***LEREN's POV*** Hindi pa kami nagtatagal sa usapan ay pare-parehas na kaming nabulabog. Bigla kasi kaming nakarinig ng palitan ng mga putok mula sa kung saan. "Baka mga EXODUS ang mga 'yan. Follow me," sabi ni Attorney Lapitan kay Kent. "Delikado na tayo rito." Lihim na nagbunyi ang kalooban. Umasa ako na si Zrion ang dumating upang iligtas ako. "Tara, Leren." Hinawakan naman ako ni Kent upang isama. Subalit umiling-iling ang attorney. "Hindi siya maaaring sumama." "Hindi kami puwedeng mapaghiwalay!" protesta ni Kent. His deep voice rumbled inside the room. "Huwag kang mag-alala. Ilalagay siya sa ligtas na lugar. Kailangan lang namin kayong mapaghiwalay upang malito ang mga kalaban." Tumaas ang isang kilay ko. Hindi ako naniniwala. Alam ko at ramdam ko na may ibang balak ang