***LEREN'S POV*** "Sinong kausap mo?" tanong ko kay Xalene nang balikan ko siya mula sa pagbabanyo at napansin kong may kausap siya sa cellphone niya. Mukhang may kalokohan na namang ginagawa. Sinenyasan niya kasi akong tumahimik pagkakita niya sa akin habang pilyang ngiting-ngiti. "Oo, tatanga-tanga kasi. Biglang tumawid, ayon, fifty-fifty tuloy. Malala ang lagay niya sabi ng doktor," sabi niya sa kausap niya tapos ay tumawa na walang tunog. Napamulagat naman ako't awtomatiko ang pag-agaw ko sa cellphone niya. "Gaga ka talaga! Ikaw kaya ang i-fifty-fifty ko!" Napabulanghit na siya ng tawa. "Hello, si Leren 'to. Buhay na buhay. Huwag kang maniwala sa sinabi ng bruhang ito," at kako naman sa tao sa kabilang linya. "Totoo ba, Leren? Ayos ka lang?" Na si Kent pala. Kawawang nilalang.