Chapter 06

1562 Words
Camel's Past Part 1 "Camel, ipasa mo sakin ang bola kapag nakuha mo." Natatawang sabi ni Klaris, isa sa mga kateam mate ni Camel sa volleyball. Camelaine Betanzor is a grade 11 student and she's a setter in their volleyball team. Training nila ngayon para mapaghandaan ang laban nila sa ibang skwelahan next month. Nasalo ni Camel ang bola kaya agad nya ito pinunta kay Klaris na agad din naman tumalon at malakas na pinalo ang bola sa ere para mapunta iyon sa kabila. "Nice, Klaris!" Ngising sabi ni Camel. Tinigil na nila ang training dahil oras na rin umuwi. Kinuha na nila ang mga bag nila sa bench. Uminom si Camel ng tubig sa kanyang tumbler habang pinupunasan ang kanyang leeg at mukha gamit ang towel. "Happy 18th Birthday, Camel!" Muntikan na sya mabilaukan dahil sa sigaw na narinig. Lumingon sya sa likod nya at doon nya nakita ang mga kaibigan nya na ang iba pa sakanila ay kateam mate nya habang may dala ng balloon at cake. "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, happy birthday! Happy Birthday, Camel!~" Kanta ng mga kaibigan nya. Natawa sya at hindi mapigilan na maluha sa saya. Hindi nya inaasahan na may mangyayari ng ganito. "Hoy! Mga siraulo! Bakit may ganito?" Tawang sabi nya. "Syempre, dahil debut mo noh?" Sagot ni Shaine, naging kaibigan nya ito last month. Maraming kaibigan si Camel dahil friendly syang tao at may pagka-kalog din. Ang iba nga sakanila ay mas matanda at bata pa sakanya. "Sana di na kayo nag-abala pa. Nakakahiya sa inyo." Bukod sa friendly syang tao at pagka-kalog ay mabait din sya. Kaya minsan, gusto suklian ng mga kaibigan nya ang kabaitan nito "Sira ka, Camel! Nag-effort kami. Thank you nalang ang sabihin mo." Sabi ni Coleen, kaklase at kaibigan din nya. "Oh sige, thank you sa inyo," Natatawa nya pa rin sabi pero tinigil din nya. "Pero seryoso, maraming salamat sa inyo." Lahat ng kaibigan nya na naroon ay napangiti sakanya. "Ate Cam, mag wish ka na at ihipan na ang candle." Sabi naman ni Nikka, mas bata ito sakanya ng isang taon. Sinunod nya ang sinabi kaya pumikit sya at pag-dilat ay inihipan agad ang kandila na nasa cake. Kinantahan ulit sya ng mga kaibigan nya at ini-isa-isa na yinakap sya. "Sorry, guys kung hindi ko kayo maiimbitahan sa bahay dahil wala rin naman handa." "Naku, Cam, ayos lang samin." Sagot sakanya ng Ate Layla nya, grade 12 student ito at kateam mate pa nya sa volleyball. Bigla naghiyawan ang mga kaibigan nya dahil sa isang lalaki na paparating habang may dala itong tatlong rosas. Si Savier, ang boyfriend ni Camel. Isang taon na silang dalawa sa relasyon. Mahal din nila ang isa't-isa. Gaya ni Camel ay volleyball player din si Savier. Sabi ng mga kaibigan nya ay perfect couple na silang dalawa. Sana all. SANA ALL talaga, lol. "Papahuli ba ang boyfriend? Ayiee kinikilig sya!" Asar ni Shaine sakanya. Pinipigilan nya nga hindi ngumiti para hindi mahalata na kinikilig sya pero nahalata pa rin nila. Mga kaibigan nga naman. Sino ba hindi kikiligin? Dumating ang boyfriend nya ng di inaasahan sa araw ng birthday nya at may dala pa itong bulaklak. "Ayiee! Namumula na si Mareng Camel." Asar pa ni Coleen. "Guys, exit na tayo. Nandito na ang boyfriend oh." Ngising sabi ni Ate Layla. "Hintayin nyo ko sa labas mga hunghang. Kakainin natin ang cake." Habol na sabi ni Camel nang paalis sila. "Hihintayin ka talaga namin. Take your time with your baby!" Huling hirit na asar ni Shaine sakanya. Hindi na sya nakanganti sa pang-aasar nila dahil nasa tabi na nya ang boyfriend nya. Tiningnan nya ito, nakasuot ng uniform, samantala sya ay naka white t-shirt at jersey short pa. "Happy Birthday, Camel! Tatlong rosas para sa I love you." Binigay ang tatlong rosas sakanya, tinanggap nya ito at sinapak ang braso nya dahil sa kilig. "Kahit kailan, ang korni mo Savier." "Kinikilig ka lang." Napanguso si Camel. "Pero salamat." Niyakap sya ni Savier. Hinawakan nya ang bewang nito at pilit inihihiwalay sakanya dahil baka amoy pawis sya. Nakakahiya. "Savier, amoy pawis ako." Hindi sya hinahayaan na tanggalin ang yakap nito sakanya. "Hindi naman. Amoy baby nga." Napairap sa kawalan si Camel at hindi na nagpumiglas sa yakap. Humiwalay din naman si Savier sa yakap dahil kailangan na nila lumabas sa gym. "May gagawin pa kayo ng mga kaibigan mo?" Tanong sakanya ni Savier. "Oo. Sama ka? Kakainin namin yung cake." "Wag na. Pero bukas, wala kang gagawin?" "Baka wala. Bakit?" "Date sana tayo. Ngayon dapat pero oras ng mga kaibigan mo ngayon." Napatigil sa paglalakad si Camel. "Savier, ang bait mo ngayon ah? Ok lang naman kung pilitin mo ko mag-date ngayon." Pinisil ni Savier ang pisngi nya. "Mabait naman talaga ko kaya ayoko kitang agawan ng oras para sa mga kaibigan mo dahil alam kong bukas, sakin na ang oras mo." Pinisil din ni Camel ang pisngi ng boyfriend nya. Sa tangkad nito ay tumingkayad pa sya para abutin ang pisngi ni Savier. Masaya sya na umuwi ng araw na 'yun. Pag-uwi nya sa bahay ay nagluto ang lola nya ng spaghetti para sakanilang dalawa. Naiintindihan nya naman kung bakit ito lang ang handa nya. May sari-sari store ang lola nya at doon sila kumukuha ng pang-araw araw nilang gastos lalo na sa pag-aaral nya. Ang mama at papa nya ay hiwalay na at may mga sarili ng pamilya kaya naiwan na sya sa lola nya at ito na ang nag-alaga sakanya. Palagi syang masaya at ayaw nya maging malungkot dahil alam nya na hindi sya nag-iisa, nandyan ang lola pati mga kaibigan at ang boyfriend nya. "Ahhh! Ayoko na mag-aral." Sinabunutan ni Camel ang kanyang buhok para ilabas ang stress nyang nararamdaman. After one week ng birthday nya ay kailangan nya magsunog-kilay dahil nalalapit na ang finals. May training sa volleyball at research paper pa syang kailangan asikasuhin. Hindi sya matalino pero hindi rin naman bobo. Nahihirapan lang talaga sya mag-aral pero dahil sa lola nya ay kailangan nya mag-aral ng mabuti. Kailangan nya pumasa kahit minsan ay nagka-cutting class sya at mababa ang score sa quiz. Kahit mababa ang grade nya, ang mahalaga ay makapasa. Yun ang nakatatak sa isip nya. "Ganyan talaga kapag studyante, Camel." Ngising saad ni Shaine. Nasa kiosk sila at ginagawa ang homework activity nila para ipapasa nila mamaya sa isang subject. Yaik, strikto pa naman ang teacher. "Nasaan si Shaine?" Inaantok na tanong nya kay Rica, kaklase nya. Dalawang araw nya na hindi nakikita si Shaine. Ang huling kita nya ay nung gumawa sila ng homework. Ang sabi, abala raw ito sa thesis group nila. Ganun din naman sya ay abala sa thesis kaya nga inaantok sya ngayon dahil sa pesteng research na yan. Napuyat sya. "Pumuntang canteen, nagutom." Sagot sakanya. Lumabas sya sa room para pumunta sa canteen. Bibili na rin sya ng pagkain para magising tuluyan, hindi pa rin naman sya kumain ng almusal. "Kamusta ang thesis, Camel?" Sa kalagitnaan ng paglalakad nya ay nakasalubong nya si Savier. Buti pa ang boyfriend nya, fresh. Matalino kasi. "Ayun, malulunod na." Humalakhak ang boyfriend nya. "Ang ano? Thesis o utak mo?" Biro nito sakanya. "Both." Mas humalakhak pa si Savier. "Tulungan ko na kayo. Stress ka na oh." Sinamaan nya ng tingin ang katabi. "Wag na. Nakakahiya sa utak mo." Inakbayan nalang sya ni Savier at sinamahan sa canteen. Ayaw nya na tumanggap ng tulong kay Savier dahil totoo, sobrang nakakahiya na. Tinulungan na sya noon sa assignment at project nya kaya ayaw na nya pa dagdagan ng hiya ang mukha nya. "Shaine, ba't ka balot ngayon? Hindi naman malamig. Ang init nga." Takang tanong ni Camel nang makita ang kaibigan na nakasuot ng jacket. Naabutan nila Camel at Savier si Shaine na may dalang tray na naglalaman ng pagkain na binili nito. "Teka, may sakit ka ba?" Ambang hahawakan ni Camel ang braso ni Shaine nang bigla ito lumayo sakanya. "May sakit nga ko, Camel. Nilagnat at sumakit ulo ko dahil sa thesis. Kaya wag mo ko hawakan, baka mahawa ka sakin." Tumawa si Shaine sa huling sinabi nya. "Hoy, grabe ka, hindi naman ata ako mahahawa sayo." "Kahit na. Baka bukas, ikaw na ang magkasakit." Biro nito sakanya. "Aalagaan ko si Camel kung magkasakit man sya." Singit ni Savier kaya pareho napalingon sila Camel at Shaine sakanya. "Savier, anong pinagsasabi mo?" Sinapak ni Camel ang boyfriend nya dahil sa kilig. Tinawanan lang ni Savier ang pagsapak sakanya ng girlfriend nya. "Heh, exit na nga ko. Iniinggit nyo lang ako." Napairap si Shaine pero ngumisi rin. Hinayaan ni Camel na umalis ang kaibigan nya. Hinila nya na si Savier para bumili ng pagkain at samahan si Shaine sa mesa. "Good luck sa defense nyo bukas." Sabi ni Ate Layla kay Camel bago sila maghiwalay isa't-isa. Katatapos palang ang training nila sa volleyball at pauwi na sya sa bahay. Sanay na sya umuwi ng alas otso ng gabi. Sanay na sya sa tahimik na daan at iilang tao lang ang nakikita nya. Pero ngayon ay may kakaiba syang nararamdaman. Hindi nya alam pero kinakabahan sya. Humigpit ang hawak nya sa strap ng bag nya. Napatigil sya sa paglalakad nang may tumakip na panyo sa bibig nya. Nanlaki ang mga mata nya sa gulat at gusto makawala pero nakaramdam sya ng antok hanggang sa mawalan sya ng malay. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD