Pabagsak kong isinara ang pintuan nang makapasok ako sa aking silid at dumiretso sa banyo upang linisin ang katawang muli na namang nagpagamit kay Jacob. At ako pa talaga ang binalaan niya na last na daw iyon? Bakit? Ako ba iyong hindi makapagpigil sa kalibugan? Ako ba iyong nag-first move? Siya lahat ‘yon, eh! Kagagawan niya lahat iyon pero ako pa ang nagmukhang may kasalanan. Sa isip ko ay minura ko ang lalaki habang binuksan ang ilaw ng banyo at laking gulat ko nang may tao…este..matsing pala ang nasa banyo. “O-olot?” Para akong timang na tinawag pa ang pangala nito, at nang ngumisi sa akin ang hayop ay kaagad na akong sumigaw ng malakas. Biglang nagliwanag ang mga mata ni Olot nang makita ang aking hitsura na walang saplot maski isa. Nang tumayo ito at dahan-dahan na naglakad palap

