Habang itinulak ni Jacob ang wheelchair kung saan nakaupo si Jake ay tahimik lang akong sumunod sa kanilang dalawa. Nang biglang nagpapapansin ang matsing ay muli ko itong tiningnan ng masama at pinakitaan ng kamao. Na-trauma yata si Olot pero hindi ko naman sinadya iyon. Nagulat lang talaga ako nang bigla nitong hinipo ang aking hita. Bastos talaga si Olot at siguro kung tao ito ay noon pa sinampahan ng kaso. “Kaninong bahay ‘to?” Nagtanong ako kasi sobrang laki kasi. “Kay Kuya, pero regalo na daw niya sa atin,” si Jake ang sumagot. “Maganda,” sabi ko. “Mas maganda ka pa, baby, tandaan mo ‘yan,” tugon ni ni Jake. “Do you agree, Kuya?” “Oo naman, Jake. Saan ba kayo nagkita at naunahan mo yata ako,” sabi ni Jacob at habang nakinig ako sa magkapatid ay para akong outsider. “Bigla

