Chapter 05

1655 Words
Wala ako nabasa sa information ni Sir Haryl na may anak sya at asawa kaya laking gulat ko na nalaman na may anak pala sya. Nagtataka nga ko dahil wala rito ang asawa nya, nasaan sya? Tulala pa rin ako nakatitig sa batang babae. Nakikita ko sakanya ang mukha ni Sir, sobrang magkahawig sila lalo na kapag nakasimangot. Mag-ama nga talaga sila. "Oh my god. I'm sorry Camel if Ate Hannah didn't say about this. Nakalimutan nya raw palitan ang information na pinasa sa inyo." Natauhan ako at bumaling sakanya. Ang pagkatanda ko, si Ma'am Haria ang pang-apat sa kanilang mag-kakapatid. Nahalata nya ang reaksyon ko kanina kaya tinawagan nya agad si Ma'am Hannah. "Ah -ayos lang ho," Umupo sya sa harapan ko kaya katabi na nya ang batang babae. Lumingon sya sa pamangkin nya. "Azel, go to your room. Magbihis ka at magpahinga na." Bilin nya at tinawag ang yaya para samahan ito. Tumayo si Ma'am Azel na akala ko ay aalis na. "Tita, wag mo kong iwan. Sasama ako sa inyo." Nawala na ang simangot nya sa mukha at napalitan iyon ng pagmamakaawa. Kanina pa ko nagtataka kung bakit ayaw nya tumira rito. Nandito naman ang daddy nya. Siguro, hindi maganda ang relasyon nilang dalawa. "Wag makulit, Azel. Hindi habang buhay ay kasama mo ko. Ilang taon na kita nakasama, I think 2 or 3 years but you should live now with your daddy," Hinawakan nya ang magkabilang balikat ng pamangkin nya. "Diba sabi ko sayo noon, someday you will be stand on your own. You need to be strong for yourself. Hindi lahat ng bagay ay may aasahan ka sa ibang tao. Kaya ngayon, ayoko sanayin kita na lagi mo kong kasama. I am not even your parents, Azel." Lumungkot ang mukha ng bata. Pati ako ay nalulungkot habang nanonood sakanila. Nasasaktan ako na parang may dumaan na kirot sa dibdib ko. Na-aawa ako sa bata. "B -but you are m -my Tita," Parang maiiyak sya sa sinabi nya. "Yes, I'm your Tita. Pero kailangan mo rin makasama ang daddy mo. Ayoko makita na hanggang paglaki mo ay hindi mo sya nakakasama. I want you to have memories with him." Wala ng nagawa si Ma'am Azel kaya pumunta na sya sa taas kasama ang yaya nya habang dala ang dalawang maleta. "So, balik tayo sa usapan," Napatingin ako sakanya. Malungkot ang mga mata nya dahil siguro sa pamangkin nya pero nagagawa pa nya ko ngitian. "Pasensya na, Ma'am pero a-ayos lang ba sa inyo na iwan sya? Mu -mukhang sobrang close sa inyo ang bata." Akala ko ay magagalit sya pero sumeryoso lang ang mukha nya. Sa awa ko sa anak ni Sir ay naitanong ko 'yun. "Hindi ayos sakin pero kailangan kong gawin. Parang anak ko na rin si Azel kaya masakit sakin na gawin 'to," Natahimik sya saglit. "I am really sorry, Camel. Bukas dapat ang dating namin pero dahil sa asawa ko ay nagbago ang plano kaya ngayon ko nalang si Azel na hinatid dito." Pansin ko, ang hilig nila mag-sorry ni Ma'am Hannah kahit wala naman talaga ipag-sorry. Nagtatrabaho ako sakanila. Amo ko sila. Wala naman silang ginawa na masama. "Ok lang ho Ma'am. Wag kayo mag-sorry." Napatango sya at simple nya ko nginitian. "Kamusta pala si Haryl? May nagbago na ba sakanya?" "Hindi pa rin sya kumakain araw-araw. Minsan lang at hindi pa nya inuubos. Pero umiinom sya ng vitamin nya." Pagod sya napasandal sa backrest ng sofa na para bang hindi na iba ang narinig nya. "Dapat na talaga sya magbago para sa anak nya," Mahina nyang sabi sa kanyang sarili. May gusto sana ako itanong pero nagsalita agad sya. "Anyway, may nahanap na pala kong dalawang maid at mag-stay in sila rito para naman may kasama si Azel. Bukas sila magsisimula." Finally, may ibang tao na rin na titira rito. Sana naman hindi magalit si Sir. Para rin din naman sa anak nya. "Paano ho pala ang dalawang housekeeper?" "Pinalipat na namin sila." Kahapon ang schedule ng paglilinis nila pero dahil sa narinig ko ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit hindi sila dumating. "Anong ginagawa mo rito, Haria?" Pareho kami napatingin ni Ma'am sa taas at doon namin nakita si Sir na nakatayo habang diretso ang tingin. "Oh, Haryl. Malakas ba ang boses ko para lumabas ka sa lungga mo?" May pang-aasar na sabi ni Ma'am. "Stop it, Haria. Sagutin mo ko ng seryoso." Malamig nitong sagot nya. "Mas matanda ako sayo, Haryl. Kung makasalita ka dyan parang ikaw ang matanda rito." Asar pa rin ni Ma'am sakanya. Bumaba si Sir. Medyo napatagal dahil sa kalagayan nya. Lumapit sakanya si Ma'am para hindi na ito maglakad papalapit samin. "What the fvck! Haryl, anong ginawa mo sa kamay mo huh? Gusto mo talaga saktan ang sarili mo noh?" Pansin ni Ma'am nang makita nya ang nakabandage na kamay ni Sir. "Hindi yan ang gusto ko marinig. Why are you here, Haria? Just answer me." Napamewang si Ma'am. "Hinatid ko ang anak mo kaya ako nandito. Happy?" Nabitawan ni Sir ang stick na dala nya. Nakita ko sakanya ang gulat pero napilitan din agad iyon ng irita. Hindi nagustuhan ang narinig. Pinulot ni Ma'am ang stick ni Sir sa sahig at lumingon sya sakin. "Camel, pwede mo kaming iwan?" "O -opo, Ma'am." Agad naman ako umalis at dumiretso sa guestroom. Napahiga ako sa kama. Alam ko naman na gusto ni Ma'am na mag-usap silang dalawa ni Sir nang walang ibang tao. Dapat nga kanina pa ko umalis. Sa nakita kong reaksyon ni Sir kanina ay mukhang hindi nya nagustuhan na nandito ang anak nya. Grabe naman si Sir. Bata pa ang anak nya, dapat sya maging concern. Ano ba ang paki ko? Caregiver lang ako rito. "Ma, gising na... Mama, may trabaho ka pa." Dinilat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang mukha ng anak ko, napangiti ako. Hinila ko sya at niyakap. Ang sarap nyang yakapin, kakagigil. Mas lalo ako inaantok. Wala naman ako mabibigat na ginawa kahapon sa trabaho pero nakaramdam pa rin ako ng pagod. Pagkatapos umalis ni Ma'am Haria kahapon ay hindi ko manlang nakita na pinuntahan ni Sir ang anak nya. Hindi rin lumalabas si Ma'am Azel sa kwarto nya. Gusto ko magtanong o kausapin si Sir tungkol sa anak nya pero nakita ko na wala syang mood na para bang hindi sya pwede storbuhin kaya hindi ko nalang ginawa. "Ma! Masisira uniform ko. Mama naman! Tumayo ka na!" Nagpupumiglas nyang sabi. Napanguso ako at binitawan na sya. Inayos nya ang kanyang uniform. Pinagmasdan ko sya. Nakasuot sya ng white uniform at black slack pants. Naka clean cut ang buhok at suot din ang kanyang salamin sa mata. Araw-araw ko sinasabi na ang gwapo ng anak ko. Syempre, dahil maganda ako. Natawa ako sa isip ko. Nakikita ko ang mukha ko sa anak ko nung bata pa ko. Lalaki ang anak ko kaya parang boy version ang mukha ko sakanya. May ibang parte rin na hindi nakuha sakin tulad ng labi nya at paano sya ngumiti. "Ang aga mo naligo." Sabi ko at umupo sa kama. Sumulyap ako sa digital clock na nakasabit sa dingding. Alas singko na ng madaling araw. Ang simula ng klase nya ay 6:30 am pero dapat 6:00 am nandoon na sya para umattend ng flag ceremony. Hindi naman sa pagyayabang huh pero sobrang talino ng anak ko, simula kinder ay kasali na sya sa honor list. Heheh. Nakita ko na nga ang future ng anak ko, char. Bilang ina nya ay sobra akong proud. Hindi nagmana sakin ang utak nya kaya hindi ko masasabi na 'syempre dahil sa matalino rin ako kaya ganyan ang anak ko. Pagkatapos ko maligo at magbihis ng gray uniform ko bilang caregiver ay sabay na kami kumain ni Cyvan, ang anak ko. Nang magsimula ako magtrabaho sa mga Suarez ay palagi ko na nakakasama si Cyvan kapag umaalis dahil parang hinahatid ko na rin sya sa skwelahan nya. Medyo malapit ang village nila Sir Haryl dito. "Auntie Jhe, aalis na kami." Paalam ko. "Ingat kayo." Lumabas na kami sa bahay at pumara ng traysikel. Ten minutes ang byahe papunta sa skwelahan nila Cyvan. "Cyvan, ete-text ko ulit si Ronjie o Reynjie kung uuwi sila mamayang tanghali para sumabay ka sakanila." Pagkababa namin ng traysikel ay sinabi ko iyon agad sakanya. Hanggang 11:30 am matatapos ang klase ni Cyvan. Magkatabi lang ang skwelahan ng elementary at high school kaya pwede sya sumabay sa mga Uncle nya. "Alam ko umuwi ng mag-isa." Pinisil ko ang pisngi nya kaya napa-aray sya. "Concern ako sayo kaya kapag nakita mo ang mga Uncle mo, sumabay ka na. Wag pakipot." Dahil sa maaga pa ay kaunti palang ang studyante na pumapasok sa gate ng skwelahan. Magpapaalam na sana ako sa anak ko pero may tumigil na SUV sa banda namin kaya hinawakan ko ang kamay ni Cyvan. Baka kidnapper ang mga tao na nasa sasakyan. May mga guard naman sa gate kaya kung may kidnapper man na lumabas sa sasakyan ay tatawag ako ng guard! Kahit ata hindi ako tumawag ng guard ay siguradong kikilos sila kapag nakita na may masamang nangyari. Bumukas ang pinto ng SUV at nagulat ako nang lumabas si Ma'am Hannah. Hala, nakakahiya pinag isipan ko na kidnapper. Si Ma'am Hannah lang pala. "Good Morning, Camelaine." Ngiting bati nya nang makalapit samin. "Go -good morning din ho, Ma'am." Tumingin sya sa katabi ko. "Is he your son?" Alam nya na may anak ako dahil nabasa nya ang bio-data ko bago nila ko tinanggap sa trabaho. "Opo, Ma'am. Cyvan ho." Pakilala ko sa anak ko. "Gwapong bata huh," Syempre, sakin nagmana ang mukha hahah! Napasulyap sya sa gate ng skwelahan. "Anong grade nya na?" "Grade 2, Ma'am." Napatango sya. Nagpaalam na sakin si Cyvan na papasok sa loob dahil baka raw sya ma-late. "Sumabay ka na sakin, Camelaine. Pupunta rin ako kay Haryl." Pumayag ako sa gusto ni Ma'am kahit nakakahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD