***LEREN's POV*** "Leren, mag... magpapaliwanag ako," namutla ang mukhang saad ni Kent. "Isa ka pa!" pero galit ko nang bulyaw. Naiinis ako sa mga nangyayari. Tama nga si Xalene, mukhang magkasama nga kahapon sina Zrion at Kent, at hindi man lang ako nagsuspetsa. Heto na naman tuloy ako, nagmukhang tanga. Pinagkakaisahan na pala ako ng dalawang gunggong, wala pa akong kaide-ideya. "Leren, kung ano man ang iniisip mo ay hindi ganoon 'yon," sabi pa ni Kent. Kitang-kita sa mukha niya ang frustration. "Ayaw mo rin na makita ko kung sino ang Solomon na 'yon? Bakit?!" singhal ko pa rin. "Iniisip lang namin ang kaligtasan mo. Pader ang babanggain mo, Leren," pagpapaliwanag niya. "Wala akong pakialam! Magsama kayong dalawa!" walang kaabug-abog na bulyaw ko ulit. Ang sama-sama ng loob ko