Azel x Cyvan Naiwan na mag-isa sa sala si Cyvan pagkatapos umalis ang Mama nya at ang amo nito. Hindi nagtagal ay dumating si Azel kasama ang Yaya nya. Iniwan din sya ng Yaya nya para pumunta sa kusina. Umupo si Azel sa harapan ni Cyvan. "So -sorry kung pinagalitan ka ng Mama mo kanina." Aniya ni Azel kaya napatigil si Cyvan sa pagbuo ng rubik's cube. "Hindi naman ako pinagalitan kaya wag ka mag-sorry, Azel." Alam na nila ang pangalan sa isa't isa dahil nagpakilala na sila bago pa humiga sa mahabang sofa si Cyvan. Kinuha ni Cyvan ang paper bag. "Regalo ni Mama sayo, Azel. Happy Birthday." Tinanggap naman yun ni Azel. "Ah, thank you Cyvan." Binalik ni Cyvan ang paglalaro sa rubik's cube. Pabalik-balik ang ginagawa nya, pagkatapos nya buo-in ay guguluhin nya ulit. Si Azel naman ay