GREEN CHAPTER 15

1482 Words
Seryosong nakatingin sa akin si lola at kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. I can feel it. She will say something so important and I can feel her hesitance about it because she knew it will hurt me. Should I ready my self from that heartbreaking information? Bahala na nga si batman! "Eli." "La, pakideretso na po ako." sambit ko at hinawakan ko naman ang kamay ni lola, "Mas lalo po akong kinakabahan sa mga pasuspense mo sa akin eh. Kaya po please? Paki sabi na po." Nag mamakaawa kong sabi. Mahirap na baka kasi atakihin ako sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso. Wala nga ba? Hindi ko alam dahil wala naman akong naalala sa mga nangyayari noon sa buhay ko. Ni hindi ko nga alam ang itsura at pangalan ng mga magulang ko na naghulog sa akin sa bangin eh so paano ko pa malalaman kung may sakit ako sa puso o wala di ba? She sigh, "Everything in this village is not real. Lahat ng nakikita mo dito has its own purpose. You and En existence here are not included." Kumunot naman ang noo ko, "Ang alam ko po ang west forest lang ang hindi totoo. Paano pong hindi totoo ang lahat ng nandito sa village?" takang tanong ko. Everything seems so real. "HIndi ko alam kung saan ako mag uumpisa." she paused, "Okay, let say that this village is just an experiment station of one of the biggest company in the whole world." "Ex-experiment station?" gulat kong tanong. She nod her head, "Yes." at yumuko sya saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm sorry but I am one of them. Isa ako sa mga nag eeksperimento para gumawa ng malubhang sakit at ng antidote nito. Ipapakalat ng kompanya ang sakit sa buong mundo at ang antidote iyon ay ibebenta sa malaking halaga." Parang nasira ang haligi ng buong pagkatao ko sa mga narinig ko. Ang babaeng nagligtas sa akin... Ang babaeng nagturo sa akin na maging matapang... Ang babaeng unang tumanggap sa akin.. Ang babaeng buong puso kong pinahahalagahan at hinahangaan... Ang babaeng akala ko hindi gagawa ng kahit na anong masama... Kusa na lang tumulo ang mga luha ko sa sinabi sa akin ni lola and I can feel that she's sorry for what she's doing and for doing what they said to her. "I'm sorry. Ayoko man na gumawa ng ganitong klaseng trabaho pero wala akong magagawa." SHe said while her tears running through her cheeks. "It was my dept that needed to be paid off. Iniligtas ako ng kumpanya para gawin ito at kahit na anong gawin ko hinding hindi ako makakatakas sa kanila. They save me for me to sold my soul to them." "Lola? Ano po ba nangyari?" "I was pregnant back then and I had a very dangerous pregnancy and needed to have a cesarean operation as soon as possible but I don't have money. Iniwan ako ng pamilya ko at pati na rin ng ama ng anak ko at hindi ko alam ang gagawin ko that time." "Who is your child? My mom or my dad?" Umiling sya, "I am sorry but I am not your biological grandmother." Nanghihina ko namang ibinaba ang mga kamay ko at humawak sa kama. Hindi sya ang tunay kong lola? Then what? "Hindi kita tunay na lola?" Tumango sya, "Sorry kung nagsinungaling ako pero kailangan kong gawin iyon. Hindi nila ako titigilan kung sasabihin ko sa kanila na niligtas kita." Hinawakan nya naman ang mga kamay ko, "Your mom, yung tunay mong mama. Hindi ka talaga nya iniwan at hinahanap ka nya pero hindi ko alam kung paano ka ibabalik sa kanya kaya pinalaki na lang kita at pinalabas ko na nahulog ka sa bangin." Hindi tumitigil ang pag agos ng luha ko sa mga nalalaman ko. "Then who am I?" Huminga sya ng malalim at binitiwan ang kamay ko, "You're one of a hell student in one of a hell school." "What do you mean, lola?" Umiling sya at hinawakan ang pisngi ko, "Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang pinagmulan mo. Sa ngayon Eli gusto kong sabihin sayo na kailangan mong tatagan ang loob mo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga taga-kumpanya once na pumunta sila dito sa village pero isa lang ang alam ko..." "Ano po iyon?" "Ipapa-test na nila ang sakit dito mismo sa village na ito. Ang mga taong nandito iniligtas din sila ng mga taga-kumpanya at nagpapasalamat sila sa kumpanya pero hindi nila alam ang totoong dahilan kung bakit sila binigyan ng bahay, pinapakain at binubuhay para maging tester ng sakit na gagawin." Nanginginig akong napatakip ng bibig ko. Oh my goodness. "Yung gamot..." "Malapit nang matapos ang gamot na magbibigay ng sakit sa maraming tao. Hindi ko alam kung ibibigay talaga nila yung antidote pero sa tingin ko hindi. Hindi ko alam kung ano talaga ang intensyon nila at kung ano ang goal nila pero isa lang ang naiintindihan ko..." tumingin sya sa labas at tanging usok na lang ang nasa village. "Ginawa na nila itong sunog na ito para mapa-oo ang mga tao na maging tester nila ng sakit." Napayukom naman ako ng kamao ko. "Bakit po nila ginagawa ito? Bakit mo po ginagawa ito?" "I'm sorry pero wala akong magagawa. Hindi ko alam kung kelan ano na ang nangyari sa anak ko, kung buhay pa ba sya o hindi na, kung maayos ba ang buhay nya o hindi... hindi ko alam at kahit na gugustuhin ko man na umalis dito hindi ko pa rin kaya dahil matanda na ako." "Makakalabas ka pa rin naman dito lola..." umiiyak na sambit ko. Umiling sya, "Hindi mo naiintindihan, Eli, apo." At pinunasan naman nya ang luha ko. "Hindi ko na kakayanin pa dahil once na matapos ko ang gamut at ang antidote wala na kaming silbi ni Mario sa buong organisasyon at yun na ang hudyat ng huling hininga namin. Kaya naming kayo niligtas ni En para mailigtas ang ibang tao dito." "Anong silbi ng pagliligtas naming sa mga tao dito lola kung hindi naman naming kayo maliligtas?" Huminga muna sya ng malalim saka nya sinabing, "Dahil sila ang mga taong gusto naming mailigtas ninyo, Eli. Kapag nailigtas ninyo sila parang nailigtas nyo na rin kami. Sila may pag asa pang mabuhay sa labas ng impyernong ito pero kami ni Mario at ng iba pang taga gawa ng gamut wala nang pag asa." "Lola..." "Kung sakali mang mamamatay ako sa harap mo, Eli, gusto ko lagi mong tatandaan na kahit na hindi kita tunay na apo tinuturing kitang parang tunay kong apo." Tumango naman ako, "Wag ka mag alala lola gagawin ko ang lahat para mailigtas ang mga tao dito at kasama po kayo ni lolo Mario sa ililigtas namin." Umiling sya, "Hindi ko alam kung makakaligtas kami ni Mario sa huling meeting naming kasama ang organisasyon kaya sasabihin ko na ito sayo." Hinawakan naman nya ang kamay ko ulit, "Sa pinagbabawalan kong lugar sa bahay na ito may isang bookshelf doon at may maliit na book sa bandang ibaba. Alisin mo iyon at may maliit na pindutan doon patungo sa basement." "Basement?" Tumango sya, "Oo, may babaeng naghihintay doon at ang pangalan nya Akesia. Siya ang tutulong sa inyo ni En para mailigtas ang mga tao sa lugar na ito at para din makalabas kayo." "Akesia?" "Isa syang hindi pangkaraniwang babae. Sya ang tumulong sa akin para mapagtagumpayan naming ni Mario ang sakit na ito at sya din ang gumawa ng antidote." "Lola.." Hinawakan naman nya ang pisngi ko, "Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka naming ni Mario. Mahal naming kayo ni En. Kayo ang nagbigay ng buhay at pag asa sa aming dalawa kaya please, alagaan ninyo ang isa't isa." Umiiyak naman akong tumango kay lola, "Promise po." Ngumiti naman sya, "Good. I want you to know that En is your biological sister. A dizygotic twin." "Di- what?" "Dizygotic twin in other words fraternal twin." Napairap naman ako. "Seryoso la? Pinapahirapan mo pa talaga ako?" at pinunasan ko naman luha ko, "Okay la. Gagawa kami ng paraan para maligtas din kayo ni lolo Mario." Umiling sya, "We don't have any rights to be alive anymore once na mailabas na ang sakit. We made that epidemic that will kill a millions of people and kung mabubuhay man kami panigurado na hindi kakayanin ng kunsensya namin ni Mario ang mangyayari." "Pero di ba nakagawa na kayo ng antidote?" Ngumiti naman si lola, "It still not enough to atoned for our sinned." Mas lalo naman tumulo ang luha ko "Just be safe and stay alive." Gusto ko pa man na magsalita pero hindi ko na magawa hanggang sa binigyan ako ni lola ng inumin. Akala ko para lang kumalma ako kaya binigyan nya ako ng inumin but I am wrong... I fell asleep. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD