GREEN CHAPTER 19

1998 Words
Third Person's Point of View Kinakabahan na naghihintay ang sophomore verdant sa green house na pinatayo ni Jared para sa mga verdant. Sa ngayon ang sophomore at ang junior verdant lamang ang nakakapasok sapagkat ang mga freshmen verdant ay busy pa sa adjustment sa buhay nila at ang mga senior verdant naman ay nasa mission pa. "Kinakabahan ako sa pagpapatawag sa atin ni Senior Marvin." Sambit ni Aira habang dinuduyan ang mga paa nya at nakatingin sya dito. "Ano kayang balak ni Senior Marvin?" tanong naman ni Ruzzel. "Baka naman may nalaman si kuya or what di ba? Hindi naman magpapatawag ng general meeting sa atin yun unless involve si Kesia doon." Sagot naman ni Jullia. "Wala ka bang natanggap na balita sa kanya?" tanong naman ni Jullian. Umiling si Jullia at saka sinabing. "Wala eh. Hindi naman ako kinakausap ni kuya kapag napapauwi tayo sa bahay." At nag pout ito. "I think it is related to Akesia." Basag naman ni Henry sa pananahimik nya habang nilalaruan ang buhok ni Yana at napatingin naman ang lahat sa kanya. "I have this vision na magpapatawag sa atin si Marvin ng meeting pero hindi ko nalaman na ngayon pala iyon." "Ney, hindi mo na ba nakita yung babaeng iyon sa vision mo?" tanong naman ni Yana sa kanya. "Kagabi." "Anong nakita mo kagabi? Baka makatulong sa paghahanap natin yan." Napatingin naman silang lahat sa pinaggalingan ng boses at nakita nila si Marvin naglalakad palapit sa kanila. "Oh bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Mukha ba akong mamamatay tao?" "Kahapon kuya? Yes, pero ngayon?" tapos tiningnan sya ni Jullia mula ulo hanggang paa. "Okay na, pasado na naman." "Nakita ko na may tatlong babae na nasa isang room. White room." Sagot naman ni Henry. Sandaling napaisip si Marvin saka sya nagsalita, "Is Kesia one of them?" Umiling si Henry, "Hindi ko nakita kung sino ang tatlong yun. Masyadong malabo. Kung pagbabasehan naman ang katawan hindi ko rin masyado makilala ang katawan ng kahit isa sa kanila." Napahawak naman sa baba si Marvin, "Baka nga si Kesia yun." "Nagbibiro ka ba Senior? Alam namin na miss mo na talaga si Kesia at kami rin naman pero huwag mo naman paniwalain ang sarili mo." Malungkot na sambit ni Min. "Oo nga naman Senior Marvin. Naiintindihan ka naman namin." Dugtong naman ni Kass. Kumunot naman ang noo ni Marvin. "Mukha ba akong nagbibiro sa inyo? Mukha bang pinapaniwala ko lang ang sarili ko?" "Yes, kuya." Sagot ni Jullia dahil walang gusting sumagot sa tanong ng kapatid nito. Bumuntong hininga si Marvin, "Siguro naman aware kayo na kaya ni Kesia na makipag usap through feelings di ba?" kumunot naman ang mga verdant at saka sila tungo, "I have this feeling lately na may something akong nararamdaman. Na parang may kakaiba and this time- kahapon. Nakausap ko si Akesia." Sandali namang namayani ang katahimikan at naluha naman bigla ang mga babae. "Tol, hindi ka ba nagbibiro?" di makapaniwalang tanong ni Mark. "Hindi ka naman gagawa ng biro na ganyan para mapaniwala din kami di ba?" sambit naman ni Jullian. "Kasi kung gagawa ka ng ganyang biro baka pati kami maniwala." Dagdag pa ni Ruzzel. Hindi nagsalita ang iba at hinintay lang nila si Marvin na sabihing nagbibiro lang ito at hindi totoong nakausap nya si Akesia. Pero wala silang sagot na nakuha kay Marvin kaya naman bumuhos ang luha ng mga babae at parang nabunutan ng tinik ang mga lalaki at napaupo dahil sa panghihina. "She's alive..." mahinang bigkas ni Yana habang bumubuhos ang kanyang mga luha. "She is." Sagot naman ni Marvin. Akesia's Point of View "Akesia?" tawag sa akin ni Eli at tumingin naman ako sa kanya. "Yes?" "May alam ka ba sa pagkatao naming ni En?" tanong nito at nakuha din naman ng tanong ni Eli ang atensyon ni En. Ngumiti ako sa kanila, "Sorry pero hindi ko alam. Kung alam ko man hindi ko rin naman sasabihin sa inyo dahil ayaw din naman ni lola Paz ipaalam sa inyo ng hindi pa natatapos ang krisis na ito." "Why?" may halong pag tataka at inis namang tanong ni En. Nag kibit balikat naman ako, "Hindi ko alam. Pero may hinabilin sa akin si lola Paz na ibigay sa inyo once we're done with this damn crisis." Napanguso na lang ang dalawa at mahina naman akong natawa. Kinuha ko ang syringes sa drawer at saka ko naman sila pinaupo. Tinalian ko ang braso nila saka ako kumuha ng dugo nila. "Sigurado ka ba na nasa dugo namin ang antidote na sinasabi mo?" di naman makapaniwalang sambit ni Eli. Tumango ako, "Sigurado ako dahil ako mismo ang gumawa ng antidote at para na rin maiwasan ang kasamaan ng Green Organization ay gumawa kami ng pekeng formula para sa antidote at binigyan lang naming sila ng isang daang antidote." "Hindi ba mas mapapasama sila lolo nyan?" En asked. Bumuntong hininga naman ako, "Wala tayong magagawa dyan. Sinabi ko na yan sa kanila pero hindi sila nakinig sa akin. They have their own plan and being us left behind is part of it." I can feel the irritation on their heart. Sabagay. Sino ba naman ang hindi maiinis kung alam mong nasa panganib ang buhay ng mahal mo sa buhay di ba? Kahit naman siguro ako maiinis. But I don't have any relationship towards them and all I need is to complete my task here and leave this damn place. Kung maililigtas ko man sila lola Paz then that is good for me since niligtas din naman nila ako and if not... I don't know. "Kung ako sa inyo mag iisip na ako ng paraan kung paano mapapabago ang isip ng mga nasa village. Gaya nga ng sinabi nila lola, ang village na ito ay itinayo dahil akala nila para sa kanila ito. Na para sa kanila isa itong safe haven and not hell. Masyadong mataas ang paningin ng mga tao dito sa mga taga organization." Hindi naman sila agad nagsalita pero ramdam ko naman na nagdadalawang isip sila at kahit na may naiisip sila ay hindi din naman nila sinabi sa akin. I know they don't trust me yet but its okay for me. Hindi ko rin naman sila pinagkakatiwalaan. After what happened to me? Magagawa ko pa kaya magtiwala basta basta sa mga hindi ko pa gaano kakilala? Kahit sino naman ata hindi kaya. Napatingin naman ako sa taas at kung titingnan ako ng simpleng tingin aakalain lang na nakatingin ako sa batong kisame pero hindi. May tao sa loob ng bodega. "May pinagsabihan ba kayo tungkol sa lugar na ito?" tanong ko sa dalawa at naramdaman ko naman ang pagtataka nila. "May lalaki sa taas and I don't know kung sino yun." At tiningnan ko naman ang dalawa. "I'll let you feel what I feel." I transmit it to them. Hindi ko kilala yung lalaki pero alam ko na kilala nila iyon. "Livi?" takang tanong naman ni En. "Hindi naman natin close si Livi ah." Naramdaman ko naman ang kaba nila ng biglang bumukas ang pinto sa taas papunta dito. I can feel their pressure, surprise and fear. Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ko naman sa bracelet ko ang bow and arrow at agad naman din itong nag materialize sa harapan ko. Kinuha ko na rin ang twin gun ko at nag materialize din ito sa harap ko saka ko naman ito binigay kay En at Eli. "Don't ask me how and what happened. Just stay put there and let me handle this." Hindi naman sila kaagad nagsalita at itinutok ko naman ang bow ko na may arrow na nakasalang at hinintay na bumukas ang pinto. Narinig namin ang pagsarado ng pinto at ang hakbang mula sa itaas hanggang sa harapan ng pinto ng experiment room nila lola Paz. Mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak ko sa bow ko and arrow ko at nang bumukas ang pinto ay kaagad ko rin namang binitawan ang arrow ko. "s**t!" dinig kong sambit ng lalaking kakapasok lang. Dahil sa impact at kakaibang klaseng arrow na meron ako ay tumama ito sa kuwelyo nya at sumabit ito sa dingding. "NABABALIW KA NA BA?!" sigaw nito sa akin. "IBABA MO AKO DITO!" Tinaasan ko naman sya ng kilay, "Who are you? Why are you here?" Sinamaan nya naman ako ng tingin. "Pagkatapos mo akong isabit dito gamit yang bow and arrow mo tapos ikaw pa itong may gana magtanong sa akin? Dapat nga ikaw ang tinatanong ko nyan! Sino ka at bakit nandito ka sa lugar ng lola ko!?" "Who are you to asked me? Hindi nga kita kilala eh." Kalmado ko namang sambit. Now I know who is this guy. Siya pala ang binabanggit ni lola Paz sa akin na makakatulong kina En at Eli sa pagtakas at sa pagkumbinsi sa mga tao sa loob ng village na ito. Livi. So that's the name. "Livi? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Eli. Napairap naman si Livi at saka sumimangot. "Great. Buti nandito ka Eli. Pakisabihan naman ang psychotic na babaeng ito na alisin ako dito." "Kesia? Can you please let him go?" tanong naman ni En. Hindi na ako nagsalita pa at lumapit ako kay Livi at hinawakan ko ang arrow ko pero bago ko ito bunutin ay bumulong muna ako sa kanya, "One wrong move and I'll kill you. Huwag mo ako subukan." Naramdaman ko naman ang takot sa puso nya and that makes me satisfied. As long as nakakaramdam ng takot ang isang tao I can consider them a human. Pero kung hindi? Nah~ that will never happen. All human had their own fear and most of them fear death. "Ano ba kasing nangyayari? After nang nalaman ko na nawawala sila lola Paz agada ko pumunta dito." Sambit ni Livi at pinagpagan ang damit nya. "Bago mo kaya kami tanungin sabihin mom una kung paano mo nalaman itong lugar na ito." Mataray na sabi ni En at sa ka naman ito ng cross arm. Umubo ng mahina si Livi. "Right, I forgot." He paused and he sat down. "Sinabi ni lola sa akin na may gagawin sila ni lolo Mar na hindi maganda. They want me to protect you both but of course kasama na rin daw ang babaeng nag ngangalang Akesia." "I don't need your protection. I can protect myself." Paninira ko naman sa sasabihin nya. I don't like this guy. And I don't know why. "Right. So, you are Akesia. Mukha ngang hindi mo na kailangan ng proteksyon ko. Halata naman eh." Pang iinis nyang sambit. I never felt irritated before. Ngayon lang. "Sarap talaga pumatay." Bulong ko and good thing walang nakarinig sa sinabi ko and that's good. They are not my enemy anyways. "Anyway, alam ko ang lugar na ito dahil dinala na ako dito ni lola Paz noong isang taon. May mga ginawa pa nga kaming research dito and that time ako pa ang inuutusan ni lola na kumuha ng mga halamang gamot. Wala pa kayo sa village na ito alam ko na ang lugar na ito." "Alam mo rin ba kung sino kami?" tanong naman ni Eli. Umiling si Livi, "I have no idea. Baka itong babaeng to may alam." "Akesia is my name. Remember that." "Right, psychotic Akesia." Umirap naman ako. Since pinagkakatiwalaan naman sila ni lola at nararamdaman ko rin naman na wala silang ibang motibo ay binalik ko na sa bracelet ko ang bow and arrow ko. Kinuha ko na rin kila En at Eli ang twin gun ko saka ko binalik din sa bracelet. Ramdam ko ang pagkabigla nilang dalawa at saka ako tumingin sa kanila. "Go and find a way on how to change the mindset of those villagers. Never mind the antidote ako na ang bahala doon. For now go upstairs and wait for me." "Wait lang paano mo nagawa yun?!" tanong ni Livi sa akin. "It is for me to know and for you to find out." I told him. Ayoko ng masyadong maraming tanong. Bahala sila sa buhay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD