SA ISANG pribadong resort dinala ni Karzon si Tanya. Resort na malayo sa kabihasnan dahil masyado na iyong malayo sa siyudad. Puro puno ang nakikita niya sa kaniyang kaliwa at kanan. May dalawang palapag na villa na may swimming pool ang naturang resort. Malawak ang lugar na sobrang nakaka-refresh ng pakiramdam. Sa harapan ng villa ay may malawak na lawn. Marami ring halaman na may iba’t ibang mga bulaklak. May personal na taga-luto sila ng kanilang pagkain at maid na pupunta lamang doon kapag oras ng agahan, tanghalian at hapunan. Dahil gusto ni Karzon ay solo lang nila ang lugar na iyon na sinigurado naman nitong safe dahil wala namang nakakaalam na naroon sila. “Ang ganda rito,” nakangiting wika ni Tanya habang inililibot ang tingin sa paligid. Probinsiyang-probinsiya ang dating. Iy