***LEREN’s POV*** Pansamantala na iniwasan kong magkasalubong ang mga mata namin ni Kent. Ayokong magalit na sa kanya dahil narinig ko na ang panig niya. Wala pala siyang kaalam-alam sa kasamaan ng kumupkop sa kanyang baklita. In short, inosente ang kababata ko. Napayuko siya ng ulo at hinimas-himas ang kanyang noo. Naagaw tuloy na naman ng pansin ko ang kanyang tattoo. “Kung gano’n, anong ibig sabihin ng tattoo mo r’yan sa kamay mo?” Tiningnan niya ang kanyang kamay. “Noong graduation ko sa criminology ay naglambing sa akin noon si Sandro. Sabi niya ay natatakot daw siya na baka dahil nakatapos na ako ay iiwanan ko na siya. Baka magsarili na raw ako bahay o kung anuman.” “Tapos?” kako nang ako naman ang tiningnan niya. “Sabi ko ay hindi ko magagawa iyon dahil kung wala siya ay hind