CHAPTER 38

1721 Words

Pinilit ko ang aking sarili na kalimutan muna ang mga kinakaharap kong issues at mag-focus sa mga kasama ko. Kahit papaano ay nagawa ko rin namang makitawa sa kanila, at pagkatapos naming nag-dinner ay inanyayahan ko pa silang manood ng sine ngunit tumanggi silang lahat. Sabi ni Gwen ay hinihintay siya ng kanyang anak kaya bumili na lang kami ng mga sweets na p’wedeng pasalubong para anak nito, at iyong iba pang kasamahan namin ay may naka-schedule na rin daw na lakad kasama ang mga jowa. Napapa-sana all n alang talaga kaming dalawa ni Gwen sa kanila. Pagkatapos naming mamili ng mga pagkain para sa anak niya ay iniwan na rin ako ni Gwen kaya mag-isa ulit ako. Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan bago naglakad patungo sa exit upang doon na ako mag-aabang ng taxi. Paglaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD