GREEN CHAPTER 1

1738 Words
Nagising na lang ko sa liwanag na sumilaw sa mata ko. Kahit kelan talaga sarap tagain ng mga pusang ito. Dahil sa pagpasok nila sa kwarto ko nabibigyan ng siwang ang araw para gisingin ako. Napabuntong hininga na lang ko at saka tumayo at nag ready para sa bagong boring na araw. Nang matapos ako maligo, magbihis at mag-ayos ay sakto naman na kumatok si lola sa kwarto ko. "Elisha." "Yes, la?" saka ko binuksan ang pinto ng kwarto ko, "Bakit po?" "Bilis bilisan mo ang kilos mo! Marami ka pang gagawin! Dalian mo diyan at pumunta ka sa bayan. Bumili ka ng mga herbal." Napabuntong hininga na lang ko ng palihim, "Okay po, la." Kahit na masungit yang lola ko mahal na mahal ko iyan. Siya lang ng hindi nang iwan sa akin noong mawalan ako ng memorya. Ang sabi sa akin ni lola hinulog daw ako ng magulang ko sa bangin dahil sa puro daw kamalasan ang dala ko sa buhay nila. Lola's friend's grandson saved me. Hindi ko alam na may ganoong klaseng magulang pala. Hindi na nila ako inabala pa noong kunin ako ni lola sa puder nila and pabor naman iyon sa kanila since mawawalan nga sila ng malas sa buhay. "ELISHA!" "OPO ETO NA PO." Nagmadali ako sa pagbaba at napatigil naman sa harap ng pinto ng isang parte sa bahay na bawal kong pasukan. Ang lugar kung saan si lola lang ang pwedeng pumasok. "Anong tinatayo tayo mo diyan? Balak mo ba suwayin ang pinagbabawal ko?" I faked my shock, "Hala si lola. OA, la? Napatingin lang eh. Oh sya po aalis na po ako." Kinuha ko ang folder ko since deretso din ako sa school para mag enroll for the second semester. Sabi kasi ni lola hindi daw maganda na hindi ako mag aral dahil magiging tanga daw ako. I scan my form. Name: Elisha Corpuz Age: 18 years old Gender: Female And so on. So far wala naman nagtataka kung bakit ako nandito but mostly yung mga matatanda ay may awa sa akin. Maybe dahil doom sa kinahinatnan ko sa sarili kong pamilya. "Eli!" Napahawak naman ako sa dibdib ko, "Problema mo, En? Bakit ka ba nasigaw? Taga bundok lang ang peg ganun?" Inirapan naman nya ako, "Sorry naman ah. Para ka kasing tanga sa paglalakad mo ng nakatulala." I snorted, "Paki mo ba?" "Nasa bulsa ko." Shaenna Luisa Magdayao, same age as mine, same gender and same wavelength. Kaya magkasundo kami ng babaeng to. "San punta mo?" she asked. "Sa bayan. Bakit?" She smiled. "Good, good! Sa bayan din ako alam mo naman si lolo nagpapabili na naman sa akin ng mga herbal." Umirap naman ako. "Same here. Tapos pinapamadali pa ako. Minsan talaga hindi ko magets ang utak ni lola." En chuckled and she said, "Eh never mo pa naman nagets ang utak ni Lola Paz eh." I smirk, "Yeah, never nga." "Anyway, Eli." nilingon ko naman sya. "What?" "Mag eenroll ka na rin ba?" I nod, "Yep, though iiwan ko muna ito kay bakla after natin mamili para ihatid ko muna ang herbal kay lola, bakit?" She gave me a huge smile. "Good! Sabay na tayong tatlo nila bakla!" masigla naman nyang sabi at natawa naman ako ng mahina. Sayang kulang kami ng isa. Roden Mal Madrigal our very own Miss Gay, same age as us. "Si bakla kaya nakapag enroll na?" tanong ko. "Hindi pa. Katext ko sya kanina and that bakla said hindi pa daw since hinihintay nya us." Umirap naman ako, "At paki-ayos naman nyang pananalita mo, girl." "Why? What's wrong with my pananalita?" and she smirk. "Pag ikaw na naman narinig ni Eros." Napaismid naman sya bago nya sinabing, "Hmp! That guy! Naging girlfriend nya lang si demonyita baliwala na tayo sa kanya. What kind of man he is?" This time ako naman ang umismid, "Long time crush nya kasi ang demonyitang yun so ayan si pala Eros natin parang lintang nakakapit." dagdag ko naman. Eros Mc Real, our handsome man. Same age as we are. Hindi namin alam kung anong pinakain sa kanya ni Antonette the demonyita at patay na patay ang tropa namin sa kanya but hey once na umiyak yang si Eros tatawanan namin yan. Charing. Syempre joke lang. Makakatikim ang babaeng iyon sa amin ng mag asawang sampal na may kasamang anak at kabit. "Well, lets hayaan natin mag enjoy that Eros guy sa kanyang long time crush." What Eros hated the most is En's conyo language. He hated it to the point that he wanted to zip her mouth and this two broke their friendship once because of it. Well, not really friendship over. Medyo lang. Major major light friendship over. Napatingin naman ako sa kanan namin which is malawak na gubat and I am curious. "Sa tingin mo En anong klaseng lugar kaya ang sa labas nitong gubat?" Napalalibutan kasi kami ng gubat, as in sobrang kapal ng gubat. Isolated kami pero hindi naman kami totally late sa innovation ng mga gamit. Nagkibit balikat naman si En. "Malay ko. Wala akong balak malaman." "Hindi ka ba naku-curious?" I asked again. Sandali syang natigilan at tumingin sakin. "Syempre naku-curious din naman ako. Of course, gusto ko rin makita ang labas ng village na ito. Pero ano magagawa ko? Natin? Hindi naman tayo pwede lumabas sa lugar na ito." Right, hindi nga pala kami pwede lumabas. Kung hindi siguro ako naaksidente at hindi ako ibinigay ng magulang ko kay lola Paz ano kayang klaseng buhay meron ako? I want to know. "Do you regret it?" Napatingin naman ako bigla kay En, "Regret what?" "Na napunta you dito." I smiled, "It will be a lie if I said no. A part of me says yes since gusto ko malaman ang buhay ko noon but of course I didn't regret being here since nakilala ko kayo." She smiled at me, "Akala ko iiwan mo na kami." "Nah~" Habang naglalakad kami papunta sa bayan may pumasok naman na ideya sa isip ko. "Hey En?" "I kinda don't like the tone of your vioce." she said and I smirk. "Spill it." "What if we sneak out to see what worlds behind this world?" She gave me an are-you-crazy-look. "Nope, I'm not." "You know it's hard." "I do. But I can't control my curiousity." "And curiousity kills cat, girl." She gave me an unapprove look. "Nope. We're not doing that." seryoso nyang sabi at sumimangot naman ako. "Not with just the two of us. Syempre mandadamay tayo." and we both grin. ✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒ Nang makarating kami sa bayan ay agad naman kami pumunta sa herbal shop ni Mang Rupert at binigay namin ang listahan sa kanya. Kailangan namin maghintay ng mahigit isang oras para sa herbal dahil kailangan pa iyon hanapin ni Mang Rupert sa kanyang herbal plantation. Sa sobrang dami ng tanim nya minsan ang iba hindi nya alam, sabi kasi namin na lagyan nya ng name ayaw nya naman. Magdusa sya. Charot ang sama ko naman. "Punta muna tayo kay bakla maaga pa naman." sambit ni En at sumang-ayon naman ako. Naglakad kami ng mga limang minuto at huminto sa isang simpleng white two story house. "Bakla?!" tawag namin. Buti na lang talaga at natanggap tong baklang to ng pamilya nya kahit na lumihis sya ng landas. Limang lalaki at isang babae lang kasi silang magkakapatid tapos yung mga kapatid nyang lalaki pati tatay nila hunter at yung dalawang babae mananahi etong si bakla naging isang magsasaka. Pero wag ka, sya ang may pinaka matabang lupa sa lugar na ito. "Oh mga beshy bakit kayo nandito? Hindi kayo dito pwede." mataray nitong sabi at hinawi namin sya sa pintuan. "Ay ang gara nyo naman. Bahay nyo? Bahay nyo?" dagdag pa nya. Hindi naman namin sya pinansin. "Hi tito, hi tita, hi mga kuyas and ates." sabay namin na bigkas ni En. "Ay ganurn? Sila binati tapos ako tagabukas lang ng pinto?" taas kilay naman na sabi ni Bakla kaya naman natawa kami. Nagkamustahan lang kami saglit ng mga kapatid nya pati ng mga kuya nya at saka kami dumeretso sa kwarto ni bakla. Syempre maselan ang kwento eh. Dahil nga bakla to eh mas malinis pa ang kwarto nya sa kwarto ng mga kapatid nya. At dahil pusong babae nga siya pinayagan kami na magtambay saglit sa kwarto nya ng kaming tatlo lang. Anong akala nila re-rape-in namin to? Yuck ah. "So? Bakit kayo nandito? Anong kwento? May adventure?" at naglapag ng juice. "Well mostly katarantadahan na naman ito." En said and bakla grin. "I like it." he said. "Gaga! Bago ka magsabi nyan alamin mo muna!" "Ay, En, maka-gaga wagas? Anyways, ano ba kasi yan?" At kinuwento naman namin sa kanya ang plano namin ni En at habang nagkukwento kami taas kilay nya kaming tiningnan. After magkwento, "Magpapakamatay ba kayo? Alam nyo na may punishment di ba?" "Yep, kaya nga sabi kp sayo kagagahan di ba?" En said. "Bilib talaga ako sa inyo mga beshy. Nagana pa ba yang utak nyo? Alam nyo naman pala eh bakit nyo pa naisipan? At talagang nagplano pa kayo ah." "Baks, alam mo naman kung gaano namin ni En-" "Mo, Eli, mo. Hindi ako kasali. Dinawit mo lang ako." pagpuputol nya sa sasabihin ko kaya umirap naman ako. "Fine." At saka ako tumingin kay baks. "Alam mo naman kung gaano ko kagusto makita ang labas ng village pero bawal. Hindi naman sa nagsisisi ako na napunta ako sa isolated na lugar na to but heck nacu-curious ako sa dati kong buhay." "And that reason is valid?" taas kilay na tanong ni bakla. Umirap naman ako. "For me it is. Dami mong tanong. Ano sasama ka ba o hindi? Kung hindi, fine, dalawa na lang kami ni En." "Bakit may sinabi ba ako na hindi ako sasama? Of course kahit anong katangahan nyo pa sasama ako." Napangiti naman kami ni En at nag appear. "So how about Eros?" Nawala naman ang ngiti naman at sabay kami na umirap ni En. That guy. "Pagsinabihan natin yun dadaan muna tayo sa demonyita and I wont allow myself to be in the same place as she is." mataray naman na banggit ni En. Her mortal enemy. "Ewan ko lang. Kung siguro makikita natin sya ng hindi kasama si demonyita maybe masasabihan natin sya. Heck, that guy leaves us as soon as he get her." At nagpatuloy nga ang kwentuhan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD