"La?" tawag ko sa kanya nang makauwi ako sa bahay.
Medyo maaga pa naman para sa oras ng uwi na binibigay nya sa akin tuwing mamimili ako ng kakailanganin nya.
"La? Nandito na po ako. Yohooo~ where art thou." sambit ko with matching pakulot kulot pa ng boses.
Wala pa ring sumagot.
Maybe nandoon sya sa private room nya. Kaso bawal naman ako lumapit doon. That part of this house is forbidden.
Right, in order to have a place to live, a roof, education and clothes I must obey some conditions in this house.
One, I must not come near in the forbidden place. That place is the most restricted part of this house and as of why I don't know.
Two, I must buy everything she needed. Herbal ingredients, clothes and anything.
Three, I must not disobey her number one rule.
Yan lang naman.
Hinintay ko si lola sa sala and after minutes nakita ko rin anino nya.
"In fairness, la, ah ang hirap mo hanapin. Do I really have to wait here for you?" pabiro kong sabi and she snort at me.
"Are you going to disobey my rules?" mataray naman nyang banggit.
Umiling naman ako. "Nope. Wandering, bakit po ba bawal?"
Kinuha nya mga pinamili ko at saka sinabing, "There are things that better left unknown. It will make your life in danger."
Bigla naman ako nakaramdam ng kaba sa sinabi ni lola. Sa totoo lang pag-gising ko pa lang sa lugar na ito I know that something must wrong- something inside me telling me that there is something wrong. Kung ano yun eh iyon ang hindi ko alam.
At parang ayoko malaman.
"Grabe la manakot ah. Oo na di ko na babalakin at wala din naman akong balak." bored kong sabi.
Umalis ako sa sala at pumunta sa kwarto ko. Pagsara ko pa lang ng pinto napapikit na lang ako. Bakit parang ang daming tinatago ni lola? Anong meron sa lugar na iyon? Ano tinatago ni lola doon? Bakit mas feeling ko hindi ako dito safe kesa sa puder ng magulang ko?
Bakit?
Isinawalang bahala ko na lang at nagpahinga na ako dahil wala rin naman akong mapapala.
***
"Eli, Eli, gising."
Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang pag aalala sa mukha ni lola.
"Bakit po, la?" tanong ko at tumingin sa orasan. "Three pa lang po ng umaga ah. Anong meron?"
"Umalis ka muna dito sa bahay at huwag na huwag ka muna umuwi."
Tinaasan ko naman si lola ng kilay, "You kidding, la, right? Its only three in he morning. Saan naman po ako pupunta dito? Wala tayo ditong hotel or what." I told her pero sinimangutan nya lang ako.
"Just go! Pumunta ka muna kila En mas ligtas ka doon."
Tumayo naman ako kahit na ayoko at gusto pa rin ako hilain ng higaan ko pabalik.
"Ano po ba kasing meron, la?"
"Huwag ka na magtanong. Just go."
Kumuha ako ng bag at nagdala ng limang damit, short at sampung panty.
Nang matapos ko kunin dapat kong kunin agad naman akong pinaalis ni lola. Ano ba kasing meron at papaalisin nya ako doon?
Naglakad naman ako papunta kina En. Medyo creepy dahil sa mga puno sa paligid pero no choice need ko pumunta doon.
Lumingon ako sa bahay at nakita ko naman na may mga kotse na huminto sa harap. Anong meron? Bigla naman akong kinabahan. Sana okay lang si lola.
Nang makarating ako sa bahay nila En ay kaagad ko naman nakita si En sa may garden at nagkakape.
"Oh bakit gising ka?" tanong ko at gulat naman syang tumingin sakin.
"Eli! Wag ka ngang manggulat!" saka naman nya binuksan ang gate. "Paano ako di magigising eh sabi ni lolo wag daw ako lumabas sa gate, so dangerous daw." she said and we walk inside.
Nagtimpla din naman ako ng kape at saka umupo sa sofa sa tabi nya.
"Ang creepy ni lola." sambit ko at tumingin naman sakin si En.
"Mas lalo naman si lolo. If nakita mo lang ng itsura nya for sure matatakot ka." she stated and then natahimik naman kami parehas.
"Ano kayang meron?" I asked.
Nagkibit balikat naman sya. "I dont know. Basta ang alam ko once na may nabisita dito from the other side of this village eh lagi na lang ganyan sila lola Paz at lolo."
I have a doubt.
"Hindi mo ba napapansin?" tanong ko kay En.
"Ang alin?"
"Ako lang ba o talagang may tinatago ang mga tao dito sa village? I mean, yung matatandang tao they seems like they're into something."
Kumunot naman ang noo ni En, "I also have that kind of feeling pero never pa naman pumasok sa isip ko na may something dito sa village aside sa hindi tayo pwedeng lumabas."
I sigh. "Ewan ko ba pero minsan nararamdaman ko na ang daming tinatago sa akin ni lola, na parang puro kasinungalingan lang ang lahat." at saka ako yumuko, "Kaya din gusto ko malaman kung anong klaseng buhay ako meron bago ako mapunta dito dahil feeling ko may mali."
Nag cross leg naman si En at tumingin sa tv. "Kahit ako din naman eh. Gusto ko rin naman malaman kung nasaan ang magulang ko at kung bakit nila ako iniwan kay lolo pero hindi gaya sayo hindi ko nafefeel na parang mag mali dito."
"Dito ka kasi lumaki." I told her.
"Baka nga."
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Third person's Point of view
Habang nag uusap sila En at Eli ay kasalukuyan din naman nagaganap ang buwanang pagtitipon ng mga elder sa village kasama ang dalawang nirerespeto nilang tao.
"Senior S and senior N. Welcome back po." bati ni Paz sa kanila.
Tinanguan lang naman sila ni S at ni N at nagpatuloy papunta sa kanilang upuan.
"Mag umpisa na." mahinang bigkas ni S pero nagbigay ito ng takot sa puso nila Paz.
Nagsimula nang magsalita si Mariano ang lolo ni En.
"So the current status of your experiment?" cold na sambit ni N.
"Nearly done." agad naman na sagot ni Mariano at tumango ang dalawa saka siya pinaupo.
Sumunod na nagsalita si Paz at bahagya namang kumunot ang noo nila N at S kaya naman kinabahan sila para kay Paz maging si Mariano ay kinabahan.
"Is that even possible?" tanong naman ni N kay Paz.
"Yes."
"Paz, alam mong ayaw namin ng niloloko kami." inis naman na banggit ni S.
"Hindi ko po kayo niloloko and I really can make this experiment. Hindi masasayang ang inyong investment." desidido namang sambit ni Paz na halos magpatigil sa t***k ng puso ng lahat.
Alam ng lahat na ayaw nila S at N ng niloloko sila at alam din nilang lahat na dapat pulido ang gawa nila kung hindi may kalalagyan sila.
Six feet under the ground.
"Siguraduhin mo lang iyan Paz dahil ililibing ka namin ng buhay kung hindi mo iyan magagawa." may otoridad na sambit ni S.
"Yes, senior S."
At nagpatuloy ang presintasyon. Sa pagpupulong na ito dalawang tao lamang ang namatay at mas kaunti sa mga nakaraang buwan.
"Sa wakas at may mga mauutak din kayong mga tao kayo. Huwag na huwag ninyong sayangin ang mga pinapakain namin sa inyo." pangmamaliit naman ni s.
Kahit na natapakan ang pagkatao ng mga elders sa sinabi ni S ay yumuko naman sila bilang paggalang saka sinabing, "Yes, senior S."
"Mariano and Paz." biglang banggit ni N at natigilan ang lahat.
"Po?"
"Balita ko may apo kayo ah." sa pagsabi pa lang ni N ng mga salitang iyon ay parang nawalan ng kaluluwa sina Mariano at Paz.
"Meron nga po." sambit ng dalawa.
"Sanayin ninyo ang apo ninyo sa larangan na tinahak ninyo. Isa silang dagdag sa pakainin dito kaya dapat lang na may maiambag sila. Wala silang ibang gagawin kundi ang pag aralan ang mga alam ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo."
Labag man sa loob nila ang mga sinabi ni N ngunit wala naman silang magagawa sapagkat totoo ang sinabi nito. Sa village na ito lahat sila ay palamunin lamang, mga walang nasilungan na binigyan ng bahay, mga walang makain na binigyan ng pagkain, mga walang damit na binigyan ng damit.
Hindi sila maaring humindi sa kanilang tagapag ligtas dahil kung hindi dahil sa kanila matagal na silang wala sa mundong ito.
Nang matapos ang pagpupulong ay kaagad naman na nagsialisan ang lahat sa bahay ni Paz at sila Paz at Mariano na lang ang natira.
"Mar anong gagawin natin? Alam nila ang tungkol kay Eli at En! Pano pag nalaman nila ang tungkol sa kanilang dalawa?" nagpapanic na sambit ni Paz.
Huminga naman si Mariano ng malalim at umupo saka naiyukom ang kanyang kamao. "Hindi nila pwedeng pakialaman si En at Eli dahil hindi naman talaga sila taga dito."
"Alam nila na hindi sila taga dito pero paano pag nalaman nila kung sino talaga sila? Paano pag nalaman nila ang tinatago natin?"
"Dont worry hindi nila malalaman yun basta hindi tayo magsasalita."
Ihinampas naman ni Paz ang kamay nya sa mesa. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Mar? Alam mo kung anong meron sila hindi ba? They have money and power! Kaya nila magpaikot ng tao sa kamay nila kagaya na lang ng ginawa nila sa atin! They make us a monster!"
Kahit na alam ng lahat ng matatanda at mga lumaki sa village ang tunay na estado nila at ang kwento kung bakit sila nasa village ay hindi pa rin nila magawang respituhin ang nagligtas sa kanila.
Para sa kanila lahat ng paghihirap nila kapalit ng mga natatamasa nila. Hindi nga sila nagkukulang sa mga personal nilang pangangailangan pero may mga pangyayari naman na nagbibigay sa kanila ng malalim na sugat.
"Paz kumalma ka. Walang mangyayari sa pagpapanic mo basta tandaan mo ang plano na plinano natin nila Rose noong buhay pa sya hanggang ngayon gagawin pa rin natin iyon." kalmado na sambit ni Marino.
Huminga naman si Paz ng malalim para pakalmahin ang sarili nya ng marinig nya ang pangalan ni Rose. "Right. The plan is still not over." Paz said.
Rose is one of their best friend and Mariano's lover pero namatay ito sa kamay ni N tatlong taon na ang nakararaan. Namatay ito sapagkat nagkamali ito ng pagkalkula sa proseso na kinakailangan para matapos ang eksperimento nito.
"Kumusta pala si Eli?" tanong naman ni Mariano.
"Okay lang naman sya wala naman syang napapansin sa akin na kakaiba. Bakit?"
"Huwag mo sabihin sa kanya ang totoong pagkatao nya dahil baka mapurnada ang plano natin."
Tumango naman si Paz, "Huwag mo rin sabihin ang kay En para din sa ikaliligtas nilang dalawa."
Tumango rin naman si Mariano saka sinabing, "Sa ngayon kailanhan muna nating bisitahin ang bisita mo."
"Hmm! Makakatulong sya sa atin."
Naglakad si Mariano at Paz sa isang lugar kung saan pinagbabawalan ang lahat na pumasok. Ang bodega ni Paz sa kanilang bahay- ang kanyang tinuturing na laboratoryo- ang lugar kung saan napakaraming sekreto.