Chapter 30: Pagsuyo

1417 Words

Iniwan ko si Gavin na naghahabol sa akin hanggang sa makalabas ng bahay niya. Timing na may padyak at pinara ko ito habang ipinahid ang likod-kamay sa mata ko. “Pakibilisan ang pagpadyak mo, Manang,” sabi ko sa babae samantalang sumabay si Gavin at nagjo-jog sa tabi ko. “Diletta, bumaba ka nga. Mag-uusap pa tayo!” aniya. Napalingon sa kanya si Manang at napasulyap din ito sa akin. “Saan ba tayo pupunta, Diletta Ineng?” Naki-Diletta na rin siya. “Sa Palazzo Mantovani po,” tugon ko sa kanya at sinamaan ng tingin si Gavin. Nakahalukipkip ako at sagad pa rin ang pagkabanas sa lalaking ito. “Ha? Malayo pala ang papadyakin ko nito,” ang wika ni Manang. May tunog reklamo. “Gaano po ba kalayo?” tanong ko naman. “Mga sampung kilometro din. Mahigit trenta minutos iyon, Ineng. May parte pang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD