***LEREN's POV*** "Babs, Kent, kain muna tayo! Nakaluto na kami!" malakas na tawag sa amin ni Xalene kasabay nang pagkaway-kaway. "Tara?" aya ko naman kay Kent. "Sige," sagot niya. Kaagad kaming lumapit kay Xalene. Nagngingitian kami habang naglalakad. "So, bati na kayo?" may tukso ang ngiting usisa ni Xalene habang papasok kami sa villa. Nanunukso ang tingin niya sa amin. "Sa tingin mo papapasukin ko siya dito sa loob kung hindi?" "Mabuti naman kung gano'n." Sobrang natuwa si Xalene na umakbay kay Kent. "Congrats. Sa wakas official na kaibigan ka na namin." Nakangiting tumango lang si Kent. Animo'y nadyadyahe pa. Nang makarating kami sa kusina ay nakahain na si Corinne. Adobo ang niluto niya na ulam at mukhang masarap. Parehas ko siyang may alam pagdating sa kusina. Si Xalen