bc

Ako ang MAHAL niya ngunit hindi ako ang kanyang PINAKASALAN (R18)

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
heir/heiress
bxg
witty
office/work place
small town
disappearance
musclebear
like
intro-logo
Blurb

"Hindi kita p'wedeng pakasalan, Ryder Luther Arandrea."

Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na sumasasak sa puso at isip ko. At hindi ko nakalimutan sa nakalipas na limang taon.

Sa aking pagbabalik ibang Ryder na ang makikilala ni Nomi Vicosta.

Bumalik ako hindi para bawiin si Nomi, kun'di para ipamukha sa pamilya nito ang ginawa nilang pambababoy sa pagkatao ko.

Iikot ang kapalaran... at ang dating inaapi ay nasa tuktok na ng tagumpay.

Nangako ako sa aking sarili na ang mga umapi, lumait at sumira sa aking buhay ay luluhod at magmamakaawa sa aking harapan... kasama na roon si Nomi Vicosta na dumurog sa aking puso.

Magagawa ko pa bang patawarin ang babaeng naging dahilan kung bakit naging matigas ang aking puso?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Ryder's PoV "BILI na kayo, sariwang prutas para sa mahabang buhay!" malakas na sigaw ko habang hawak ang isang plastic na nakabukas. Ganito ako araw-araw dito sa harapan ng aking maliit na tindahan ng mga prutas. Nakapagtapos ako ng aking pag-aaral sa kursong Information Technology ngunit heto ako at nagtitinda ng iba't ibang klaseng prutas. Hindi ko kasi p'wedeng iwan ang aking mga magulang para magtrabaho sa Maynila. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid na nag-aaral pa lamang sa highschool ang dalawang sumunod sa akin at elementary naman ang bunso. May sakit sa baga ang tatay ko at ang nanay ko naman may asthma. Pagka-graduate ko imbes na nasa kompanya ako at nagtratrabaho sa malamig na opisina. Heto ako isang tindero ng prutas. At piniling ilaan ang limang libong piso na ibigay sa akin ng tiyahin ko na nasa Singapore bilang puhunan. Nakikilagay lang ako noon ng paninda sa Lola Corazon ko hanggang sa napalago ko ang puhunan ko at ngayon sa lumipas na isang taon may maliit na rin akong puwesto ng prutas dito sa palengke. "Ryder, mukhang mauubos mo na naman ang paninda mo dahil wala ka na namang pang-itaas na damit!" kantiyaw sa akin ni Lola Corazon. Nakasuot ako ng six pocket short na kulay blue at may suot na belt bag. May nakataling kulay blue na panyo sa may noo ko at nakasampay na puting bimpo sa aking balikat. Marami akong naaakit na costumer dahil guwapo daw akong tindero. Siguro nga dahil ako rin naman naguguwapuhan sa sarili ko. "Lola, nagmana ako ng kaguwapuhan sa tatay ko!" ganting sigaw ko naman dito na may ngiti sa aking mga labi. "Hi, pogi!" malakas na sabi sa akin ng isang bading na nagtitinda naman ng tinapa, isang metro ang layo niya sa akin. Siya si Miko, kapitbahay namin. "Mikay, salamat sa papuri mo pero taken na ako!" malakas na sabi ko rito at saka natawa. "Naku, sinabi mo na naman! Oo na, taken ka na Ryder Luther Arandrea!" Inirapan pa ako nito. May kasintahan na ako si Nomi Vicosta, at tatlong taon na kaming dalawa. Mahal niya ako sa kabila ng magkaibang estado namin sa buhay. Mayaman siya at galing sa prominenteng pamilya. Samantalang ako naman mahirap lang na nagsusumikap para makaahon sa buhay. Sa edad kong bente dos anyos nasa aking balikat na ang responsibilidad bilang isang panganay. Kailangan kong magsikap para sa kinabukasan namin ni Nomi at para matulungan ko rin ang aking pamilya. Pagkatapos kong mapaubos ang mga prutas na paninda ko dito sa palengke. Sa gabi naman nagtitinda pa ako ng fishbol gamit ang lumang tricycle namin na ginawa kong foodcart. Bukod doon nagbebenta rin ako ng mga basahan na ginagawa ng aking ama. Ibinabagsak ko naman iyon sa aking kaibigan na si Shea, may pwestong damitan dito sa palengke. "Pogi, apat na kilong seedless grapes nga at syempre ikaw na rin for take out," nakangiting sabi sa akin ng isang babae na nasa mid thirties. Napakamot na lamang ako ng ulo. "Pang dine in lang po ako, ate," pagbibiro ko pa rito habang ikinikilo ang binibili nitong seedless grapes. "Sayang naman, akala ko kanina isa kang model na naligaw dito sa public market. Alam mo pogi, sayang ang gandang lalaki mo kung nandito ka lang sa palengke," sabi pa nito sa akin habang nakatingin sa katawan ko. "Salamat sa papuri, ate. Tindero lang ako ng prutas dito, e. 800 pesos nga po pala," sabi ko rito. Binigyan naman ako nito ng isang libong piso. "Sa iyo na ang sukli pogi." "Maraming salamat po," nakangiting sabi ko rito. Minabuti kong isuot ang muscle tee na sando ko na kulay pula. Napailing na lang ako dahil sa mga napapalingon sa akin. Nakatalikod ko at inaayos ang kahon ng grapes nang may tumawag sa pangalan ko. "Ryder..." Kahit na hindi ko lingunin, kabisado ko na ang malamyos na boses ni Nomi. Nakangiti akong lumingon dito. "Yes, baby?" Nilapitan niya ako at saka ito umupo sa lumang plastic na silya na naroon sa tabi ko. "Dinalhan kita ng lunch mo, bhe. Alam ko kasi na malilipasan ka na naman ng kain kapag maraming mga namimili. Kumain ka na muna dahil past twelve na," nakasimangot na sabi nito sa akin. "Naks, ang sweet naman talaga ng baby ko." Kinuha ko ang isa pang plastic na silya at tumabi rito habang binubuksan ang dalang tupper ware ni Nomi na may lamang pagkain. Naamoy ko ang ginatang tilapia na paborito ko, maraming sili at luya. "Ang sarap naman," masiglang sabi ko at mabilis itong hinalikan sa pisngi. "Sige na kumain ka na habang nandito ako," nakangiting sabi nito sa akin na ipinagbukas pa ako ng bottled water. Maalaga, malambing, at mapagmahal si Nomi. Hindi lang sa akin kun'di sa aking pamilya. Nagtratrabaho ito sa wiring company ng mga magulang nito dito sa La Union. Kilala ang Vicosta Wirings bilang isa sa mga kompanya na may mataas na ratings at sales. Nakangiti akong pinapanood si Nomi na nagtitinda habang nakasuot ito ng pang-office attire. Nagtratrabaho na si Nomi bilang executive assistant sa negosyo ng pamilya nito. Matagal na akong inaalok ni Nomi na magtrabaho sa kompanya nila ngunit tumatanggi ako. Una, ayokong ipagtabuyan na naman ako ni Sir Bin, at ipahiya ako nito sa maraming tao. "Dinalaw ka na naman pala ng girlfriend mo, Ryder. Suwerte mo dahil mayaman ang girlfriend mo kahit na hindi ka na magtrabaho, okay lang!" malakas na sabi ni Kuya Imong. Alam kong biro lang iyon pero naiinis pa rin ako. "Bhe, hayaan mo na," mahinang sabi sa akin ni Nomi. Hinawakan nito ang braso ko dahil akma akong tatayo para puntahan si Kuya Imong sa kabilang pwesto. Nagtitinda naman ito ng mga kakanin. "Huwag mo na lang pansinin ang mga ganyan, bhe. Ahm, sa makalawa na nga pala ang birthday ko. Gusto ko sana na kasama kita sa araw na iyon." Malungkot itong tumingin sa akin. Bumuga ako nang malalim at saka tumango. "Kahit na ipagtabuyan ako ng mga magulang mo hindi pa rin kita lalayuan, Misis Arandrea." "Sabi mo iyan, a." Kinikilig naman na sabi nito sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Nomi. "Mahal na mahal na mahal kita, baby ko. Pangako na kahit na ano pa ang mangyayari, ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa iyo." Nagulat ako nang hatakin ni Nomi ang batok ko at halikan nito ang mga labi ko sa harapan mismo ng mga suki ko. Nakakuha tuloy ako ng maraming kantiyaw sa mga ito dahil sa ginawa ng babaeng pinakamamahal ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.1K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook