***ZRION’s POV*** “Your wife, Sir. She’s in your office.” Napatingin ako sa nagsalitang secretary ko. “What time did she arrive?” “Kanina lang, Sir, at… at parang umiiyak po siya.” My face started to frown. Hindi ko inasahan ang pagdating ni Leren dito sa ospital dahil iniwan ko sila ni Mommy kanina sa villa. Ang saya-saya pa nga niya dahil excited daw siyang maka-bonding si Mommy. Halos ipagtulakan niya ako kanina na pumasok na sa trabaho para raw makapagsolo na sila ni Mommy. What happened that she suddenly appeared here? May hindi na naman ba sila napagkasunduan? Somehow, I am overwhelmed by guilt. Dapat talaga hindi ako nagtiwala na iwanan silang dalawa. Hindi na ako nadala. I looked at my wristwatch. May mga appointment pa sana akong pupuntahan. “Secretary Tangco, clear my sch