PART 59

1555 Words

***LEREN'S POV*** Habang naglalakad ako sa munti at masayang baranggay namin ay nakita ko ang mga bully na kapwa ko kabataan na nakatambay sa waiting shed. Hindi ko dapat sila papansinin para hindi na naman nila ako kantiin, pero dahil kasama nila si Veda, ang reyna-reynahan ng grupo nila ay napansin pa rin nila ako. "Oy, padaan na naman ang prinsesa... prinsesa ng mga baboy," nakakasakit na namang biro niya patungkol sa akin. "Tabi kayo at baka may foot-and-mouth disease 'yan. Nakakahawa pa naman," dugtong pa niya. Nahihiyang nagyuko ako ng ulo. Hindi ko alam ang gagawin; kung tutuloy pa ba ako na dadaan sa harapan nila upang bibili ng ballpen sa store o aatras na lang ako para umuwi. "Sige na, Leren, daan ka na. Bilisan mo lang, ah? Ang laki mo kasi kaya ang sakit mo sa mata," pat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD