***LEREN’s POV*** Nakapikit pa si Xalene nang sagutin niya ang video call ko. Ang pangit niyang mukha ay lalong ang pangit. “Magtatanghali na hindi ka pa gising, pimps. ‘No ba naman ‘yan?” sita ko sa kanya. “Pasado alas-tres na kami nakauwi kanina ni Madam galing sa dinaluhan niyang birthday party ng amiga niya,” aniya. Her voice thick at nakapikit pa rin. Mukhang puyat na puyat nga ang gaga. “Pimps, nagkaroon ng barilan dito kanina,” sabi ko naman. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at baka tulugan niya ako. Kailangan ko pa naman ng kausap ngayon. “Ano kamo?” Napadilat nga siya sa narinig niyang sinabi ko. “Ang sabi ko ay pinaulanan kami ng bala dito sa villa kagabi,” panlilinaw ko. Tuluyan na siyang nagising. “Seryoso, babs?” and she hissed. “Hindi magandang biro ‘yan, ah.” “Oo nga.