Ilang minuto pagkatapos ng kasal ay ginusto kong lamunin na lang ako ng lupa o di kaya ay tamaan ng kidlat dahil biglang dumating si Jacob. Nagulat ang lalaki nang makita ako, pero nang mapansin nito ang aking suot na pang-bride ay nakatingin lang siya sa akin. “Bakit ngayon ka lang? Hindi mo tuloy nasaksihan ang kasal nina Jake at Natalia!” Pinagalitan ng kanyang ama si Jacob at nang tumingin ako sa gawi niya, napatiimbagang pa rin ang lalaki at nanunuot sa buto ang galit niya niya sa akin. Ang sama ng mga tingin niya kaya kaagad akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko kinaya. Hindi pa nga ako nakabawi sa pagdating ni Jacob ay dumating naman si Yakeem. Dalangin ko na sana ay lamunin na lang ako ng lupa ngunit nang maramdaman ko ang kamay ni Jake sa aking kamay ay pinilit ko ang aking sa

