GREEN CHAPTER 18

2293 Words
Akesia's Point of View Simula noong iligtas ako nila lola Paz sa kamay ng mga taga Green Organization pinangako ko na sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang matulungan sila ni lolo Mar pero kahit natulungan ko sila sa ginagawa nila hindi ko pa rin alam kung ano na talaga ang nangyari sa kanilang dalawa. Ang sabi ni lola Paz sila Eli at En ang makakatulong sa akin para iligtas ang buong village na ito kaya naman tinago nila ako at pinaliwanag nila sa akin ang lahat lahat. Mula umpisa hanggang sa ginawa nila ngayon. Nararamdaman ko na wala na sa bahay sila lola Paz at tanging si Eli na lang ang nasa bahay at alam ko ring kinuha na sila. Gusto ko mang tumulong pero hindi ko magagawa dahil mas lalo silang mapapahamak kung sakaling makikita nila ako. Apat na araw na simula noong kinuha sila lola Paz at apat na araw din natutulog si Eli. In fairness ah ang lakas pala ng sedative na binigay ni lola sa babaeng yun hindi ko tuloy alam kung magkakaroon ba ng side effect yun kay Eli. That sedative is one of her work at alam ko naman na mabisa yun kaya lang hindi pa naman napapatunayan kung may side effect o wala. "Gosh! Nabobored na ako!" napangalumbaba naman ako. "Kumusta na kaya sila?" Pumatak naman ang luha ko. Miss na miss ko na sila. Miss ko na ang mga kaibigan ko, sila kuya at lalong lalo na si Marvin. Sana hindi sya gaanong nag aalala sa akin. Sana alam nila na buhay pa ako. Napasabunot naman ako. Bwisit kasing ability to hindi ko magawang contact-kin sila gamit ito. Bakit kaya? Para kasing sobrang hirap silang hanapin. "Ano ba kasing klaseng lugar ito? Kahit sila lola hindi din alam kung nasaan ang lugar na ito." At tumayo ako saka kumuha ng tubig. Napatigil naman ako ng maramdaman ko na nasa harapan na ng bodega ang dalawang babaeng hinihintay ko. "Finally." Kalmado akong umupo sa swivel chair pero nakatalikod sa ako pintuan. Para mas maganda ang entrance. "Finally, it took four days for the both of you to be here. Bored na bored na ako kakahintay sa inyo eh." Sambit ko nang mabuksan na ang pintuan ng secret room ni lola Paz kung saan ko sila hinintay. Well, bored na talaga ako. Naramdaman ko na may isang lalaki sa taas kaya naman tumingala ako at kung transparent lang ang nasa itaas nakita ko na ang lalaking nakatayo sa harapan ng bodega. "Your voice sounds familiar." Sambit ni En. Kilala ko kung sino si En at Eli sa kanila dahil may picture silang dalawa dito sa loob ng experiment room ni lola Paz. "Kilala nyo ba kung sino ang lalaking nakatayo sa labas ng bodega?" "Huh?" -En "Nakikita mo sya?" agad naman na tanong ni Eli. Ngumiti naman ako, "Hindi ko sya nakikita. Nararamdaman, oo. Mukha naman atang gumana ang pagbibigay ko sayo ng kalahati ng emphatic ability ko." "Empha- what?" di maintindihang tanong ni En. "Maupo kayo." Sabi ko at umupo naman silang dalawa. "Bago tayo magtanungan magpapakilala na muna ako. I'm Akesia Cyrene, second to Henry. Well, sa ngayon dito sa lugar na ito I am second to none." "Wow ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo." Nailing naman na sambit ni En. "Just call me, En." "Ako naman Eli na lang itawag mo sa akin." Ngumti lang ako. "Kilala ko na kayong dalawa. Bukang bibig kayo nila lolo at lola Paz kaya naman hindi nyo na kailangan pang magpakilala." Kinontrol ko ang tubig papunta sa mga baso na nasa harapan nila at nanlaki naman ang mga mata nya. "As you can see, I am not just bragging." At tiningnan ko si En, "Eli alam ko na nararamdaman mo ang mga nararamdaman ng mga malalapit sa iyo. Iyon ay dahil pinahiram ko sayo ang kalahati ng emphatic ability ko. Kailangan mong protektahan ang sarili mo para mailigtas ninyo ni En ang buong village. Pati na rin sila lola Paz." "Wait. Hindi ko maintindihan." Agad naman na sabi ni En, "Ano to fantasy sa isang movie or book? Pinagloloko nyo ba ako? Mukha ba akong tanga sa inyo?" Tiningnan ko si En at nararamdaman kong talagang naiinis sya at hindi din naman alam ni Eli kung paano magpapaliwanag. Tumayo ako at ngumiti sa kanila saka ko sinabing, "May ten minutes kayo para mag usap. Hindi pwedeng sobrang tagal dahil marami pa tayong pag uusapan." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at pumunta na ako sa kwarto na nasa loob ng experiment room na ito at doon nakita ko ang picture ni Eli at En na magkasama. Napailing naman ako. Kahit kelan talaga sila lolo at lola Paz sobrang mapag mahal. Sana okay lang sila. Naupo ako sa kama at pumusisyon na parang nag me-meditate. I need to contact them sana this time successful na. Marvin? Bakit ba hindi ko maramdaman ang link naming dalawa? Hindi na ba ako mahal ni Marvin? Marvin? O baka para sa kanya patay na ako? Shit Marvin! Ano bang nangyayari at hindi kita makausap!? Nararamdaman ko na tumutulo na ang mga butil ng pawis ko sa noo pero hindi pa rin ako tumigil. Akesia? Ikaw ba yan? Halos mawala na ako sa konsentrasyon ko dahil sa response na naramdaman ko, Oo, Marvin! Ako nga ito! I need to tell you something hindi ko kakayanin na tagalan ang pakikipag usap sayo so listen to me very well. Kahit na pinaparamdam ko lang sa kanya ang gusto kong sabihin para naman sa makakatanggap ng message ko ay para ko silang kinakausap sa isip. Marvin, may epidemic na mangyayari! The symptoms are high fever, caugh, fatigue and then skin disease at mauuwi sa stroke at pagkamatay! Unti unting maaagnas ang bawat balat habang stroke ang tinamaan ng sakit na ito! Nagmamadaling sambit ko. The heck? Paano mo iyan nalaman? Bakit alam mo ang nangyayari ngayon sa mundo? Naramdaman kong sabi naman ni Marvin. No, we're late. No! hindi pa! Green organization. Sila ang may gawa ng sakit! I am hiding from them kaya hindi ako nagpakita sa inyo ng ilang buwan! I have to do something first bago ako umuwi but please help all the people you can help. Kung nasa fever stage pa lang then put an ice on the forehead or have a bath of ice. Kung may ubo na sya habang may yelo sa noo or nakababad sa tubig make sure na painumin nyo ng may lemon. Five squiss lemon. No water added. Pure lemon. Kung sa skin na i-isolate nyo na dahil makakahawa pa ito sa iba at wala nang antidote dito at sa last stage, nasa amin ang last hope. Nasa kasama ko dito. I love you. – Marami pa akong gustong sabihin pero kaagad naman akong napadilat dahil sa naramdaman kong nawala na ang koneksyon naming. Tumulo naman ang luha ko pero napangiti pa rin ako. "At least kahit papaano nakausap ko sya." Huminga naman ako ng malalim at saka pinunasan ang luha ko at lumabas ng kwarto. Nakita ko naman na okay na yung dalawa kaya lumapit ako sa kanila, "Okay na?" tanong ko para naman makasigurado ako. Hindi ko kasi ginagamit ang ability ko. Tumango sila, "Bago tayo mag umpisa may tanong lang ako." "Go ahead." Sagot ko sa sinabi ni Eli. "Ikaw ba si Kes?" both of them asked. Ngumiti naman ako, "Yes." "Anong ibig sabihin mon a marami kang katawan?" di naman makapaniwalang tanong ni En. "Madami talaga. Kahit sino kaya kong kontrolin but don't get me wrong ah wala sa ability ko ang mind control or body control." Nanlaki naman ang mata ng dalawa. "Then how did you control my body back then?" "Through your emotion. Kaya kong mag control ng katawan through emotion. Dahil sa isa lang kayong normal na tao madali lang makontrol ang katawan nyo through emotion." Hindi naman sila nakapag salita. "So back to topic na tayo." "Okay." "Four days ago bago pa man kunin sila lola Paz nandito sila sa lugar na ito para sabihin sa akin ang lahat lahat ng kailangan ninyong malaman sa lugar na ito at the same time sa katauhan nyo. Pero binilin sakin ni lola Paz na hindi ko muna sasabihin ang katauhan nyo hangga't hindi pa tapos ang mga nangyayari ngayon." Naramdaman ko naman ang pagiging complicated ng nararamdaman nilang dalawa. "May pamilya pa ba kami?" -En Tumango ako, "Meron." Agad na umagos ang luha sa mata nila pero hindi ito ang oras para sa iyakan. "Pero hindi pa ito ang oras para sa pagsesenti. Gusto kong sabihin sa inyo na kailangan nyong sumunod sa akin. Sa bawat mga sasabihin ko at sa bawat plano ko. Naiintindihan nyo ba?" "Yes." Agad nilang sambit, Pinagkakatiwalaan nila ako dahil pinagkakatiwalaan ako nila lola Paz. Pero kung hindi ay hindi din naman nila ako pagkakatiwalaan. "Makinig kayo. Noong kinuha sila lola ay nagkaroon na ng testing sa loob ng village at napag alaman naming na isang tao lang ang ginawa nilang tester." Tumingin naman ako sa kanila. "Yung bakla nyong kaibigan." Napasinghap naman silang dalawa. Nararamdaman ko na nag aalala silang dalawa at the same time nakakaramdam din ako ng galit mula sa kanila. "Bakit nila ginagawa to?" may galit na tanong ni En. "Simple lang." sambit ko at tumingin sila sa akin, "To rule the world. Gusto nila na sila ang may hawak sa mundo. Sa pamamagitan ng sakit na ito ay mahahawakan nila sa leeg lahat ng leaders ng iba't ibang bansa kaya naman kailangan din kayo ng buong mundo." "Ano naman matutulong naming? Akala ko ba ang village lang ang ililigtas natin?" -Eli. "You're wrong." Sagot ko naman at tumingin ng seryoso sa kanila. Nakita ko ang gulat at the same time ang takot sa mata nila, "Hindi lang village ang kailangan nyong iligtas dahil nakalabas na ng village ang sakit." "Paano mo naman nalaman na nakalabas na sa village na hindi ka rin naman nakakalabas dito di ba? Saka paano ba kami makakatulong!?" -En. Mahina akong tumawa, "Easy, masyado ka namang hot headed." Pagpapakalma ko at nangalumbaba ako. "Let's say I have an ability to communicate with someone I know outside of this damn village, will you believe me?" Sandali namang napatigil ang dalawa at sabay na sumagot, "Yeah." "May dahilan pa ba para hindi kami maniwala sayo?" dagdag naman ni Eli. Umiling naman ako, "Wala and good at least hindi tayo mahihirapan sa mission na ito." Tumayo ako ulit sa pagkakaupo ko at kinuha ang folder na binigay ni lola Paz sa akin four days ago at binigay iyon sa kanila, tapos ko na basahin yun eh. "That's the epidemic's data." "And?" -En. "Eat it. Baka kasi kinakain yan." Walang gana kong sabi at inirapan naman ako ni En kaya mahina akong natawa. "Syempre babasahin nyo. Habang binabasa nyo ay ipapaliwanag ko ang hindi nyo maintindihan." Kaagad naman nagbasa ang dalawa at maya maya pa ay nagtanong na rin sila. "Death's Pandemic ang tawag dito?" -En. "Yes, since kapag nasa stage three na sila ng sakit ay wala na silang ibang gagawin kundi ang hintayin si ang reaper para kunin sila." "And this death's pandemic sabi mo kanina na nasa na ng village?" tumango naman ako sa tanong ni Eli. "The antidote?" "It's on your blood." Agad kong sambit at napatingin naman sila sa akin na nanlalaki ang mga mata. "Care to explain?" taas kilay na sambit ni En. May katarayan pala ang babaeng ito. Hindi na ako magtataka kung makakasundo nito sila Min at Yana. Ugh! Those girls! I miss them so much! "May pinainom sa inyo sila lola at lolo bago kayo nawalan ng malay di ba?" sandali naman silang dalawa napatigil at alam ko na naalala na nila ang nangyari. "Those are antidotes. Hindi na nilahat ng organization ang pagiging tester ng buong village para na rin mabigay ang hinihiling ng nakabuo ng hinihintay nilang resulta." "The death's pandemic..." sambit ng dalawa. "Yes. Nag promise ang organization kila lola Paz na kapag nakagawa sila ng isang sakit ay mabibigyan sila ng hiling and they wish for only one tester and that is your friend." Tumulo naman ang luha nila. "Sila lola po ba ang may gusto mamatay si baks?" tanong ni En. Umiling ako, "No. Sa totoo lang hindi nila alam na yung baklang kaibigan pala ninyo ang gagamitin nilang tester. Huli na noong nalaman nila lola Paz." Nakita ko naman na napahinga silang dalawa ng maluwag at the same time nagkaroon din nang galit. "Saan ka ba galing?" nagtatakang tanong ni En sa akin at ngumiti naman ako. "Isa akong student sa isang prestigious school for intelligent sa labas ng village na ito. We all have our own ways to be smart and to survive. Isa rin ang grupo ko sa kumakalaban sa organisasyon na kalaban natin ngayon. Now, they are trying to protect the people outside this village against those evil minds." Seryoso naman akong tiningnan ni Eli, "So kaya din tutulungan mo kami dahil sa gusto mo mapabagsak ang organisasyon?" "Fifty-fifty." Agad kong sagot sa kanya at nakita ko naman ang pagtataka sa mga mata nya, "Well, fifty percent no. Gusto ko talaga iligtas ang lugar na ito dahil iyon ang gusto nila lolo at lola. Also, yes. Matagal na naming gustong pabagsakin ang organisasyon na ito so this will be one of the best way to do it." "Kahit na may madamay?" -En "Walang madadamay at walang masasaktan kung walang organisasyon. Kung sino man ang madamay at masasaktan then we must do our best to save them. Hindi natin maiiwasan na may madamay at masaktan sa labanan na ito." "You're cruel." Mahina at sabay nilang bagsak. Umiling naman ako, "No. The world and this s**t organization are." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD