***LEREN’s POV*** Nakatanga lang ako sa mukha ni Doc Zrion habang inaayos niya ang mga pagkaing isinilbi ng waiter. Supposedly ay mamimili lang kami sa grocery ng kakailanganin namin sa villa, subalit napadpad din kami sa isang classy at medyo high-end na restaurant. Namangha talaga ako nang makita kong may pang-mayaman pala na kainan dito sa Santa Monica, tapos ay sa tabi pa ng dagat. Magkatabi na nakaupo kami ni Doc Zrion sa isang long table sa may tabi ng bintana. Bukas ang malaking pinto at pati ang bintana kaya tanaw ang napakagandang beach sa labas. Kung hindi ko naririnig ang pagsasalpukan ng mga alon at hindi ko nararamdaman ang pumapasok na hangin ay aakalain kong isang malaking painting ang dagat. The place also had a quaint, rustic feel. Kamangha-manghang tunay. Pero mas n