ‘ko.” Lalagpasan ko na sana siya ngunit muli niyang itinukod ang isang palad niya sa gilid ko kaya tiningnan ko siya ng masama. Mabilis din akong nagbawi nang tingin dahil ayokong makita ang mga mata niya dahil baka hindi ako makapagpigil bigla ko na lang sundutin iyon. “Don’t forget our date baby. I’m free this coming weekend.” Napabuga na lang ako sa hangin at simpleng naikuyom ko pa ang isang palad ko. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ba ako napasok sa ganitong sitwasyon. Siguro kung iyong ibang babae ang gaganituhin ni Jeremy ay wala na itong paligoy-ligoy pa at baka pati katawan nito ay ialay niya rito. Hindi mapagkakailang guwapo naman talaga siya pero kahit kailan ay hinding-hindi ko siya magugustuhan. “Okay fine, and after that stay away from me and don’t come near me okay?” Umiling siya na tila hindi nagustuhan ang sagot ko. Namilog ang mga mata ko at umawang pa ang labi ko. Ibig sabihin nito ay may mga susunod pa at wala siyang balak na tigilan ako. Ano bang binabalak ng lalaking ito at ako pa ang napagtripan niya? Kung inaakala niyang makukuha niya ako tulad ng ibang babae puwes ipaparamdam ko sa kaniya na hindi ako ang tipo ng babae na kaya niyang makuha dahil sa itsura niya at baka mapahiya lang siya sa’kin. “Let’s have a date at least ten baby Madie” “What?! Sira-ulo ka ba? Sa tingin mo papayag ako sa gusto mo? Isang date nga lang kinikilabutan na ‘ko eh tapos gagawin mo pang sampu!” Hindi ko na napigilang sigawan siya dahil sa sobrang inis ko. “Hey Jeremy, come on! Still doing some crazy things with your girl?” Sabay pa kaming napalingon at nakita kong nakabihis na ang lalaking kanina’y nakasuot lang ng itim na brief. Muli akong binalingan ni Jeremy at tumaas bigla ang kaniyang kilay na ikinataka ko. Hindi ko malaman sa lalaking ito kung bakit ganoon na lamang niya ako tingnan. Tumikhim ako at muling sinulyapan ang lalaki sa kaniyang likuran na halatang kanina pa ito hinihintay. Ngayon ko lang napansin ang suot niyang jersey na pang-basketball at mukhang may laro sila ngayon. “Eyes on me not him.” Mabilis akong napatingin sa kaniya at para bang nanlilisik ang mga mata niya. “What are you two doing there?” Muling tanong nito kay Jeremy. “Shut up! Where making out” “Making what?! Are you out of your mind? Gusto mong samain ka sa’kin?” Tinulak ko siya pagkasabi kong iyon ngunit muli niya akong sinandal sa pader na ikinagulat ko pa. “Sorry to disturb you Jer, sige na ituloy niyo na ‘yan.” Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan hudyat na nakalabas na ang kasama niya. Kami na lang ang tao rito sa locker room at naramdaman ko na lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa mga labi niya. Hindi lang maganda ang mga mata niya pati ang labi niya ay parang isang cherrie dahil sa pula nito. “Shit naman,” mariing mura ko at hindi ko inaasahang lalabas sa mga labi ko ang katagang iyon. “Stop saying that or else I’m gonna kiss you everywhere when I heared you curse,” tila pagbabanta pa nito sa’kin. “Sa tingin mo matatakot mo ‘ko?” “Try me baby Madie, I’m not kidding. Wala akong pakialam kahit kaharap pa ang mga kaibigan mo.” Bigla akong nanigas dahil sa sinabi niyang iyon at mukhang hindi nga siya nagbibiro. “And one more thing, ayokong kung saan-saan gumagala ‘yang mata mo, I don’t like that. You’re eyes are only mine baby Madie understood?” “Hindi mo ‘ko pag-aari at lalong-lalo na hindi mo ‘ko girlfriend para utusan mo ‘ko ng ganiyan” “Is that so? You’ll soon to be my girlfriend my baby Madie and I’m sure of that.” Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na niya ako at lumabas na ng locker room. Naiwan naman akong tulala at hindi kaagad makapagproseso ang utak ko dahil sa sinabi niya. Antipatikong lalaki talaga! Feeling niya mahuhulog ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi siya ang lalaking pinapangarap ko maging boyfriend as in never! Lumabas na rin ako sa locker room at laking gulat ko ng makita ang dalawang kaibigan ko na papalapit sa akin. Pinanliitan pa nila ako ng mata at paniguradong nakita nilang lumabas din dito si Jeremy. Hindi ko tuloy alam kung anong idadahilan ko sa kanila o sasabihin ko na lang ang totoo. “Hoy Madeline! Magsabi ka nga sa amin ng totoo, bakit nandiyan ka sa locker room ng mga lalaki ha?” Naka-krus naman ang mga braso ni Ellaine at hinihintay ang aking isasagot. “H-ha? Ahm, sumakit kasi ang tiyan ko kanina tapos hinahanap ko ‘yong banyo eh tapos dito ako napadpad,” pagsisinungaling ko pero alam ko namang hindi sila maniniwala sa’kin. “Naku Mads if I know nanilip ka lang yata riyan sa mga boys eh!” Pinanlakihan ko pa ng mata si Nina at hinila ko pa ang buhok niya dahil sa kapilyahan niya. “Tigilan mo ‘ko Nina ah! At saka bakit naman ako maninilip sa kanila ‘no?” “Ito naman hindi na mabiro. Pero nakita mo ba si Jeremy?” “A-ano?” “Locker room kaya ng mga varsity players ‘yan hindi mo ba nakita si Jeremy diyan?” Kinikilig naman na saad niya. “H-ha?” “Madeline nabingi ka na ba dahil kanina ka pa taeng-tae?” Inirapan ko lang si Nina dahil sa kalokohan niya. Nauna na akong maglakad at mabuti na lamang ay hindi nila nakita na lumabas si Jeremy sa locker room na ‘yon dahil kung hindi ay katakot-takot na katanungan ang magaganap sa dalawang iyon at baka pag-isipan pa nila ako ng masama. Kailangan kong gumawa ng paraan para tuluyan na akong tigilang ng buwisit na ipis na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD