GREEN CHAPTER 17

2200 Words
Napabalikwas naman ako nang magising ako at napagtanto ko ang mga nangyari. Kaagad naman akong kinabahan sa naalala ko. Si lola... Kaagad akong tumayo at nagmadaling lumabas ng kwarto. "La?" tawag ko ngunit walang sumagot. Mas lalo pa bumundol ang kaba na nararamdaman ko. "Lola?" Hindi ko na napigilan pa ang luha ko na umagos nang malibot ko ang buong bahay at tinatawag sya pero hindi man lang ako nakatanggap ng kahit na isang sagot. Kinakabahan akong humarap sa dako kung nasaan ang forbidden area ni lola para sa akin at hindi ko alam kung dapat baa ko na pumunta doon o hindi. Ano ba ang dapat kong gawin? Napa-upo naman ako habang nakasabunot ako sa buhok ko at patuloy na tumutulo ang luha ko. "Lola naman ang hirap naman ng pinapagawa mo sakin. Nasan ka na ba?" Matagal bago ako kumalma at ng maramdaman kong kaya ko na pumunta sa lugar na sinasabi ni lola sa akin bago ako makatulog. Nasa harapan na ako ng bodega pero wala pa rin akong balak pumasok. Hindi ako papasok ng mag isa lang. Kinuha ko ang phone ko pero nakita kong walang signal kaya naman napakunot ang noo ko. Bakit wala? Bakit ngayon pa?! I need to go to, En. Sabi ni lola kailangan namin parehas makaligtas. Tumakbo ako papunta sa bahay nila lolo Mar. Napatigil naman ako sa nakita ko. Sa labas pa lang kitang kita na sobrang gulo at parang dinaanan ng riot ang buong paligid. Kinabahan din ako ng makita ko na may mga bakas ng dugo. Wait... This blood drop kung titingnan it's been four days. Bakit four days ang tinagal nito? Hindi kaya may nangyari nang masama kay En? Tiningnan ko ulit ang phone ko para tingin kung may signal na. Mahirap na baka wala sa loob si En at nandyan pa ang masamang loob na nag mamay-ari sa tuyong dugo na ito. Wednesday... Eleven fifty in the morning. Wednesday?! Sa pagkakatanda ko nakalabas kami nila En sa west forest nung Saturday? Is this kind of joke? Wait... the date. Don't tell me... Umiling naman ako. Imposible! Baka naman nagkaroon lang ng error ang cellphone ko dahil na din sa signal. Huminga naman ako ng malalim. Yeah, baka nga ganun nga. Wala naman akong alam sa cellphone kaya mas madali kong nakumbinsi ang sarili ko na may kinalaman sa signal ang date ng phone ko. Dahan dahan akong pumasok sa bahay nila En at nakita ko rin ang magulong sala. Kakaibang kaba ang nasa dibdib ko ngayon na para bang konting ingay lang ay aatakihin na ako sa puso. Hindi na ako nagsalita pa at kaagad na akong pumunta sa kwarto ni En. Halos makahinga naman ako ng maluwag nang makita ko si En na akala mo si sleeping beauty dahil sa sarap ng tulog. I look around and see nothing. Wala din akong nararamdaman na may nag mamanman kaya naman lumapit ako kay En. "En? Hoy! En! Gising!" Kaagad namang napabalikwas si En, "Lolo?! Lo!?" sambit agad nya at palinga linga. Kaagad naman na nagtubig ang mata nya at nang tumingin sya sa akin ay kaagad din naman itong tumulo, "Si lolo, twin, si lolo kinuha nila kasama si lola Paz!" at niyakap nya ako. She already knew that I am her biological fraternal twin. Yinakap ko rin sya at tumulo na rin ang luha ko sa nalaman ko kay En. "Eli, kinuha nila si lolo at lola. Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Pinatulog ako ni lolo pero nakita ko na sinaktan nila sila lolo!" humagulgol naman sya ng yakap sa akin at kalmado naman akong yumakap sa kanya pero patuloy pa rin sa pag tulo ang luha ko. "Hindi ko sila naligtas. Hindi nila gusto magpaligtas, Eli! Ayoko mawala si lolo." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya pero hawak pa rin ng dalawang kamay ko ang magkabilang braso nya. "Don't worry gagawin natin ang lahat para maligtas sila. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila magpaligtas at kung bakit para sa kanila hindi nila deserve na maligtas, but for us? They deserve to be saved!" desidido kong sambit. Tumango naman si En at saka tumayo, "Simulan na ba natin ang pag hahanap? Si Eros ba na-contact mo na?" Umiling ako, "Hindi ko pa naco-contact si Eros. Sobrang messy ng buong paligid ngayon sa village at hindi ko alam ang gagawin. Walang signal kaya hindi talaga natin maco-contact si Eros." "Kung puntahan kaya natin sya sa bahay nila?" Umiling ulit ako, "Nakakalimutan mo na ba, En? Isa sya sa kung ano mang group sa loob ng village na ito and for sure naman binigyan ka na ng briefing ni lolo tungkol sa lugar na ito." Tumango sya, "Yeah, hindi pa rin ako makapaniwala sa lugar na ito. Bakit sila gumawa ng ganito? Bakit sila nagligtas ng mga tao para lang bigyan ang mga ito ng pag asa tapos papatayin din pala nila?" Pinunasan ko ang luha ko at hindi sumagot sa mga tanong ni En at saka naman ako tumayo, "Mag bihis ka na. May kailangan muna tayong gawin bago natin iligtas sila lola. Sa ngayon kailangan na muna natin makaalis dito. Feeling ko hindi safe sa bahay nyo at may babalik pa dito anytime soon." Tumango naman si En, "Yan din ang pakiramdam ko kanina-" Hindi natuloy ni En ang sasabihin nya ng may marinig kaming nagbukas ng gate. Sinilip namin kung sino pero hindi namin nakita ang mukha nila dahil naka-cape ang mga ito ng black. "We need to hide." Mahina kong sabi. "May pagtataguan ba tayo dito?" Tumango si En. "Sabi ni lolo may secret passage daw syang nilagay sa likod ng aparador ko." Ni-lock muna namin ng dahan dahan ang kwarto saka namin hinila ang aparador. Dahil sa maliit na gulong ay kaagad din naman namin ito nausong ng walang ingay. Tumambad sa amin ang isang maliit na pinto kaya naman kaagad namin itong binuksan pero bago isara ay ibinalik namin sa dati ang aparador. Kinakabahan akong pinakiramdaman ang nasa kwarto at naramdaman ko na may tatlong tao na pumasok sa kwarto ni En. Hindi kami gumawa ng ingay at dinig na dinig naman namin ang sinasabi nila. "Green seventy ano may nakita ba kayo?" "Wala Green fifteen. Sigurado ba kayo na may apo talaga ang matandang lalaking yun?" "Oo, Green twenty six. Meron talaga sa pagkakaalam ko. Pero sabi ng mga tao sa paligid na ilang lingo nang nawawala ang mga iyon. Patay na rin ang isa nilang kaibigan, yung bading? Tatlo na lang sila pero sabi ng lalaki wala daw syang alam dahil hindi daw sila magkakasama." "Naniniwala ka ba sa kanila?" "Hindi pero sa tingin ko nagsasabi naman yung batang lalaki na yun ng totoo." And their voices faded. Napatakip naman ako ng bibig. Hindi sinabi ni Eros kung nasaan kami at kung buhay ba kami o hindi. Nang makasiguro kami na wala nang tao sa kwarto ay kaagad naman kaming bumaba at sinundan ang secret passage ng bahay nila En. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa tunnel na kami. As time goes by hindi na namin alam kung pasaan na kami. Kung makakalabas ba kami sa lugar na ito. Sobra naman kasing haba ng tunnel na ito at kung titingnan mahigit isang oras na kaming naglalakad. "Heck, hindi ko alam kung anong trip ni lolo at pinahaba nya ang tunnel na ito. It's supposed to be a straight tunnel, right?" maarteng sambit ni En. "Nagugutom na ako. Peste kasi yung mga dumating na yun hindi man lang ako pinakain muna." Dagdag pa nya. Mahina naman akong natawa. "Ewan ko sayo, En." At saka ako naupo. "Pahinga kaya muna tayo?" "Seryoso? Sa lugar na ito? Sorry Eli ah pero wala akong balak abutan ng gabi sa lugar na ito." Bumuntong hininga naman ako, "Fine." At saka ako tumayo ulit. ***** After half an hour finally! Naabot din namin ang dulo ng tunnel. Ang kailangan na lang namin ay umakyat sa hagdan na ito para makalabas na sa tunnel na ito. Pero hindi kami pwedeng basta basta na lang lumabas baka mamaya meron palang naghihintay sa taas nito. "Sisilipin ko na lang muna." Sabi ko at tumango naman sya. Umakyat ako sa hagdan at sumilip sa maliit na butas. Hindi ko makita ang buong lugar kaya naman pumikit na lang ako para maramdaman ko kung may ibang tao pa ba sa lugar na ito bukod sa aming dalawa ni En. Nope. Walang iba. Kaagad kong sinenyasan si En na umakyat na kaya naman binuksan ko ang pinto at napanganga naman ako sa nakita ko. "Heck, sala nyo lang pala ang kadugtong ng tunnel ng bahay namin eh." Sambit ni En nang makalabas kami sa tunnel. "Hindi ko alam. Hindi ko pa naman nakikita ang sa ilalim ng carpet eh, not until now. Hindi ko rin naman akalain na secret passage pala papunta sa bahay nyo ang nasa ilalim ng carpet na yan." Nailing kong sabi. "So ano ba ang dapat nating gawin?" at naupo naman sya. Kumuha ako ng pagkain sa ref at saka pumunta sa kusina at kumain muna kami. "Hindi ko alam kung ano ang dapat natin gawin pero may sinabi sa akin si lola." "Ano yun?" maang na tanong ni En. May naramdaman naman ako bigla. "Stay safe." I told her with a warning. Alam ko naman na na-gets nya ang sinabi ko. Nararamdaman ko kasi na may bug sa buong paligid na kaka-on lang dahil may narinig na boses and I don't like to be caught while we still needed to save everyone. "Hindi ko gets. Kinuha sila lolo at lola pero bakit hindi man lang sila nanlaban?" Okay, playing innocent ang role naming dalawa ni En ngayon. "Hindi ko alam." At tumingin ako sa dingding at napatingin din naman si En. "Basta ang sabi lang stay safe at huwag daw lalabas baka daw may mangyaring hindi maganda. Once daw na may pumunta at maghanap sa kanya sabihin daw na wala sya at may inaasikaso." En faked her gasp, "Si lolo din. Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang yun. Tell me, Eli, may something ba sa dalawa?" I laugh, a genuine one. Hindi ko napigilan dahil sa tanong ni En, eh. Kung nandito lang si lola baka nasapak na tong si En sa mga pinagsasabi nya, "Seryoso ka, En? Gusto mo bang masapak ni lola? Pag ikaw narinig nya patay ka." She smirk, "Kung maririnig nya." And she mouted without a voice, "Alis na tayo." Tumango ako, "Magpahinga na tayo. Pupunta pa tayo mamaya sa gubat para sa mga pinapakuha nila lola na ingredients." "Okay." Iniwan ko ng kusa ang isang ingredients na sinulat ni lola noon na sobrang haba. Ito yung time na inabutan kami ng tatlong araw ni En sa gubat kakahanap ng mga halamang gamot na ito. Pumunta kami sa bodega ng tahimik at hindi na nagsalita pa. Mahina at maingat lang din ang lakad namin para hindi marinig sa bug kung saan kami pupunta. Mahirap na baka ma-locate nila kung saan kami pinapapunta ni lola. Pagpasok namin sa bodega ay kaagad akong pumunta sa self at inalis ang maliit na book sa ibabang part at nakita ko nga na may pindutan doon. Lumapit si En sa akin after nyang magtingin tingin sa paligid at saka ko naman pinindot ang button. Bumungad naman sa amin ang hagdan pababa. Hindi ko talaga aakalain na may ganitong klaseng lugar sa bahay namin. Hindi ba ito napansin ng organisasyon? Naramdaman ko na may paparating kaya naman agad kong hinila si En at sinarado ang pinto. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. "Si Eros." Mahina kong sabi. "Anong meron sa kanya?" may pag aalalang sambit ni En. Ngumti ako, "Mahal mo pa rin si Eros, En?" hindi naman nagsalita si En. "Hindi naman ako tutol sa inyong dalawa ang akin lang ayoko mapahamak ka. Kung si Eros ang magiging dahilan ng ikakapahamak ng kakabal ko, sorry not to sorry, hindi ako mag a-approve." Hinampas naman nya ako ng mahina, "Eto naman. Matagal nang tapos ang sa amin ni Eros. Hindi ko man gusto na magtapos talaga kami pero wala naman kaming magagawa dahil hindi naman kami para sa isa't isa." Tumango naman ako, "Kung sakali man na maliligtas natin ang lahat dito sa village then maybe papayag na ako na magkabalikan kayo." Hindi naman nagsalita si En sa sinabi ko pero nagtanong sya sa akin na hindi ko rin naman masasagot, "Pero bakit sya nandito? Alam nya ba ang tungkol dito sa bodega?" Umiling ako, "Hindi ko alam kung alam nya ba ang tungkol dito o hindi. Siguro clue nya lang ang tungkol dito dahil alam nya na forbidden are ito ni lola at nagbabakasakali syang nandito tayo." "Siguro naman pupunta sya ng gubat di ba?" Tumango ako, "Kung makikita nya ang papel na iniwan natin sa sala. Oo." Hindi na kami nag usap pa ni En at bumaba na kaming dalawa. Kaagad naman bumungad sa amin ang pinto sa pinaka dulo ng hagdan at binuksan namin ito ng dahan dahan. May swivel chair na nakatalikod sa amin at may nakaupo doon. "Finally, it took four days for the both of you to be here. Muntik na ako mabored." That voice. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD