GREEN CHAPTER 16

2068 Words
Alyana's Point of View Nasa sala kami ngayon ng dorm naming at pinag uusapan kung ano ba ang dapat naming gawin once na mapatunayan naming na hindi pa nga patay si Kesia at kung si Kesia ba talaga ang nakita ni Henry. "Hindi ko alam ang gagawin ko. What if hindi si Akesia yun?" nag aalalang tanong ni Min. Napabuntong hininga naman ako, "Naiintindihan kita, Min. Kahit ako natatakot din na maniwala pero may chance din naman di ba? Wala namang masama di ba? Kung sakaling si Kesia nga yun then we have to do our best para mahanap sya and if not then we just have to do our best more para mahanap sya or ang katawan nya." Malungkot kong sambit. Hindi naman kasi talaga kontrolado ni Henry ang mga nakikita nya. Oo, nakikita nya ang mga gusto nyang Makita in the future pero limited yun dahil nga sabi nila Miss Jaja hindi kami pure blooded kaya hindi din naming makukuha ang pinaka tuktok ng ability naming. Makokontrol nga namin pero hindi kagaya ng sa kanila. "Kung si Kesia nga yun anong gagawin natin?" Ruzzel asked. Isa si Ruzzel sa nag aalala kay Akesia dahil alam na rin nya kung ano ang mga pinag daanan namin noong nasa isla pa lang kami. Speaking of island. Nalaman na ng world government ang tungkol doon and the organization is under investigation although kahit naman alam namin na malalampasan din naman ng organisasyon ang pag iimbistiga ng world government eh masaya pa rin kami. Bakit? Dahil nabibigyan kami ng oras para makapaghanap kay Akesia. Para sa iba patay na si Akesia pero para sa amin? Hangga't wala kaming nakikitang katawan ni Akesia hindi kami maniniwala na patay na sya. Though noong una convince na kami na patay na sya pero dahil sa mga nakikita ni Henry nitong mga nakaraan? Nah~ hindi na. "Kung buhay nga si Akesia gaya ng nakita ni Henry then we have to save her." Sagot naman ni Aira. "Paano naman natin maliligtas si Akesia kung wala naman tayong kaalam alam kung nasaan sya?" may point si Mark. "We can use everything we can use just to find Akesia bu-" hindi naman natuloy ni Jullia ang sasabihin nya ng may biglang nagsalita. "Buhay pa si Akesia?" di makapaniwalang tanong ni Marvin. Oh- uh- eto na nga ba ang pinaka ayaw naming mangyari hangga't hindi pa kami sigurado kung buhay ba o patay na si Akesia. "Kuya-" "Tell me." Nag mamakaawa na sambit ni Marvin. Parang pinipiga naman ang puso ko dahil sa sitwasyon ni Marvin ngayon. Alam ko na sobrang mahal nya si Akesia at natutuwa naman ako para sa kaibigan ko na may lalaking naghihintay sa kanya pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil di pa naman naming napapatunayan. "TELL ME!" Halos mapatalon naman kaming lahat sa gulat sa pag sigaw ni Marvin. "Kuya calm down!" "Paano ako kakalma? Kayo may alam kayo sa nangyayari kay Akesia pero ako wala?" nangingilid naman ang luha nya. Kahit kami nangingilid na rin ang luha naming. "Tol kalma lang." sambit naman ni Mark at hinawakan nya sa balikat si Marvin. Inalis naman ni Marvin ang kamay ni Mark at nag tanong, "Pati ba ikaw alam mo na buhay pa si Akesia?" "Tol hindi naman kami sigurado kung buhay ba talaga si Akesia." "So may alam nga kayo." The tone of his words is like someone betrayed him. Huminga naman ako ng malalim. "Hindi naming alam!" naluha na ako. "Inaalam pa namin kung buhay ba talaga sya o hindi na! nasasaktan din naman kami sa nangyayari, Marvin!" huminga ako ng malalim "Anong akala mo ikaw lang ang nasasaktan? Hindi namin sinabi sayo ang tungkol dito hindi dahil excluded ka kundi dahil dyan sa magiging reaksyon mo!" at dinuro ko naman sya. "Tol, lahat ng ito nasa fragments lang ng ability na nakikita ni Henry kaya hindi pa kami sigurado. Kalma lang." pagpapakalma naman ni Jullian. Lumapit si Jullia sa kuya nya at hinawakan ang kamay nito, "Kuya alam namin at naiintindihan namin na nag aalala ka kay Akesia, na namimiss mo na sya. Pero sana intindihin mo din naman kami. Namimiss at nag aalala din kami kay Akesia." Inalis ni Marvin ang kamay ni Jullia at umalis sa dorm ng walang sabi at padabog na sinara ang pinto. Napabuntong hininga na lang kami. "Anong nangyari bakit parang narinig ko na may nagsisigawan?" tanong ni Henry na kakarating lang at lumapit sakin saka ako yunakap at kiniss sa ulo. "Bakit ka umiiyak?" Napakamot naman si Ruzzel, "Ang init pala ng ulo ni senior pagdating kay Akesia." Napabuntong hininga naman si Henry, "Nalaman nya na?" Tumango ako, "Oo, ayun nagalit sya akala nya betrayal na iyon." At yumakap naman ako pabalik, "Hindi ko rin naman masisisi si Senior Marvin. Sa mga nangyayari ba naman ngayon sa kanya lalo na link pa sa babaeng pinaka mamahal nya. Panigurado mapapraning ako pag nangyari sakin yan." Henry tap my head, "Hindi ko hahayaan na mangyari yun sayo." "Oh my gosh single is here. Please lang wag sa harapan namin nakakaumay." Sambit naman ni Min. Umirap naman ako, "Inggit ka lang. Humanap ka na kasi ng kalandian mo. Tingnan mo si Jullia nakahanap na." "Oh shut up." Sambit naman ni Jullia, "Tara Ruzzel sa canteen tayo. Nagugutom ako. Ayoko magisa dito ngayon." "Paano ang kuya mo?" "Hayaan na muna natin si kuya. For sure nag iisip isip na yun ngayon." At hinila si Ruzzel palabas ng dorm. Umalis na din si Aira at Jullian sa dorm at naiwan naman kaming tatlo. Ako, si Henry at si Min. "I think I need to find someone that can fill my empty heart." Natawa naman ako, "Drama nito." At naupo kaming tatlo. "Anong bago mong nakita?" Umiling si Henry, "Ganun pa rin naman nakikita ko ang pinag kaiba lang hindi na sya naka-chain. Puro lab apparatus ang nakita ko and sometimes may dalawang babae ako na nakikita pero hindi ko kilala kung sino yun. Hindi ako pamilyar." Kumunot naman ang noo namin ni Min. "Hindi kaya kabit mo yan sa future?" Sinamaan ko naman ng tingin si Min at tumawa ito, "Joke lang ito naman. As if naman magloloko yang si Henry di ba? Takot lang nyan sa tropa." Tumikhim naman si Henry at nag-tap sa ulo ko, "Don't worry I won't do that." At tumingin naman ako sa kanya at mas lalo akong napamahal sa matatamis nyang ngiti kaya naman pati ako napangiti na rin. "Goodness! Too much sugar! Hindi ba kayo nauumay? Sobrang tamis eh!" pang aasar naman ni Min. Natawa na lang kami ni Henry at saka ako nagsalita, "Hindi kaya may kinalaman ang dalawang babaeng yan kay Akesia? Like sila ang nakakuha kay Akesia or something? Hindi naman Malabo na mangyari yan." "May point ka pero what if silang dalawa din ang nagkulong kay Akesia?" agad namang kontra ni Min sa sinabi ko. Parehas kaming tatlo napabuntong hininga. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." Saka napahawak naman sa sintido si Henry. "Tinatawagan ka pa rin ba ng World Health Organization?" tanong ni Min at nag nod naman si Henry. "Yeah, may epidemic na kumakalat ngayon sa buong mundo and it attact the heart and lungs of a person so they needed our assistance." "Hindi ka ba tutulong?" tanong ko. Umiling si Henry, "Ayaw ni kuya Jared. Kung bakit? Hindi ko rin alam." Natahimik naman kaming tatlo ng ilang Segundo at bigla na lang nagsalita si Min, "What if kagagawan ito ng organization? Nang Green Organization? Di ba sila ang mga specialize sa mga sakit? I mean yun ang research ni Kass sa atin noong nasa Maldives tayo." Napaisip naman kami ni Henry sa sinabi ni Min pero hindi pa rin kami agad na nagsalita, "Wala pa tayong sapat na ebidensya tungkol dyan pero may point ka rin naman." Sambit ko at binuksan ko ang phone ko. "Sobrang dami ng bansa ang affected, the economy is on the verge of collapse, many people are dying and many people are suffering." "Bakit kaya hindi pa tayo pinapakilos ni kuya Jared?" tanong naman ni Min at walang nakasagot sa amin ni Henry. "Let's just wait for his signal baka naman may alam si kuya Jared na sulusyon or baka naman may maganda syang rason kaya hindi nya tayo pinapasali ngayon." Dagdag naman ni Henry. "Ney, lets have a lunch now I'm so hungry." Sambit pa nya sa akin. "So iiwanan nyo ako dito sa dorm mag isa ganun?" Angal naman ni Min. "Gusto mo ba maging third wheel sa amin?" taas kilay kong tanong sa kanya. Tinaasan din nya naman ako ng kilay, "Mukha ba akong gulong sa mata mo? Mag salamin ka na nga!" at nag wave naman sya ng kamay nya. "Sige na layas na dito. Nasa duty lang lahat ng class A kaya wala ditto pero mamaya maya darating na rin sila di na rin ako mag iisa at sanay din naman ako mag isa." Natatawa naman kaming naglakad ni Henry palabas ng dorm. --- Third Person's Point of View Galit na naglakad si Marvin papunta sa base ng junior verdant at nang Makita naman sya ng mga ka-team nya ay agad itong nanahimik. Para sa Junior Verdant Ellipse si Marvin ay out of their reach. Alam nila na MAS sa kanila si Marvin pero ni minsan hindi sila nakaramdam ng inggit bagkus nakakaramdam sila ng pagka-proud dahil napasama sila sa team ni Marvin. Alam din nila ang pinagdadaanan ng leader nila ngayon kung kaya naman si Alice ang humahalili sa posisyon ng leader sa ngayon. Alam din nila kung hindi naman kinakailangan ay hindi pumupunta sa base si Marvin maliban na lang kung may gagawin ito or may ire-research na importante. "So anong problema ng leader namin at nandito sya ngayon?" agad na salubong ni Alice. Sa buong team si Alice ang pinaka malapit kay Marvin at kung hindi nila alam na may Akesia na sa buhay ni Marvin aakalain nila na kasintahan ni Marvin si Alice dahil sa sobrang close ng dalawa. Pero alam naman nila na magkapatid lang ang turingan ng dalawa. "Wala akong problema." Agad naman na sagot ni Marvin. Tumawa si Alice, "Sino ba pinagloloko mo, Marvin? Wala kang maloloko dito oy!" nailing na sambit nito. "Pumupunta ka lang dito kung may problema ka or kung may gagawin kang importante. Since naka leave ka ngayon at wala kang dapat gawin gaya ng inutos ni kuya Jared edi may problema ka nga." Bumuntong hininga naman si Marvin at naupo sa pinaka malapit na upuan. "Alam nil ana buhay si Akesia pero hindi nila sinabi sa akin." "Napatunayan na ba nila buhay talaga si Akesia?" tanong ng isang ka-member ni Marvin na si Dominic. Para sa grupo ng mga verdant na ito ang pagshe-share ng problema ay isang paraan para hindi na bumigat pa ang nararamdaman. Umiling naman si Marvin, "Ang sabi nila hindi pa sila sigurado. Pero alam ko na buhay pa talaga si Akesia! Sabi nila kaya hindi nila sinabi sa akin dahil sa magiging reaksyon ko, sino ba naman kasi ang kalma pag nalaman na buhay pa ang mahal nya di ba?" Napailing naman ang isa pang kagrupo ni Marvin na si Revon, "Baka ng over react ka? I mean, you know nagalit ka kaagad sa kanila at hindi man lang sila pinakinggan." Napaisip naman si Marvin at napagtanto naman nyang tama ang sinabi ni Revon. Nagalit nga sya kaagad dahil sa mga narinig nya at hindi man lang nya binigyan ng chance ang mga kaibigan ng girlfriend nya para magpaliwanag. "Alam mo, Vin?" napatingin naman si Marvin kay Alice. "May tanga side ka rin naman pala no? Hindi ko alam kung tama ba itong sasabihin ko sayo dahil alam ko na wala ako sa posisyon mo pero alam mo? Tanga mo! Alam mo kung bakit? Hindi lang naman kasi ikaw ang nasasaktan pero akala mo ikaw lang. Look around, Vin. Hindi mo ba nakikita ang mga ginagawa nila Henry para mahanap si Akesia para lang mapakalma ka? Goodness!" Hindi naman nakapagsalita pa si Marvin dahil sa sinabi ni Alice at nag isip isip na lang ito. Iniwan na lang sya ng mga team mates nya after nyang maglabas ng sama ng loob dahil alam ng mga team mates nya na kailangan ni Marvin ng time alone para mapag isipan ang mga nangyari at mga sinabi nya. Sa puntong iyon alam ni Marvin na nagkamali sya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD