Chapter 04

2731 Words
"Camelaine, wala pa rin ako nahahanap na tagapagluto ngayon. Pwede ikaw muna ang magluto?" Pagdating ko rito ay si Ma'am Hannah agad ang bumungad sakin. Nakakahiya nga dahil nahuli nya ko na 7 am na dumating. Dapat kanina pa kong 6 am na nandito. "Dodoblehin namin ang sahod mo. Wag ka mag-alala, hindi rin naman 'to magtatagal baka bukas o makalawa, may mahanap na kami." Hindi na dadating si Ate Nita dahil umuwi na sya sa probinsya nila kaya kinausap ako ngayon ni Ma'am Hannah na ako muna magluto dahil wala pa raw sila nahahanap. "Ma'am, ayos lang. Wag nyo ng doblehin. Ako na magluluto. Sorry ho rin pala dahil alasyete na ko dumating." "Ok lang, Camelaine. Tulog pa rin naman si Haryl. Wag ka lang lalampas sa alas-otso." Ngiti nyang sabi. Umalis agad sya dahil may trabaho pa raw syang aasikasuhin. Pumunta lang talaga sya dito para sadyain ako. Pumunta ako sa taas at kumatok sa kwarto ni Sir bago pumasok. Nakita ko syang kagigising palang at nakaupo sa kanyang kama. "Sir, kakain ka o hindi?" Kumunot ang noo nya sa tanong ko. Napangisi ako. Ha-ha-ha! Nagtataka siguro dahil una kong tinanong iyon sakanya. Gusto ko lang masigurado kung kakain sya dahil ayoko sinasayang ang luto ko. "Alam mo naman si Ate Nita, hindi na nagluluto at pumunta rin dito ang Ate nyo para sabihin sakin na ako raw muna magluluto sa pagkain nyo dahil wala pa raw silang nahahanap." Kwento ko. Nagpaalam si Ate Nita sakanya kagabe pero ito'ng lalaki parang wala lang na umalis ang tagapagluto nya. Hindi manlang nagpasalamat. Tsk! "Bakit wala kang dalang pagkain? Hindi ka nagluto?" Tantya nya. Umismid ako at humalukipkip. "Hindi nga ko nagluto, Sir. Kapag ako nagluto, dapat nyo ubusin ang pagkain at hindi dapat tinatapon." Tumayo sya at pinulot ang kanyang mahiwagang stick. Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Napairap ako. "Oh ano sir? Kakain ka ba? Nagugutom ka? Para magluto na ko." Tanong ko ulit. "Dalhan mo nalang ako ng kape. Ayoko rin naman tikman ang luto mo." Sagot nya habang naglalakad papunta sa bathroom. Aba. Akala ba nya hindi ako masarap magluto? Duh. Masarap ako magluto. Sigurado ako. Kung matikman nya lang ang niluto ko, siguradong lulunukin nya ang sinabi nya. Shet, parang ang hambog ko naman mag-isip. Lumabas ako sa kwarto nya para sundin ang utos ni Hari -- este Sir Haryl. First time ko magtimpla ng kape ni Sir dahil madalas ginagawa iyon ni Ate Nita. Hahayaan ko ba na kape lang ibibigay ko kay Sir? Syempre, hindi. Gumawa ako ng sandwich. Kung hindi nya kakainin, edi ako ang kakain. "Nandito na ang kape nyo Sir." Nilapag ko ang dala ko sa cofee table na nasa harapan nya. "Gumawa na rin ako ng sandwich. Sana kainin nyo." Sarcastic kong huling sabi. "Ang sabi ko, kape lang." Tamad pero may halong irita na sabi nya. Hindi ako umimik at kinuha nalang ang mga gamot nya. "Sana rin inumin nyo ang mga gamot nyo. Hindi lang vitamin." Naningkit ang mga mata nya. "Ilapag mo ang vitamin sa tabi ng tasa. Ako na ang kukuha. Tanggalin mo ang ibang gamot." Awtoridad nyang sabi. Sinunod ko ang utos nya. Pasalamat sya, mabait ako. Umupo ako sa sofa na di kalayuan sakanya. Pinanood ko sya sa pag-iinom nya sa kape. Hinihintay ko rin sya matapos. "Kung gusto mo na kainin ko ang gawa mo, lumabas ka." Napadiretso ako ng umupo sa narinig. "Hindi mo naman ako pinapalabas noon?" Pagtataka ko. "I hate when someone watching me." Napataas ang isang kilay ko. Alam nya na pinapanood ko sya. Nararamdaman nya pala. "Pinapanood kita noon, hindi ka naman nagreklamo." Tamad na bumaling ang mukha nya sakin. Pati saan ako nakaupo ay alam nya dahil siguro sa boses ko. Parang nakatingin tuloy sya sakin. "Dahil alam kong hindi ko nauubos ang pagkain kaya hinahayaan kita." Namilog ang mga mata ko at napatayo nang may napagtanto. "T-teka.. I-ibig bang sabihin, uubusin nyo ang pagkain ngayon?" Hindi ko makapaniwala na tanong. Iniwas nya ang mukha nya sakin. "Lumabas ka na. Bumalik ka after 15 minutes." Sabi nya nang hindi sinasagot ang tanong ko. Napanguso ako at sinunod nalang ang utos nya. Sinarado ko ang pinto ng kwarto pagkalabas. May maliit na sala dito sa second floor kaya doon nalang ako naghintay habang nakaupo sa sofa. Sobrang boring, ang tahimik. Minsan, nakakatakot din mag-isa. Napatitig ako sa kisame. May dalawang kwarto sa baba, guestrooms daw 'yun. Dito sa second floor, may apat na kwarto. Ang isa kay Sir. Ang tatlo ay hindi ko alam. Sa first floor lang ako nilibot ni Ma'am Hannah, hindi na kailangan dito sa second floor dahil sa kwarto lang naman ni Sir ang napupuntahan ko. Ang pagkakaalam ko, hanggang third floor ang bahay na 'to. Sa dulo ng pasilyo ay may maliit na hagdanan papunta sa taas. Hindi ko nga lang alam kung ilan ang kwarto sa taas. Maluwag at malaki ang bahay. Maganda pa ang interior design pati sa labas. Ang problema, walang ibang nakatira. Hindi ba si Sir minumulto rito? Erk. Pagtingin ko sa relo ko ay lagpas 15 minutes na. Ang bilis ng oras, nag-isip lang ako. Bumalik ako sa kwarto ni Sir. Umawang ang bibig ko nang makita ang platito na walang sandwich. Dumiretso ako aa basurahan at tiningnan ang laman, wala ang sandwich. Pumunta ako sa terrace, walang sandwich. Binuksan ko rin ang mga bintana at tumingin sa baba, walang nahulog na sandwich. "Inubos ko. Wag ka paranoid." Walang gana na sabi ni Sir nang maramdaman ang mga ginawa ko. Tiningnan ko sya. Sinuri ko ang paligid nya, wala rin ang sandwich. Inubos nya talaga ang pagkain! "Himala! Naubos nyo! Congrats, Sir." Napangiwi sya. "O.A, tsk!" Nakangiti ako habang nililigpit ang mga bagay sa coffee table. Ang gaan sa pakiramdam na kinain nya ang pagkain at inubos pa nya. Akala ko hanggang kagat lang sya sa sandwich pero inubos nya talaga. Parang proud ako sa sarili ko. Mamaya kapag naghatid ako ng pagkain para sa tanghalian ay lalabas ako at hindi sya papanoorin para ubusin nya rin ang pagkain. "Hey! Can you cut and shave this?" Sabay turo sa balbas nya sa bibig. Kababalik ko palang galing sa kusina at pagkabukas ko ng pinto ay tinanong nya yun agad sakin. Syempre, nagulat ako, yaik. "S-sorry, Sir. Hindi ako marunong." Nakita ko ang dismaya sa mukha nya pero agad din nawala. "Pero, manonood ako sa youtube para malaman ko. Madali ako matuto." Sabi ko agad. Caregiver nya ko, dapat gawin ko ang gusto o utos nya na mukhang nakakabuti naman sakanya. "Wait lang, Sir. Babalik ako mamaya." Mabilis ako umalis para pumunta sa isa sa mga guestroom sa baba dahil nandoon ang cellphone ko sa bag. Buti nalang, may data ako ngayon. Walang libreng wifi dito. Sa kaba ko ay napapakagat ako sa daliri ko habang nanonood ng video. Shet, first time ko gagawin 'to. Ok. Madali lang pala pero alam ko na kapag ginawa ko na ay mahihirapan ako. Pagkatapos ko manood ay bumalik na ko sa taas. Itinatak ko sa isip ko ang pinanood ko, menomorize ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makita si Sir. Pumunta ako sa bathroom at doon ko sya nakita. Maluwag ang bathroom nya, parang kwarto nga. Nakatayo sya sa harap ng lababo. Sa lababo na iyon ay may salamin na nakadikit sa pader. "Alam mo na?" Rinig kong tanong nya nang maramdaman siguro ang presensya ko. Alam ko ang tinutukoy nya. "O-opo." Pumasok ako sa loob. Mas lalo ako kinabahan. Kaming dalawa lang ang nandito. Parang nalulunod ako sa kaba. Shet, "Nasa cabinet ang mga bagay na kailangan mo gamitin." Napatango ako at binuksan ang cabinet na nasa taas. May mga face towel, shampoo, sabon at iba pang product sa loob ng cabinet. Iba rin ang lagayan ng mga tissue. Ganito ang mga mayayaman noh? Organize sa gamit, kompleto. Kumuha ako ng face towel, gunting, razor at shave cream. Sa tangkad ni Sir ay kailangan ko pa kunin ang maliit na upuan sa sulok para tungtungan ko. Nilagay ko iyon sa harapan nya at tumungtong doon. Tiningnan ko si Sir, nakakunot ang noo habang ang isang kamay nya ay nasa bulsa ng black pajama nya at ang kabila naman ay nakalabas dahil may bandage. Nasa harapan ko sya, tamad na nakatayo. Ang lapit nya sakin, naamoy ko rin ang manly scent nya. Ah, gusto ko ng mamatay, syempre, charot lang. Hawak ko na ang gunting sa isang kamay ko. Gugupitan o e-trim ko muna ang balbas nya hanggang sa maging manipis ito. Gamit ang kabilang kamay ko ay hinawakan ko ang panga nya. Pero bago ko pa sinimulan ang pag-gupit ay nahuli nya at nahawakan ang isa kong palapulsuhan gamit ang kanyang kamay na walang bandage. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang gunting, tumunog ang pagbagsak nito sa sahig. "Nanginginig ka.. na naman." Mahina nyang sabi. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagka-frustrate ko! Yumuko ako. Oo, nanginginig nga ang dalawang kamay ko. Naiinis ako sa sarili ko. Binitawan nya ko. Binalewala at hindi ko pinansin ang nanginginig kong kamay kanina pero may ibang tao talaga na makakapansin o mararamdaman sa kilos mo. "Wag mo na ituloy." Umangat agad ang ulo ko sakanya. Mas lalo ako nainis... sa sarili ko. "Hindi, Sir. Itutuloy ko pa rin. Gagawin ko 'to. Patapusin nyo ko." Giit ko. Yung feeling na may gusto kang gawin pero nagkamali ka. Dapat ka na tumigil dahil hindi mo nagawa ng tama pero gusto mo pa rin iyon gawin, gusto mong tapusin. Dahil kapag hindi mo nagawa ang bagay na gusto mo ay baka... Baka magsisi ka. It's make me frustrated to think of that! Narinig ko ang malalim nyang pagbuntong-hininga. "I will not ask why are you shaking... But can you hold my hand?" Bumaba ang tingin ko sa isang kamay nya na walang bandage at inilahad nya 'yun sakin. Walang tanong na hinawakan ko ang kamay nya. Mas lalo nanginig ang kamay ko. Mas bumilis din ang t***k ng puso ko. Bawat paghinga ko ay mabigat. "Hindi ko alam bakit ka natatakot sakin... Pero labanan mo ang takot mo, labanan mo ko." Banayad nyang sabi. Yumuko ulit ako at napapikit. I just had a dark past and its give me a trauma to touch a boy or man like you. Pero hindi ko iyon masabi sayo dahil ayoko pag-usapan ang tungkol doon. "Pa.. paano ko lalabanan ang takot ko?" "I don't know if this will effective to you... But think the good memories. Think also why you want to overcome your fear. Don't..." Humigpit ang hawak nya sakin pero hindi naman masakit ang paghigpit nya. "Don't think the bad memories. Isipin mo nalang ang mga taong nagpapasaya sayo." Mabigat nyang sabi na kumirot sa dibdib ko. Ang lambot at ang init ng kamay nya. Parang pinapainit nya ang malamig kong kamay na hawak nya. Sinunod ko ang sinabi nya. Inalala ang mga magagandang memorya. Inalala kung bakit gusto ko labanan ang takot ko... Dahil gusto ko tumulong sakanya, gusto ko gawin ang utos nya. Inalala rin ang mga tao nagpapasaya sakin... Si Auntie, mga pinsan ko, si Lola at ang... Anak ko. Nung una ay nahirapan ako pero hindi ako sumuko. Hanggang sa nasanay na ko labanan ang takot ko... Hanggang sa mawala ito... Hanggang sa naging komportable na ko sa hawak nya. Napadilat ako nang bitawan nya ang kamay ko. Hindi na nanginginig ang mga kamay ko. "You win. I'm lost. Tinalo mo ko, natalo mo ang takot mo." Parang gusto ko umiyak habang nakatitig sakanya. Aminin ko man o hindi ay natatakot nga ko na hawakan sya, pero simula nang tumigil ang panginginig ko... simula nang naging komportable ang hawak ko sakanya ay alam kong hindi na sya 'ibang' lalaki sakin. "Sa-salamat, Sir." "Don't thank me. I'm just doing it... para gawin mo ang utos ko." Blanko na naman ang ekspresyon nya. Wala akong mabasa. Natahimik ako at pinulot ang gunting sa sahig. Itinuloy ko ang pag-gupit. Ngayon ay komportable na ko sa ginagawa at hindi na naiilang. "Ako na maghihilamos sa mukha ko." Pagkatapos ko mag-gupit at naging manipis na ang balbas nya. "May bandage ang isang kamay nyo." Humarap sya sa lababo. "I can use my other hand to wash my face." Binuksan nya ang gripo at sya na nga ang naghilamos sa mukha nya at nagpunas ng face towel. Ang gusto lang nya na gawin ko ay gupitin at e-shave ang balbas nya kaya hinayaan ko nalang. Pinahiran ko ng cream ang paligid ng bibig nya pati ang panga at sinimulan na ang pag-shave gamit ang razor. Maingat ko iyon ginagawa dahil baka masugatan ko sya. Hinahawakan ko pa ang kanyang pisngi para tingnan kung tama ang ginagawa ko. Pagkatapos ay naghilamos ulit sya at pinunasan ang mukha ng face towel. Tumagal ang titig ko sa mukha nya. Dahil sa wala na syang balbas ay doon ko nakita ang buo nyang mukha. Ang perpektong panga, ang matangos na ilong at ang kanyang mapupulang labi. Bukod pa makinis ay ang ganda pa ng mukha ni Sir. Ang gwa-- Sinampal ko ang sarili ko. Hindi ko 'to pwede isipin! "Pinalo mo ba ang sarili mo?" Takang tanong dahil narinig nya ang ginawa ko. "Huh? Ah, opo. May lamok kasi." Alam ko hindi sya naniwala sa sinabi ko dahil wala naman talagang lamok dito. Pero hindi sya umimik at kinuha nalang ang kanyang stick na nasa tabi lang ng lababo. Hinayaan ko sya na maglakad para umalis na. Nang nasa bukana na sya ng pinto ay tumigil sya. Akala ko haharap ang katawan nya sakin pero nanatili lang sya nakatalikod sakin. "Camelaine." Kumalabog ang dibdib ko nang tawagin nya ko. Una ko marinig na binanggit nya ang pangalan ko. "Ba- bakit ho?" "Wag ka maghatid ng pagkain mamaya. Hindi ako kakain." "Ho? Pero kailangan nyo kumain." "Kung ayaw mo makita ang niluto mo sa basurahan, sundin mo ko." Tuluyan na syang umalis. Humarap ako sa salamin. Ayaw nya na naman kumain. Napangiwi ako sa nakita kong itsura sa salamin. Basa ang noo at leeg dahil sa pawis, yaik. Pinagpawisan pala ako habang ginagawa ko ang trabaho kanina, kahit may aircon naman dito sa loob ng bathroon. Kumuha ako ng bagong face towel at pinunasan ang mukha. Lumabas na ko ng bathroom pagkatapos ko magligpit. Nakita ko si Sir na nakaupo at tulala ulit. Ang bilis magbago ng mood. Dumiretso ako sa pinto ng kwarto at pagkalabas ko ay may narinig akong mga ingay. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na naglakad para tingnan ang sala dahil mukhang may mga ibang tao na nandoon. Paano sila nakapasok? Kasama ba nila si Ma'am Hannah? "Please, Tita. I want to go with you!" Isang batang babae na nakaupo sa sofa. May dalawa rin babae, ang isa ay nakasuot ng pang-yayang uniform at ang isa ay parang katulad ni Ma'am Hannah dahil sa formal na suot. Bumaba ako para puntahan sila. "No, baby. You should live here with your daddy. Pupunta rin ang personal teacher mo dito para simulan ang pag-aaral mo. Ok?" "Tita, daddy will be mad at me again! Doon nalang din ako sa bahay nyo mag-aaral." "Azel, hindi na kita ma-aalagan dahil buntis ako. Alam mo naman 'yun diba?" Nakalapit na ko pero hindi pa rin nila ko napapansin maliban sa isang babae na nakapang yaya uniform. Nginitian nya ko kaya sinuklian ko iyon. "Hindi naman ako magiging pasaway sayo, Tita. I just want to be with you. Doon nalang ako sa bahay nyo." "Im sorry, Baby. Aalis kami sa bahay at may pupuntahan din kami ng Tito mo." "Sasama nalang ako sa inyo." Napawak sa noo ang babae tila nahihirapan na sya magpaliwanag hanggang napunta ang tingin nya sakin at sa wakas napansin din ako. "Base on your uniform, bagong caregiver ka ni Haryl?" Sabay tanggal ng kamay nya sa noo. "O-opo. Si -sino ho pala kayo?" Mas lalo lumapit sya sakin. Tinatawag pa sya ng batang babae pero hindi nya pinapansin. "Pasensya na kung biglaan ang dating namin. I'm Haria, Haryl's sister." Hindi ako nakapagsalita dahil sa hiya bigla. Kapatid sya ni Sir Haryl at Ma'am Hannah. Bakit hindi ko iyon naisip? Tiningnan ko ang mukha nya. May pagkahawig sila ni Ma'am Hannah. "And that kid." Tinuro nya ang batang babae na masama ang timpla ng mukha. "She's Haryl's daughter, Hazelyn." Naging blanko ang isip ko dahil sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD