***LEREN’s POV*** “Sampung karton ng sanitary napkin, pimps. Binilhan ako ng dyablo ng sampung malalaking karton ng napkin. My ghad!” deklara ko at ang lakas talaga ng boses ko. Hindi ako maka-move on sa pasabog kanina ni Doc Zrion. Naloloka pa rin ako kaya nag-video call ako kay Xalene. Buti na lang at hindi niya ako nakalimutan na pa-load-an kahapon. Napakalakas din nang naging tawa ni Xalene. Kita ko na ang ngala-ngala niya sa screen. “Anong gagawin ko sa mga iyon? Igigisa ko?” sabi ko uli na namamangha pa rin. Ako kasi’y gapatak lang naman ang dugo kapag may buwanang dalaw. Kadalasan pa’y tatlong araw lang ay tapos na. Minsan pa nga’y dalawang araw ay wala na kaya hindi ko nagagamit ang isang supot ng napkin dahil mahina talaga ang dugo ko. “Ayaw mo niyon, babs? May napkin ka na ha