“D-Daddy?” tawag ko sa kanya sa mahinang boses na puno ng emosyon. Marahan siyang pumihit at napatitig sa akin nang husto. Nakasuot ako ng backless drawstring side dress na light beige at pinaresan ng puting pumps samantalang sinulyapan niya lang si Gavin na nakasuot ng puting button-up long sleeves na nirolyo niya hanggang siko at pinaresan ng slacks at loafers na itim. “Diletta!” sambit ni Daddy na may ngiti pa sa labi. Umusbong ang kakaibang kasiyahan sa puso ko nang tinawag niya ang pangalan ko sa medyo malalim na boses. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama nang marinig sa unang pagkakataon ang pagsambit niya sa pangalan ko at agad na namuo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako nakagalaw kaya naman ay siya na ang lumapit sa akin at niyakap nang buong ingat pero mahigpit. Napahag