PART 48

3215 Words

***LEREN’s POV*** Kumilos ako sa aking pagkakahiga. Mula sa pagkakatagilid ay dumapa ako. Kanina ay naramdaman kong may sumapo sa noo ko, parang inaalam kung may lagnat ako. Gusto kong tingnan kung sino ang may kagagawan pero nakakatamad magmulat ng mata. Antok na antok pa ako at parang hinang-hina. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at pinilit kong bumalik sa pagkakahimbing. Mamaya na lang ako gigising. “Do you intend to sleep forever?” ngunit ay boses naman na ni Doc Zrion. Istorbo! Hindi ako natinag. Ayaw talagang makisama ang diwa’t katawan ko sa kagustuhan kong magmulat ng mga mata. Saka ano bang problema niya? Hindi naman siya nag-aalmusal, ah. “Ay, tuko!” Nang bigla ay may kumalampag na dalawang takip ng kaldero. Iyon ang nagpagising sa kamalayan ko bigla-bigla at nagpabalikwas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD